Friday, December 2, 2016

Open Doors and Closed Doors

PROTIPS - November 29, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang mapagsaraduhan ng tindahan? Yung pinilit mong habulin ang opening hours nila, pero dahil sa iba't-ibang delays ay hindi mo na ito naabutang bukas? Nakakapanghinayang hindi ba? Ganyan din ang pakiramdam kapag mayroon kang inaasahang opportunity pero hindi ito natuloy. Nakaka-disappoint talaga. When this happens, I always remind myself that it is God who opens and closes doors for us. Kapag nagsara ang isang pagkakataong inaasam natin ang ibig lang sabihin nito ay may mas magandang inihahanda para sa iyo ang Diyos.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ano nga ba ang magandang response sa tuwing napagsasaraduhan tayo ng pintuan ng oportunidad?

1) Be early next time. Baka naman kaya napunta sa iba ang pagkakataon ay dahil nagpatumpiktumpik ka sa pagdedesisyon. We sometimes miss wonderful opportunities that are intended for us because we couldn't decide and make up our minds. Yan ang problema ng pagiging indecisive, ang para sa iyo napupunta sa iba dahil huli ka ng magpasya. Kaya nga may kasabihan tayong, daig ng maagap ang masipag.

2) Be hopeful. Kahit pa mawalan ka ng opportunity, huwag na huwag kang mawawalan ng pag-asa. It is hope that will keep you going. It is hope that will motivate you to keep trying. May kakilala akong napakaganda ng boses pero nahihiya siyang kumanta kapag marami ng tao. Sinabihan siya ng kanyang pamilya na dapat niyang gamitin ang kanyang tinig para mapagpala naman ang ibang tao sa talento na ibinigay sa kanya ng Diyos. Nagkaroon ng audition sa pag-awit, kahit na kinakabahan ay sinubukan niyang sumali. At sinabi niya sa sarili, "Kung ako'y makapasa, salamat sa Diyos. Kung hindi naman, salamat pa rin sa Diyos dahil nagkaroon na ako ng lakas ng loob na umawit sa harap ng ibang tao kahit sa audition man lamang." Hope enables us to see what's good in every situation, bukas man o sarado ang pintuan.

3) Be patient and obedient.
Kapag sarado pa ang pintuan at hindi pa dumarating ang oportunidad na inaasam mo, huwag mainip, maghintay ka lang. At sa oras na magbukas na ang pintuan, huwag ka ng magdalawang-isip o mag-alinlangan. Leave your doubts behind and walk-in with full confidence. Minsan ay hindi naman pintuan ng oportunidad ang sarado kundi ang puso natin ang hindi handang humakbang at sumunod sa kalooban ng Diyos.

Ano kayang pintuan ang magbubukas sa career o business mo sa susunod na taon? Bukas man o sarado ang pintuan, dapat manatili tayong hopeful, thankful at expectant.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=================================================================================


Original Post:


No comments:

Post a Comment