PROTIPS - December 7, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides
Naranasan mo na bang ipagpaliban ang isang plano at nung handa ka ng magpasya ay huli na ito? Nakapanghihinayang di ba? May kasabihan nga tayong, daig ng maagap ang masipag.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
There is great value in making timely decisions. Madalas nga ay may katapat itong financial value. May mga desisyon na kapag ginawa mo ng mas maaga ay tiyak na makatitipid ka o kaya ay higit na kikita. Halimbawa, those who are quick to recognize good business opportunities will definitely earn more than those who are unable to decide whether they will start a business or not. May mga desisyon na kapag ginawa mo ng last minute, kinalaunan ay mas napapamahal ka. Mahalaga ang paggawa ng napapanahong desisyon. Paano?
1) Avoid over-thinking. Sa bawat araw na mayroon kang pasya na ipinagpapaliban, maaaring may mga bagong opportunities ka rin na pinalalampas. Kung napag-aralan mo na nang mabuti ang isang bagay, magpasya ka na ng hindi ka mapagsaraduhan ng window of opportunity. Minsan kasi tama naman ang una mong pasya pero sa sobrang kaiisip ay namamali pa. If you want to make timely decisions avoid paralysis by analysis. Avoid over-thinking.
2) Exercise faith. Kahit pa gaano mo pag-aralan ang isang bagay bago ka magpasya, talagang may mga aspekto na hindi mo naman kontrolado. Kapag nagawa mo na ang iyong bahagi sa iyong trabaho at mga bagay na kailangan mong pagpasyahan, exercise faith and trust everything in God's full control.
3) Learn from the experience. May magagandang desisyon at mayroon namang mga pasya na kahit anong pag-iisip ang ginawa mo ay hindi pa rin maganda ang resulta. Make every decision making opportunity a learning opportunity. Sa bawat pasyahin na iyong gagawin, tiyak na mayroon kang matututunan para maging mas maganda at napapanahon ang susunod mong mga desisyon.
Make timely decisions by exercising faith and avoiding over-thinking. Ang bawat desisyon na gagawin mo ngayon ay nagpapatibay sa iyo sa mga susunod pang pasyahin sa iyong trabaho at negosyo.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment