Friday, December 2, 2016

Courageous Living

PROTIPS - November 30, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ngayong araw na ito ay ginugunita natin ang kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio kinilala bilang "Ama ng Rebolusyon". Siya ang nagtatag ng Katipunan. Nakakabit na sa pangalan ni Bonifacio ang tatak ng matapang na pamumuno. Sa kanya ay hindi hadlang ang kahirapan para isulong ang kanyang adbokasiya para sa malayang Pilipinas. Habang ang iba ay nakatuon sa kakulangan ng sandata at tao, para kay Bonifacio ay hindi ito dahilan upang umatras sa laban. His passion and courageous leadership were enough to spark a revolution. Ano nga ba ang susi ng pamumunong may paninindigan at tapang na kailangan natin sa ating buhay at trabaho?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May magandang paalala sa atin sa Joshua 1:7-8 tungkol sa kahalagahan ng lakas ng loob at katapangan, "Only be strong, and very courageous, then you will make your way prosperous, and then you will have good success." Ang tagumpay ay para sa mga may matibay na kalooban. You need courageous leadership to succeed in life and in business. At paano natin ito isasabuhay?

1) Real courage is not the absence of weakness but the ability to overcome it. Ang tunay na katapangan ay hindi naman kawalan ng kahinaan. Lahat tayo ay may weakness. Lahat tayo ay may flaws. Ngunit hindi mo hahayaan na pigilan ka ng iyong weaknesses para abutin ang mga mithiin mo. Ang pagkilala sa iyong kahinaan at kakulangan ay isang hakbang tungo sa katapangan. To overcome these weaknesses is real courage.

2) Real courage is recognizing your need for others. Katapangan din ang pagkilala na kailangan mo ang tulong ng ibang tao. We are stronger when we work with others. May mga bagay na natatakot tayong gawin kung mag-isa lamang tayo. Pero kapag may kasama na tayo, lumalakas ang ating loob hindi ba? Draw courage from the people you value and trust.

3) Real courage is possible in Christ. Maraming bagay sa trabaho at buhay natin ang hindi tayo maglalakas loob na gawin kung nakatuon tayo sa sariling lakas lamang natin. But focus on who God is, focus on what Christ has done for you and you will be courageous to face life's challenges. Isa sa mga battle cry ko sa tuwing ako'y panghihinaan ng loob ay ang Philippians 4:13 "I can do all things through Christ who strengthens me." Kapag kailangan mo ng tunay na katapangan, lumapit ka sa Diyos at sa Kanya ka humingi ng lakas ng kalooban.

Kailangan mo bang maging matapang para harapin ang mga problema mo sa trabaho at negosyo? Real courage is not the absence of weakness but the ability to overcome it. Real courage is recognizing your need for others. Real courage is possible in Christ.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================


Original Post:


No comments:

Post a Comment