Wednesday, December 14, 2016

Give Yourself a Deadline

PROTIPS - December 13, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Mas marami ka bang natatapos na gawain kapag mayroon kang deadline? Para sa marami, deadlines work because they are motivation and reason to finish work. Isa sa mga pwede nating gawin sa pagma-manage ng ating oras ay ang magtakda ng panahon kung kailan dapat makumpleto o matapos ang isang trabaho o gawain. Give yourself a deadline.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Maraming magagandang hangarin at pangarap pero bakit hindi naisasakatuparan ang mga ito? Dahil nanatiling wish lamang at hindi plano ang mga naisin mo. What is the difference between a wish and a plan? A wish is just wanting something without thinking how to get it. A plan is a wish with details and a deadline. Bakit dapat na nagtatakda tayo ng deadline para sa ating mga trabaho at gawain?

1) Because time is limited. Kailangang may nakatakdang oras kung kailan mo tatapusin ang isang trabaho dahil limitado ang oras mo. Palagi nga nating sinasabi dito sa Protips na ang oras ay isang resource na nauubos at di na napapalitan. Giving yourself a deadline helps you manage your time better. Makaiiwas kang magpaliban o magprocrastinate sa mga gawain mo dahil limitado ang iyong panahon.

2) Because you have other things to do. Kailangan mo ring magtakda ng deadline sa iyong mga gawain dahil hindi naman iisa lang ang trabahong kailangan mong gawin. Gusto mong maging productive hindi ba? The sooner you finish your current task, the sooner you'll be able to work on new assignments.

3) Because others are affected by how you manage your time. Ang trabaho mo ay konektado at may epekto sa buhay at trabaho ng ibang tao. Kapag hindi mo natapos ang iyong gawain sa takdang oras, tiyak na may ibang trabaho na hindi rin matatapos sa oras. You need to give yourself a deadline in finishing tasks because how you manage your time affects others.

Malapit ng mag-Pasko at malapit ng magtapos ang taon. Malapit mo na bang matapos ang trabaho mo bago magholiday break? Ang dapat tapusin ngayong 2016, huwag mo nang patawirin sa 2017. Give yourself a deadline and complete the tasks which you need to finish now.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original post:

No comments:

Post a Comment