By Maloi Malibiran-Salumbides
Isang article ang lumabas noong 2015 sa The Telegraph ang nagsabing dahil sa mobile technology ang attention span ng tao na nasa 12 seconds noong year 2000 ay bumaba sa 8 seconds na lamang noong 2015. Mukhang hindi lamang attention span ng mga tao ang umiikli ngayon. Pati yata ang kakayahang pumirmi o manatili sa isang trabaho ay umikli na rin para sa marami. Agad ka bang umaayaw kapag ikaw ay nahirapan o nawalan na ng gana sa iyong trabaho? God did not promise us an easy life. Bahagi ng buhay at trabaho natin ang mga problema at pagsubok. Sa halip na mag-quit kapag nahihirapan ang dapat nating gawin ay kumapit sa Diyos at manatili sa ating kinaroroonan.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Sa tuwing makakadalo o makakakita ako ng mga nagdiriwang ng kanilang 25th o 50th wedding anniversary, naiisip ko, tiyak na hindi perfect ang mag-asawang ito pero pinili nilang manatiling magkasama at pagsumikapan na gawing buo at masaya ang kanilang pagsasama. Sa tuwing maaanyayahan akong magsalita sa isang malaking kumpanya, inaalam ko ang kasaysayan kung paano lumaki ang kanilang negosyo. Ang mahalagang susi sa kanilang pag-asenso, ang never-give-up attitude sa kabila ng maraming hirap at pagsubok. Don't quit, just kapit. Bakit?
1) Pressing on has a great reward. May tiyak na gantimpala para sa mga nagsusumikap at nagpapatuloy kahit na nahihirapan. Ang sabi sa Philippians 3:14, "I press on toward the goal for the prize of the upward call of God in Christ Jesus." Sa mga nagpapatuloy sa isang takbuhan o marathon, nariyan ang runner's medal at ang personal satisfaction na natapos mo ang iyong sinimulan. Sa mga nagsumikap at nagpursige sa kanilang pag-aaral, nariyan ang reward ng dagdag na kaalaman at pinaghirapang degree. Sa mga nananatili sa kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan, bukod sa service award na maaaring igawad sa iyo, nariyan ang gantimpala ng pagkakaroon ng mabubuting kaibigan.
2) Character is built when you choose to remain. Di lamang material gains ang gantimpala ng pananatili. Higit dito, napansin kong ang mga taong nagpapatuloy sa kabila ng challenges na kanilang nararanasan ay mas resilient sa buhay. Mas tumatatag ang kanilang kalooban, mas maparaan at nagkakaroon ng kakayahang kilalanin ang oportunidad sa gitna ng matitinding pagsubok. Kaya nga ang sabi sa James 1:2-3, "Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds,because you know that the testing of your faith produces perseverance."
3) Work is not the problem but the heart. Sa maraming pagkakataon, hindi naman talaga ang trabaho o kumpanya natin ang may problema kundi ang puso natin. Ilang trabaho na ang sinubukan mo pero di ka makatagal. Palagi kang may reklamo. Palagi kang may hinahanap. By now, you should already know that there is no such thing as a perfect company. Pero pwede pa rin tayong maging masaya kahit na napakahirap ng pinagdaraanan natin, kung tama ang ating puso. This is where remaining in God comes in. Kapag ang puso natin ay nakakapit sa Diyos, the most difficult situation becomes bearable and pressing on becomes possible. Ang sabi sa 2 Corinthians 4:8-9 (CEV) "We often suffer, but we are never crushed. Even when we don’t know what to do, we never give up. In times of trouble, God is with us, and when we are knocked down, we get up again."
If you are thinking about quitting your job. Think again. Baka ang dapat mong gawin ay kumapit pa at manatili. Baka ang dapat mong matutunan ay ang kumapit sa Diyos kaysa hanapin ang kasiyahan mo sa isang trabaho. Kapit o quit? Iyan ang tanong na iiwan ko sa iyo.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154067453335248/?type=3&theater
No comments:
Post a Comment