Thursday, January 5, 2017

Be a Blessing, Add Warmth in Your Workplace

PROTIPS - December 19, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Talagang dama na natin ang malamig na simoy ng hangin ngayong Kapaskuhan. Nagising ka ba ng hatinggabi para magpatay ng bentilador o aircon? Ang lamig ng Pasko ay nandito. What do you do to keep yourself warm? Marami ang nagmemedyas, magtalukbong ng kumot at nagsusuot ng makakapal na damit para hindi sila ginawin. Pero sa opisina, ano naman ang pwede nating gawin to add warmth in the workplace?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May mga opisina na pagpasok mo pa lang cold na cold na ang treatment sa iyo. Meron namang opisina na at home agad ang iyong pakiramdam dahil may warmth ang mga tao. Here are a few tips to add warmth to the atmosphere in your place of work.

1) Give people a warm welcome. Bigyan ng mainit na pagtanggap ang mga taong bumibisita o pumupunta sa inyong opisina o business establishment. Acknowledge their presence, hindi yung dumating o umalis na ang bisita o kliyente ay wala ni isa man lamang na nakapansin sa kanya. Ang una kong sukatan ng mahusay na customer service ay ang pagwelcome ng empleyado sa mga customer na dumarating. Mayroon bang bumabati sa kanila? Agad ba silang natatanong kung anong assistance ang kailangan nila. Sa Japanese restaurants, pagpasok mo pa lamang ay sabay-sabay na magsisigawan ang chef at server doon ng "Irasshaimase" na ang ibig sabihin ay "Welcome! Please come in!". Minsan magugulat ka sa pasigaw na pagbati, but this greeting does not just welcome you, it also alerts all the staff to be on their toes because a customer has come in. Add warmth to your workplace by giving people a warm welcome.

2) Speak words that warm the heart. Maging pagpapala sa iyong mga ka-trabaho at kliyente sa pamamagitan ng iyong pananalita. Speak words that bless and warm the heart. Hindi yung sa tuwing may sasabihin tayo, ang epekto ay nag-iinit ang ulo ng ating kausap. Ang sabi nga sa Proverbs 15:1, "A gentle answer deflects anger, but harsh words make tempers flare." Huwag kang mag-alinlangan na magbahagi ng encouraging words, compliment o affirming words sa ibang tao. Those words are not for you to keep but for you to share to warm the hearts of other people.

3) Offer a warm cup of drink.
Ngayong malamig na ang simoy ng Kapaskuhan, a warm cup of coffee, chocolate, tea or salabat will definitely be a soothing blessing to your guests. Pagpapala sa isang tasa ng mainit na kape, hindi naman iyan mahirap gawin hindi ba. Naalala ko kung paanong ako'y pinagpala ng isang babaeng empleyado sa NAIA Terminal 3 sa isa sa aking lakbayin ngayong taon. Uhaw na uhaw ako ng dumating sa Maynila. Hindi ko pa nakukuha ang aking luggage. Naghanap ako ng maiinuman ng tubig at may nakita naman akong water dispenser kaya lang ay naubos na ang paper cups kaya di ka rin makainom. Isang female utility employee ang nagpahiram sa akin ng kanyang mug. Hinugasan niya itong mabuti bago inabot sa akin at sinabing, "Ma'am pasensiya na po, ito lang po ang baso ko." It wasn't warm water that I drank that time but the woman's gesture definitely warmed my heart.

Maging pagpapala tayo sa ibang tao ngayong Pasko. Add warmth to your place of work by giving people a warm welcome, by offering others a cup of warm drink and by speaking words that warm the heart.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================


Original Post:


No comments:

Post a Comment