PROTIPS - December 5, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides
Challenge ba para sa iyo ang magfocus sa iyong trabaho? Alam mong marami kang kailangang tapusin pero maya't-maya ay may mga umaagaw ng iyong atensyon kaya ang trabahong nasimulan ay di pa rin makumpleto. Focus is important if you are aiming for job completion and high work productivity. Kahit na abala ang marami sa pagbili at pagbabalot ng regalo at paghahanda sa mga Christmas parties at holiday celebrations, ang paalala ko sa iyo ngayong bagong work week na ito ay "stay focused".
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Narito ang ilang tips tungkol sa pagiging tutok at focused sa ating mga gawain.
1) Maintain a positive focus. Maraming tao ang focused pero hindi naman productive. Bakit? Dahil hindi naman sila naka-focus sa kung ano ang dapat nilang paglaanan ng kanilang atensyon at lakas. Busy sa napakaraming bagay maliban sa kanilang trabaho at sa tamang focus. Maganda ang paalala ng American author at motivational speaker na si Jack Canfield tungkol dito. Ang sabi niya, "Successful people maintain a positive focus in life no matter what is going on around them. They stay focused on their past successes rather than their past failures, and on the next action steps they need to take to get them closer to the fulfillment of their goals rather than all the other distractions that life presents to them." Kung gusto mong maging productive, magkaroon ng positibong focus sa iyong trabaho.
2) Guard yourself from distractions. Malaking abala sa trabaho ng marami ang walang disiplinang paggamit ng social media. Ang plano mong sandaling pagsilip sa iyong social media account ay nauuwi sa matagal na pagbabasa ng iba't-ibang internet sites hanggang sa maubos ang oras ng hindi mo pa nagagawa ang trabahong naka-schedule na tapusin para sa araw na ito. Maglaan ka lamang ng limitadong oras para sa paggamit ng internet na wala namang kinalaman sa iyong trabaho. Log-out of your personal social media accounts kapag ikaw ay nasa opisina na o kaya ay maraming deadline na kailangang tapusin. Know what distracts you most and guard your time and focus against these time-wasters.
3) Set your mind towards the prize of finishing your work. Ibang klaseng fulfillment ang dulot ng nakatatapos tayo ng ating mga gawain. Di ba ang saya kapag nakukumpleto mo ang nasa to-do-list mo sa opisina? You are able to enjoy your vacation or holiday break dahil alam mong walang nakabinbin na trabahong maghihintay sa pagbalik mo. Reward yourself with that feeling of accomplishment and completion. Stay focused and finish the work at hand. Magandang baunin mo ang paalala ni Apostle Paul sa Philippians 3:13-14, "Brothers, I do not consider myself yet to have laid hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, I press on toward the goal to win the prize".
Simulan mo ang araw na ito ng may malinaw na focus sa iyong trabaho. Guard yourself from distractions and set your mind towards the prize of completing and finishing your work.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment