Monday, December 5, 2016

Have a Debt-Free New Year

PROTIPS - December 2, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ngayong panahon ng Kapaskuhan ay tiyak na may papasok na extra income sa maraming nagtatrabaho at nagnenegosyo. Nariyan ang mga bonuses, 13th month pay, dagdag kita buhat sa iba't-ibang sidelines gaya ng pagbe-bake, arts and crafts at kung anu-ano pang business opportunities. Ngunit kasabay din ng dagdag na income ay ang dagdag na mga gastusin lalo na't kung marami kang planong regaluhan at celebrations na dadaluhan. Kaya mabuting mapaalalahanan na maghinayhinay sa paggastos at sa paggamit ng credit card mo dahil ang hangad natin ay totoong masayang Pasko at debt-free na bagong taon.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May kasabihan tayong mga Pilipino na, "Ubos-ubos biyaya bukas nakatunganga." Huwag naman sanang ang lahat ng extrang kikitain mo ngayong holiday season ay mapunta na lamang sa pagsho-shopping at pangregalo. Regaluhan mo rin ang sarili mo na makalaya sa iyong mga financial obligations. Paano nga ba tayo magkakaroon ng debt-free new year?

1) Pay-off old debts and avoid incurring new ones. Huwag mo ng dagdagan ang iyong mga utang. Pagpahingahin ang iyong credit card hangga't di mo pa nababayaran ang iyong outstanding balances na ilang taon ka na ring pinahihirapan. Hindi kalooban ng Diyos na mabuhay tayong baon sa utang. Ang sabi nga sa Psalm 37:21, "The wicked borrows but does not pay back, but the righteous is generous and gives".

2) You are not obliged to give gifts. Oo nga't naka-ugalian na ng marami na magbigay ng regalo tuwing panahon ng Pasko. Pero hindi mo ito obligasyon lalo na kung mayroon kang mga pinansiyal na pananagutan na kailangang bayaran. Your obligation is to pay-off your debts. Malinaw yan sa Romans 13:7-8, "Pay to all what is owed to them...Owe no one anything".

3) Level-up in your finances. Marahil ay nagse-set ka ng goals kada taon. Isama mo na sa targets mo para sa 2017 na maglevel-up pagdating sa pinansiyal na aspekto ng buhay mo. The first step to a healthy financial life is to be free from debt. Pagkatapos ay simulan mo na ang habit ng pag-iimpok o savings. Kapag marami ka ng naipon ay pag-aralan mo na rin ang simpleng investment hanggang sa ganap mong matutunan kung paano higit na palaguin ang iyong kita at kabuhayan.

Ang aking pagbati at paalala sa iyo, have a very Merry Christmas and a Debt-free New Year.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================================

Original Post:

No comments:

Post a Comment