By Maloi Malibiran-Salumbides
Malapit na ang Pasko, ready na ba ang pang noche buena ninyo? Sigurado akong maraming working moms ang nagsisimula ng magplano kung ano ang masarap na lutuin, orderin o ihanda na pagsasalu-saluhan ng pamilya ngayong Pasko. Marami rin ang nagpapalitan na ng recipes ng kanilang mga specialty at paboritong ulam. May ibabahagi din akong recipe sa inyo ngayon. Pero hindi para sa pagkain. My early Christmas gift for you ka-Protips ay isang simpleng recipe for a happier work life.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso. Anu-ano nga ba ang mga rekado ng masayang trabaho?
Ingredient #1: Camaraderie. Camaraderie is defined as, “mutual trust and friendship among people who spend a lot of time together.” Mahalaga sa maayos na working relationship ang tiwala. You should have people whom you trust in the workplace at dapat din na pinagkakatiwalaan ka nila. Ang matamis na samahan ng mga magkakatrabaho ay nagpapasarap at nagpapasaya ng buhay sa opisina. Mahirap at mabigat man ang trabaho, kung kasundo at kaibigan mo ang iyong mga kasama, kaya pa ring gumawa ng may ngiti sa iyong puso at mukha.
Ingredient #2: Communication. Isa sa palatandaan na maayos ang ugnayan ng mga magkakatrabaho ay ang bukas na linya ng komunikasyon. Nakararating ba sa tamang oras at paraan ang tamang impormasyon sa mga taong kailangang makaalam nito? Do people feel safe and empowered to give their feedback, comments and suggestions to their peers and superiors? Ang sabi ni Paul J. Meyer, author at founder ng Success Motivation Institute, “Communication – the human connection – is the key to personal and career success.”
Ingredient #3: Conflict resolution. Hindi mawawala ang conflict sa trabaho. May mga panahong magkikiskisan ang ating mga ugali, opinyon at pananaw. Because each member of your organization is unique and different from each other, conflict is really bound to arise. Kaya dapat, marunong tayong magmanage at mag-ayos ng conflict sa trabaho. The humility to accept that you are not always right is a huge big step towards resolving conflicts at work. Ang mapagpakumbabang puso na marunong humingi ng tawad at magpatawad ay kailangang sangkap sa masaya at maayos na trabaho.
Isang kilong camaraderie, samahan mo ng isang tasang communication at budburan ng isang kutsarang conflict resolution – that’s our recipe for a happier work life. Sa Galatians 5:22-23 ay inisa-isa din ang rekado ng maayos na pamumuhay ang sabi dito, "the fruit of the Spirit is love, joy, peace, forbearance, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control."
Sana ay makatulong sa iyong trabaho ang recipe na ito.
=============================================================================
Original Post:

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment