Sunday, December 18, 2016

God Provides

PROTIPS - December 15, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Magsisimula ka ba ng bagong career o negosyo sa susunod na taon? Malinaw ang iyong mga plano pero medyo kapos pa ang iyong pondo? Ang pabaon kong pampalakas loob sa iyo ay ito, God provides.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Minsan takot tayong humakbang papalapit sa katuparan ng mga plano at pangarap natin dahil masyado tayong sigurista. Gusto natin hindi lang sapat kundi sobra-sobra ang ating resources bago tayo umaksyon. Wala namang masama sa pagiging sigurista. Part of good planning is making sure that you have what you need before you start on a project. Hindi yung pagdating sa kalagitnaan ng proyekto bigla kang titigil dahil kinapos ka na ng mga materyales na kailangan mo. But understand this, there are times when the Lord will ask you to take a step of faith and along the way, He provides and supplies your daily needs.

Narito ang tatlong paalala sa panahong nakararanas ka ng kasalatan o kagipitan.

1) God has provided you with the ability to earn. Minsan ang kasalatan na ating dinaranas ay hindi naman dahil sa talagang kapos na kapos tayo. Maaaring wala kang cash sa iyong bulsa, pero kung titignan mo ang mga gamit mo at ang iyong kakayahan, marami kang resources na pwede mong ibenta o gamitin to raise the cash that you need. Times of lack are a blessing because they open our eyes to the many things that we actually have. May kakilala akong mahusay na artist. Noong siyang bago pa lamang at di pa kilala sa kanyang larangan, sa tuwing siyang kakapusin sa pera, pupunta siya sa park dala ang kanyang sketch pad at lapis at iguguhit niya ang mga tao na naroroon. He may not have money during that time, but God gave him a talent that enabled him to make a decent living. Binigyan ka ng Diyos ng kakayahan para magtrabaho at kumita, gamitin mo ang kakayahang iyan.

2) Many times, the lack that we experience is caused by poor financial stewardship. Kadalasan, kaya tayo kinakapos ay dahil sa maling pamamahala ng ating pananalapi. Hindi ako magugulat na ngayong Christmas season, kahit na napakaraming dagdag kita ng marami dahil sa mga bonuses at kita sa iba't-ibang sidelines, marami pa rin ang magrereklamo na kapos sila. Ang problema ay hindi ang kakulangan ng resources. Ang problema ay ang sobra-sobrang paggasta. God provides for our needs. Are we faithful and good managers of His provisions?

3) God faithfully provides for our needs. Noong umalis ang mga Israelita sa Egypt papuntang Promised Land, hindi nagkulang ang Diyos sa pagbibigay ng kanilang pangangailangan. They had manna and quail. They also had the pillar of cloud by day and fire by night. Lahat ng kailangan nila ay ibinigay ng Diyos. Pero nagreklamo pa rin ang mga Israelita. Instead of being grateful for God's provisions, they complained about not getting their wants. Tayo ba ay ganyan din? Kaya hindi natin narerecognize ang tapat at sapat na provision ng Diyos sa buhay at trabaho natin ay dahil na katuon ang ating pansin sa mga gusto natin na hindi pa dumarating. Let us be faithful in thanking God for His daily provisions.

Tandaan mo, hindi nagkukulang ang Diyos, He provides for our needs. Baka ang kulang ay ang ating pagkilala at pasasalamat sa Kanyang katapatan. Thank the Lord for His provisions and blessings.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

No comments:

Post a Comment