Sunday, December 11, 2016

When Work Seems Too Much

PROTIPS - December 6, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang malunod sa dami ng trabaho? Tambak ang mga gawain mo na sa halip na maging productive ay napaparalisa ka ng anxiety at pag-aalala? What should you do when you are overwhelmed by work? Ka-Protips, learn to breathe in and breathe out at isa-isa mong harapin ang mga responsibilidad na naghihintay sa iyo.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Bukod sa mga trabahong naghihintay sa iyo sa opisina, sumabay pa ang mga responsibilidad sa bahay at iba pang mga gawaing biglang nagsulputan ng hindi mo napagplanuhan. Sa halip na mataranta may ilan akong tips para sa iyo na sana ay makatulong para maka-usad ka at maging productive sa araw na ito.

1) Focus and prioritize. Kapag tayo ay naunahan na ng panic at pag-aalalala, sa halip na maging productive ay mas maraming oras at energy ang ating naaaksaya. When you feel that your work is just too much, pause, focus and prioritize. Isipin mo kung ano ang dapat na unahin sa dami ng iyong mga kailangang gawin. Kadalasan, kapag tama ang ating priorities, maraming trabaho ang natatapos kapag nagawa mo na ang pinakamahalaga at pinaka-kailangan sa iyong mga gawain.

2) Ask for help and delegate. Huwag mong ring kalimutan ang kahalagahan ng delegation. Minsan ay natatambakan ka ng trabaho dahil inaako mong lahat. Talagang mao-overwhelm ka at stress ang aabutin mo. Hatiin ang trabahong pwedeng idelegate sa ibang tao. Remember, we accomplish more when we work with others.

3) Rest your heart and pray.
Mas marami kang kailangang tapusin at gawin, mas lalong kailangan mong huminto at manalangin. Ask God for the peace of mind and heart that will help you go through your busy day. Kapag napaalalahanan tayo na hindi natin haharapin ng mag-isa ang mga gawain natin ngayon, na gagabayan at tutulungan tayo ng Diyos sa ating trabaho, di ba't mas nagkakaroon ng linaw at ginhawa ang mga pasaning ating dala-dala. You can do all things through Christ who gives you strength. Kasama sa kaya mong pagtagumpayan sa tulong ng Diyos ang tambak na trabahong naghihintay sa iyo ngayon.

When work just seems too much, focus and prioritize, ask help and delegate and rest your heart in God through prayer.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

No comments:

Post a Comment