Sunday, December 18, 2016

Declutter

PROTIPS - December 16, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ngayong Pasko tiyak na marami na namang madaragdag na gamit, damit at kung anu-ano pang anik-anik na matatanggap mo bilang regalo. Ang malaking tanong, may paglalagyan ka pa ba ng mga ito? While receiving gifts should be appreciated, ang pagtanggap ng mga regalo ay hudyat din na kailangan nating mag-let go sa ilang mga kagamitan natin. Kung ang ating katawan ay dapat na magdetox regularly, pagdating sa mga kagamitan, kailangan din na maging bahagi ng ating routine ang pag-declutter o pagbabawas ng mga bagay na madalang o halos hindi mo na ginagamit.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Isang professional organizer sa America na ang trabaho ay tulungan ang mga taong mag-ayos ng kanilang mga bahay at opisina ang nagsabing sa bawat tatlong bagong bagay na iyong bibilhin, dapat ay may i-dispose o i-let go ka na limang bagay. This is a good principle to follow lalo na kung napakalimitado naman ng iyong espasyo sa bahay o opisina. Hindi ka pwedeng mag-accumulate ng napakaraming gamit ng wala ka namang paglalagyan. Kailangan nating mag-declutter. Paano?

1) Let go of things which you have not used for a long time. Kung may ilang taon mo na rin namang hindi naisusuot o nagagamit ang mga nakatago sa iyong cabinet, ibig lamang sabihin ay hindi mo kailangan ang mga ito. Iyan ang mga nangunguna sa mga bagay na kailangan mo ng i-unload. Sayang ang espasyo na inuukupa ng mga ito. Subukan mong ihiwalay ang mga damit na madalas mong isinusuot. Alin sa mga ito ang gusto mo ng palitan. At buhat naman sa mga damit na matagal mo ng hindi nagagamit, ano ang gusto mong isuot? Retire the clothes which you've been using all the time and replace them with items which you've almost forgotten about. Hindi kawalan ang magbawas ng mga kagamitan. Itira mo lamang ang talagang kailangan at gagamitin mo.

2) Share your excesses and abundance with others. Wala kang pambili ng mga pangregalo ngayong Pasko? Baka naman di mo na talaga kailangang bumili, dahil buksan mo lamang ang cabinet mo ay parang mall na ito sa dami ng mga pwede mong ipangregalo. Kapag bili ka ng bili at wala namang nakikinabang sa iyong mga pinamili, hoarding ang tawag diyan. Hold a garage sale. O kaya ay ipamigay mo na ang mga gamit na nakatago o nakatambak lamang sa iyong bahay.

3) Less is more. Mas kaunti ang iyong gamit, mas efficient ang iyong magiging pamumuhay. Stick only to the essentials. Tignan mo ang mga sumasali sa marathon, wala silang bitbit para mas mabilis ang kanilang pagtakbo sa karera. Ang mga nagtatrabahonog organisado ang workspace, di ba't kadalasan ay mas efficient sila. Di na kailangang maghanap ng kanilang gamit dahil maayos at madaling makita ang pinaglalagyan ng mga ito. Si Mark Zuckerberg ay ilang beses na ring natanong kung bakit palagi siyang naka-jeans at grey na T-shirt. Ang sagot ng Facebook founder, para daw hindi na niya kailangang pag-isipan kung ano ang isusuot niya at magamit niya ang kanyang oras para sa mas mahahalagang bagay na kailangang paglaanan ng oras at atensyon.

We need to regularly declutter to make us more efficient and effective. Let go of things which you have not used for a long time. Pagpalain mo ang iba sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanila ng iyong mga gamit na sobra-sobra. Tandaan mo, less is more. Having a few functional things is far more efficient than having too much stuff which you cannot use. Bago ka mag-acquire ng mga bagong gamit ngayong Pasko, Ka-Protips, mag-declutter muna tayo.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================


Original Post:


No comments:

Post a Comment