Wednesday, December 14, 2016

Year End Reflections

PROTIPS - December 14, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Habang tila pabilis nang pabilis ang paglipas ng mga araw at pagtatapos ng taon, mabuting maglaan tayo ng panahon para magreflect sa mga nangyari ngayong 2016.

Kumusta ang naging taon mo? Has this been a difficult year for you? Marami ka bang pagsubok na hinarap sa buhay mo at trabaho? O naging magandang taon ba para sa iyo ang 2016 dahil karamihan ng iyong mga panalangin ay sinagot ng Diyos at marami sa iyong mga binalak gawin ay natupad mo? Ano man ang naging takbo ng taong ito para sa iyo, it is always good to have time for reflection.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Maraming company parties ang natapos na at marami sa mga nagtatrabaho ay nagsisipaghanda na para sa kanilang well-deserved vacation. Para sa mga estudyante naman, ito na ang huling linggo ng exams at pagpasok sa eskwelahan at pagkatapos ay Christmas break na rin nila. While work seem to wind-down for some, ang ating pagiging busy ay hindi humuhupa dahil nariyan naman ang paghahanda para sa mga family gathering at iba't-ibang activities para sa holiday break. Kung hindi tayo magiging intentional sa paglalaan ng panahon para manahimik at magreflect tungkol sa buhay, talagang hindi ito mangyayari. So make time for a year-end reflection. Bakit?

1) Capture important learnings for this year. Maraming magagandang bagay na nangyari sa iyo ngayong taon. Tiyak din ako na marami kang mahahalagang aral na natutunan sa loob ng labing-dalawang buwan ngayong 2016. But these insights and learnings can be easily forgotten if you don't sit down to reflect on them. Isulat mo ang mga aral na iyong natutunan, maaaring buhat sa personal na karanasan, pelikulang iyong napanood, libro na iyong nabasa, seminar na iyong dinaluhan o pangyayari sa ating lipunan. Ang Facebook nga ay ginawan tayo ng 2016 in Review. Mabuting magkaroon ka ng panahon para personal na i-review ang mga natutunan mo ngayong taon.

2) Identify mistakes which should not be repeated. Sa iyong pagbabalik tanaw sa mga nangyari ngayong 2016, magandang i-identify mo rin ang mga pagkakamali o blunders na iyong nagawa na marapat iwasan at di na ulitin sa mga susunod na taon. A good year-end reflection is not just focused on the good that happened. It is also learning from the mistakes that you made. Mula sa mga pagkakamaling ito ay maaari tayong matuto, tumatag at lumago.

3) Set plans and targets for next year. Ang iyong mga natutunan mula sa iyong panahon ng pananahimik, pananalangin at pag-iisip, gamitin mo para gumawa ng malinaw na mga plano para sa susunod na taon. Nasabi ko na nga minsan, na kung ang mga kumpanya ay naglalaan ng oras at pera para magplano para sa kanilang negosyo, di ba't higit na mahalaga na tayo mismo ay mayroon ding malinaw na plano para sa ating career at personal na buhay? Plans don't just appear out of no where. Ang maganda at maayos na plano ay pinag-iisipan, pinag-aaralan at pinaglalaanan ng oras at lakas.

As you make time to reflect on what transpired this year, don't forget to do the following: capture important learnings, identify mistakes which should be avoided, and set plans and targets for next year. Isabay mo sa iyong year-end reflection ang pagbubulay sa Salita ng Diyos upang maging gabay sa iyong mga gagawing plano para sa susunod na taon. Ang sabi nga sa Psalm 37:4, "Delight yourself in the Lord and He will give you the desires of your heart." 

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original post:

No comments:

Post a Comment