Monday, December 12, 2016

Learning to Say No

PROTIPS - December 12, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Nahihirapan ka bang magsabi ng "No" sa mga alok, paanyaya o mungkahi sa iyo ng ibang tao? Madalas ay napipilitan ka na lamang sumang-ayon kahit na sa iyong isip at kalooban ay mayroon ka namang ibang opinion o gustong gawin. Magpapadala ka na lang sa kung ano ang gusto ng marami kahit na ayaw mo naman talaga dahil hirapkang magsabi ng hindi. Narealize ko na isa sa mga epektibong paraan para mabawasan ang unnecessary busyness na nagdudulot ng unnecessary stress sa ating buhay ay ang matutong tumanggi. Learn to say "no".

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

While we should make ourselves available to good business opportunities, hindi lahat ng sa tingin mo ay magandang oportunidad ay dapat na tinatanggap at pinapasukan mo. There are opportunities which look really good at the start, pero kapag pinag-aralan mo ng mabuti, napakarami palang hihingin sa iyo nito na sa bandang huli mas mabuti pa kung humindi o tumanggi ka na lamang.

Why should we learn to say no?

1) Because your time and your strength are limited.
Kailangan mong matutong humindi dahil may hangganan ang iyong oras at lakas. Kahit pa gaano ka ka-energetic nakararamdam ka rin ng pagod hindi ba. Learn to discern which activities and invitations deserve your time and strength.

2) Because rest is important. Kapag katawan mo na ang humindi dahil nagkasakit ka na, kailangan mong makinig dito at talagang magpahinga. We need to learn to say no because our body and our mind need to rest. Ang katawan at isipan na nakapagpahinga ay mas productive. Say no to excessive busyness and yes to rest.

3) Because you have a mission and a purpose to fulfill. Ang kakayahang magsabi ng "hindi" ang siyang tutulong sa iyo para maging focused sa iyong misyon sa buhay. Many things will clamor for your attention, time and strength but only a few things are truly aligned to your life's purpose and mission. Naalala ko ang istorya ng magkapatid na Martha at Maria sa Biblia. Martha was very busy with so many things. Mary chose to sit at the feet of Jesus to spend time with Him and listen to His teachings. At ganito ang sinabi ni Hesus sa magkapatid tungkol sa mga pinili nilang paglaanan ng lakas at oras, “Martha, Martha, you are worried and upset about many things. But only onething is necessary. Mary has chosen the good portion,and it will not be taken away from her.”

Hirap ka bang tumanggi at magsabi ng hindi? Be strong enough to say "no" because rest is important, your time and strength are limited, and you need to stay focused to fulfill your life's mission and purpose.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post

No comments:

Post a Comment