PROTIPS - November 28, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides
Usong-uso na ngayon ang mga countdown. Countdown bago mag-Pasko at countdown bago mag-2017. Kamakailan lang ay nasa Times Square ako sa Manhattan, New York kung saan ginaganap ang sikat at dinadayong New Year's countdown taon-taon. It is easy and exciting to count the days before a big event in your life or career. Pero ang mas challenging ay ito, how do you make each day of your life count? Paano gagawing makabuluhan ang bawat araw ng buhay mo?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Ang sabi ni Abraham Lincoln, "In the end, it's not the years in your life that count. It's the life in your years." Maaaring matagal at mahaba na ang inilagi mo para magtrabaho sa isang kumpanya. But are you making a difference in your place of work? O nagbibilang ka na lang ng oras para maka-uwi na? O kaya ay nagbibilang ka na lang ng taon, para makuha mo na ang iyong retirement pay? Nilikha tayo ng Diyos di lang para magbilang ng araw. God created us to live purpose-driven lives. So how do we make our days count?
1) Live for others. A life spent serving others is not easily forgotten. Pero kung nabubuhay ka para sa sarili mo lamang kasiyahan, sa palagay mo ba'y nabubuhay ka ng may kabuluhan? Ang sabi sa Matthew 16:25, "If you try to hang on to your life, you will lose it. But if you give up your life for my sake, you will save it." May nakapagsabing ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi ang halagang naipon mo sa bangko, o ang modelo ng sasakyan na gamit mo. Ang tunay na sukatan ng matagumpay na buhay ay kung mayroong nabuhay ng mas maayos at mas maginhawa dahil nakilala ka nila. To live for others and to make a difference in their lives, that is what a purposeful life is all about.
2) Live as if today is your last. Alam mo bang mas marami kang trabahong natatapos bago ka magbakasyon? People are most productive when they know that a deadline is coming. Alam namn nating may hangganan ang oras natin sa mundo. Hindi nga lang natin alam kung kailan ang time's up na ito. Kaya sa bawat araw na ibinibigay sa atin ng Diyos, mabuting ibigay rin natin ang ating best sa trabaho natin, sa pamilya natin at sa mga taong pinahahalagahan natin. Do the best that you can do today. Gawin mong makabuluhan ang araw na ito.
3) Live to glorify God. Gusto mong maging makabuluhan ang buhay at trabaho mo? Live to glorify God. Ang sabi sa 1 Corinthians 10:31, "So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God." Maikling panahon lamang ang inilagi ni Jesus sa mundo, tatlumpu't-tatlong taon. But He made every day of His earthly life count because He was focused on glorifying God by fulfilling His will.
Binibilang mo na ba ang araw, bago mag-Pasko? Tandaan mo ang paalala sa Psalm 90:12, "Teach us to number our days, that we may gain a heart of wisdom." Don't just count the days. Make your day count.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment