PROTIPS - January 4, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides
Ang kagandagan ng bagong taon ay ang tila bagong simula na ibinibigay nito sa atin. Kung di man natin nagawa o naabot ang ating goals noon, ang bawat bagong taon ay may hatid na bagong simula at bagong pagkakataon. Kaya huwag kang mabuhay sa panghihinayang. Let go of your "what ifs" and "if only" dahil ang araw na ito ay di dapat gugulin sa panghihinayang kundi sa mabungang buhay at paggawa. Live without regrets.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
May pinanghihinayangan ka bang business opportunity, relationship o kaya ay desisyon sa iyong buhay ngayon? Manghinayang ng sandali tapos move on na kaagad dahil ang bawat minuto na ilalaan mo para sa iyong panghihinayang ay panahong maaari mong gugulin sa mas kapakipakinabang na gawain. Let me share with you better options to regrets.
1) Instead of living in regret, learn from the mistakes of the past. Sa halip na magmukmok sa panghihinayang, matuto ka sa mga maling desisyon o diskarte na iyong nagawa. Expected na naman na paminsan-minsan ay nagkakamali tayo. Bahagi iyan ng pagiging human.
2) Instead of having regret with relationships which went sour, build new ones. Ang mga relationships na hindi nag-work out sa trabaho man ito o personal mong buhay, sa halip na masaktan at manghinayang, ayusin ang maaaring ayusin and start on building new friendships. Huwag kang kumapit sa mga relationships na di naman nakabubuti para sa iyo. Sometimes the Lord removes certain individuals in our lives for our own good and theirs as well.
3) Instead of living in regret for missed opportunities, be open to new ones. Huwag mo ng panghinayangan ang mga oportunidad na di mo tinanggap at napunta sa iba. May darating na bagong pagkakataon para sa iyo at dapat ay maging handa ka para dito. When a new season has ended, accept it and embrace the new season that will begin.
Live without regrets. Learn from past mistakes, build new friendships and be open to new opportunities that will come your way.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment