By Maloi Malibiran-Salumbides
Maraming magagandang goals ang maaari mong i-target para sa iyong career o business. May mga gustong ma-promote. May gustong makadalo ng conference sa ibang bansa. May gustong mag-expand ng kanilang negosyo. Maganda ang lahat ng ito at may gusto din akong i-mungkahi sa iyo. While it is good to set goals that aim for success, also consider goals that seek to bless other people through the work or business that you do. Kaya ngayon sa Protips, ating ipagpatuloy ang ikalawang bahagi ng "ABCs of Being a Blessing in the Workplace".
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Ganito ang sinasabi sa 2 Corinthians 9: 8-10, "God can bless you with everything you need, and you will always have more than enough to do all kinds of good things for others. The Scriptures say, “God freely gives his gifts to the poor and always does right.” God gives seed to farmers and provides everyone with food. He will increase what you have, so that you can give even more to those in need." Kapag dinagdagan ng Diyos ang materyal na pagpapala na iyong natatanggap ito'y di lamang para sa iyo, kundi para ibagahi din sa mga nangangailangan. Narito ang karagdagang mungkahi kung paano ka magiging pagpapala sa iyong trabaho.
11) Know people by name. Hangga't maaari, kilalanin at alamin ang pangalan ng iyong kausap at katrabaho. Ito'y pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanila.
12) Listen more. Ugaliing makinig ng mabuti sa sinasabi ng iba. Mas marami ang benepisyo ng pakikinig kaysa pagsasalita.
13) Make way for others to also shine and succeed. Ang tagumpay ay di dapat sinosolo kundi ibinabahagi.
14) Nurture healthy friendships. Maging mabuti at tapat na kaibigan sa iyong mga katrabaho.
15) Observe and be sensitive to the need of others. Kung maglalaan tayo ng panahon para kumustahin at alamin ang kalalagayan ng mga kasama natin sa opisina, palagi kang makakakita ng pagkakataon para tumulong sa iba. Huwag mo ng hintayin na lapitan ka para tumulong.
16) Pray for your colleagues and your workplace. Gawin mong habit na ipanalangin ang iyong boss, mga katrabao at kliyente. Ipanalangin mo rin ang paglago ng inyong kumpanya.
17) Quality of work should not be compromised. Panatilihing mataas ang kalidad ng produkto o serbisyo na ibinibigay ninyo sa iba. Ang kalidad ng iyong trabaho ay di dapat makompromiso dahil sa pagmamadali o pagtitipid.
18) Resolve conflicts in a healthy way. Ang mga alitan at di pagkakasundo ay kailangang ayusin hangga't maaga pa. Kapag ito'y iyong tinakasan o pinagpaliban, mas lalo lamang lalaki ang problema.
19) Smile. Ang taong nakangiti palagi ay mas magaan katrabaho kaysa sa taong palaging nakasimangot. Ang iyong ngiti ay di lamang palamuti kundi pagpapala sa mga tao sa makakasalamuha mo.
20) Thank others for the work they do and the help they give. Kilalanin at pasalamatan ang mga taong dahil sa kanilang trabaho ay napapagaan ang trabaho mo. Maging maagap sa pagpapasalamat.
Bukas ang huli at ikatlong bahagi ng "ABCs of Being a Blessing in the Workplace". Tandaan mo. "you are blessed to be a blessing." Huwag kang magtrabaho para lamang kumita o umasenso. Mas magiging makabuluhan ang pagpasok mo sa opisina kung ang iyong goal araw-araw ay maging pagpapala sa iba.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154076025860248/?type=3&theater
No comments:
Post a Comment