Protips – December 21, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides
Agree ka ba na ang masyadong pag-iisip ay nagiging hadlang para magawa natin ang mga bagay na hindi natin akalaing kaya pala nating gawin? Nangyari iyan sa isang negosyanteng kakilala ko. Bago pa man naging malaking negosyo ang filtered-water business sa Pilipinas, naisip na niya ito. Gumawa siya ng business plan at nag-consult sa maraming kaibigang negosyante. Many questioned his concept and some even laughed at him. Ka-iisip at dahil sa kapapakinig sa sinasabi ng kanyang mga kritiko, he did not pursue his business plan hanggang naunahan na siya ng iba. Halimbawa ito ng kahalagahan ng acting on your idea before getting paralyzed by too much thinking. Act before you think.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado trabaho at negosyong umaasenso.
Isa sa mga personal kong karanasan na minsan ay dapat mas mauna ang aksyon kaysa sa pag-iisip ay ng kumanta ako ng Lupang Hinirang sa Madison Square Garden sa New York. Sa isang international conference na aking dinaluhan ay nagtawag ng mga volunteer para umawit ng national anthem ng bansang aming pinagmulan. Without thinking, I ran to the stage at nagboluntaryo akong umawit. Isa ako sa limang napili na umawit. May isang taga-Mexico, may Canadian, South African at isang Amerikano. While I was waiting for my turn to sing, I began thinking, “What am I doing here?” at bigla akong nakaramdam ng kaba. Natakot ako, paano kung malimutan ko ang lyrics, paano kung di ko maabot ang tono? I began to panic. Pero dahil nandun na ako sa entablado at libo-libo ang nanonood, I prayed in my heart that I would be able to represent the country well. God saw me through and with His help, I was able to sing our national anthem. There are times when we really have to act fast and think less. At may tatlong bagay na gusto kong maalala mo sa Protips natin ngayon.
1) Acknowledge that risk-taking is part of growth. If you will not take risks, you will never find out what you are capable of doing. Mabuti ang magplano. Kailangan na pinag-aaralan moa ng trabaho at negosyo mo. Pero kung gusto mong lumago, hindi pwedeng puro isip na lang tayo. You need to take action and you need to take risks.
2) Consider the gains even in losses. Tama ang dinig mo, there are gains even in losses. Kahit na may mawala sa iyo, kahit na malugi ka sa iyong negosyo, alam mo bang may mapapala at may pagpapala ka pa ring pwedeng maranasan dito? The perspective, insight and maturity that you will gain from trying out a new venture, kahit pa tila hindi ito naging matagumpay, ay hindi matatawaran. It maybe a costly mistake, pero makatitiyak kang ang pagkakamaling iyan ay pagsusumikapan mong hindi na maulit dahil natuto ka na. It is ok to act before you think as you consider the gains even in losses.
3) Treasure your time because it is short. Mabilis at maikli ang panahon at may mga oportunidad na minsan lang kakatok sa iyong buhay. Kung napakatagal mong pagpasya at masyado mong pag-iisipan kung ang oportunidad ay tatanggapin mo ba, baka sa panahong ready ka na ay napunta na sa iba ang pagkakataong pinagpaguran mong pag-isipan. Treasure your time by making timely choices. Don’t take forever to make a decision because there are opportunities that will only knock once.
Act before you think because sometimes too much analysis can paralyze you to the point of inaction. Kung masyadong nag-isip at nagpatumpik-tumpik si Maria para sundin ang kalooban ng Diyos para maging ina ng ipanganganak na Tagapagligtas, baka iba ang naging istorya ng Pasko. But Mary acted in faith instead of thinking what others might say about her. Act before you think. Tama na ang sobrang pag-iisip. Kumilos ka na ngayon.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment