Sunday, December 11, 2016

Give Thanks

PROTIPS - December 9, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Maraming bagay na talaga namang karekla-reklamo. Pero hindi mo rin maitatanggi na maraming dahilan para din naman maging mapagpasalamat tayo. Sa gitna ng iyong mga kaabalahan, tambak na gawaing kailangang tapusin, mga deadlines na hinahabol at mga pagtitipon na dapat puntahan, Ka-Protips huwag mong kalilimutan na maging mapagpasalamat. Give thanks!

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Bahagi ng kagandahang asal ang magpasalamat sa bawat regalo at kaloob na ating natatanggap. Tiyak akong nagdaratingan na ang mga regalo ng iba't-ibang kliyente at kaibigan mo sa iyong trabaho o negosyo. Pero hindi lang naman nakabalot na regalo ang dapat nating ipagpasalamat. Narito ang mabuting ipagpasalamat din natin. Mga bagay na di naibabalot ngunit malinaw na biyayang natatanggap natin.

1) Be thankful for people who made your life and work better this year. Malaking biyaya ang mga taong kasama natin sa hanapbuhay na totoo namang nakapagpapagaan ng ating pang-araw-araw na trabaho. Ipagpasalamat mo sila sa Diyos at maglaan ka rin ng oras para maipahayag ang personal mong pasasalamat sa kanila. It is good to end the year appreciating co-workers who have been a blessing to you.

2) Be thankful for problems and challenges which you overcame. Regalo ding maituturing ang bawat problemang nalutas, mga relasyong naayos at mga pagsubok na napagtagumpayan. Good gifts make you better and stronger. Ganyan ang dulot ng problema sa atin kapag tama ang ating nagiging tugon. Isang preacher ang na-diagnose na may malubhang karamdaman. Sa halip na panghinaan ng loob ang naging tugon niya ay pasasalamat sa pagkakataon higit na kumapit at magtiwala sa Diyos.

3) Be thankful for health, strength and the ability to make a living. Madalas ay nakakalimutan nating ipagpasalamat sa Diyos ang ating kalusugan at kakayahang kumilos at magtrabaho. Health is definitely a gift that we should always thank God for. Sa halip na magreklamo ka dahil papasok ka na naman sa opisina, magpasalamat tayo na pwede pa tayong magtrabaho.

Marami kang maaaring ipagpasalamat ngayon. Give thanks today. Ang pusong mapagpasalamat ay tiyak na maaaninag sa ngiting busilak.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

No comments:

Post a Comment