Friday, December 2, 2016

Give Love This Season

PROTIPS - December 1, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Simula na ng December at simula na rin ng maraming gatherings at salu-salu para ipagdiwang ang Kapaskuhan. Isa sa mga paborito kong Christmas songs ay ang "Give Love On Christmas Day". Bata pa lang ako ay kinakanta na namin ito ng mga pinsan ko sa family reunions at caroling. The tune and the message of the song is timeless. Pag-ibig talaga ang pinakamagandang regalo na dapat nating ibigay sa isa't-isa di lang tuwing Pasko. Ang paalala nga sa atin sa John 13:34-35, "A new commandment I give to you, that you love one another; as I have loved you, that you also love one another. By this all will know that you are My disciples, if you have love for one another." Anu-ano nga ba ang konkretong paraan para maibahagi natin ang pag-ibig ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Pagdating ng Christmas season, maraming gift giving suggestions tayong nakikita. Pero sa totoo lang, marami naman sa mga regalong ibinibigay natin ang madaling nakakalimutan at ang iba nga'y nirerecyle at ipinamimigay din sa iba. Anong mga regalo nga ba ang mabuting ibahagi natin na magpapahayag ng pag-ibig at pagpapahalaga sa ating pamilya, mga kaibigan at ka-opisina?

1) Share the gift of time and service. Abala ka sa trabaho at sa iyong negosyo, may oras ka pa ba para sa mga taong mahal mo? Ang sabi ni Dietrich Bonhoeffer, "It is part of the discipline of humility that we must not spare our hand where it can perform a service and that we do not assume that our schedule is our own to manage, but allow it to be arranged by God." Maglaan ka ng quality time para sa mga taong madalas mong pinaghintay, pinangakuan na dadalawin o kaya ay sinabihang "let's get together" pero hindi naman nangyari. Ang sabi nga love is spelled T-I-M-E. Give love this season by giving time to others.

2) Share credit. Isang magandang regalo sa iyong mga ka-trabaho ay ang ibahagi sa kanila ang credit at commendation para sa mga bagay na iyong na-accomplish dahil sa tulong nila. This will require a bit of your time, pero ang mungkahi ko, sa mga Christmas greetings na iyong isusulat, isama mo na rin ang mga bagay na na-a-appreciate mo sa mga taong iyong babatiin at reregaluhan. Make your greetings personal by commending others and sharing the credit with them for great work that you were able to do this year.

3) Share God's love to others. Ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kapanganakan ni Jesus ang totoong diwa ng Pasko. Ibahagi mo ang pag-ibig ng Diyos sa iyong mga katrabaho at mahal sa buhay.

Nag-iisip ka ba ng mga pangregalo mo ngayong Pasko? Share the gift of time and service. Share credit with others. And share God's love to your co-workers.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

No comments:

Post a Comment