PROTIPS - December 20, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides
Mayroon kang inaasahan pero hindi nangyari. Mayroong naipangako pero hindi natupad. Expect to encounter disappointments dahil hindi naman natin kontrolado ang lahat ng bagay. Noong unang Pasko nang ipanganak ang Panginoong Hesus, iba't-iba ang expectations ng mga tao tungkol sa ipinangakong Tagapagligtas. Marami sa kanila ang nag-expect na may ipanganganak na hari, na magiging marangya ang kanyang pagdating. Sa halip na sa magarang palasyo, sa isang sabsaban ipinanganak si Jesus. Instead of reigning in an earthly kingdom, ibang uri ng kaharian ang Kanyang itinaguyod. People must've been disappointed because their expectations were different. But God's ways are definitely different from man's. Ano ang magandang tugon natin kapag disappointed tayo sa mga pangyayari sa ating buhay at trabaho?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Oftentimes we become disappointed when our expectations are not met. Kaya ang mga tips ko sa iyo:
1) Set high but realistic expectations. It is good to aim high. We are encouraged to dream big. But be open to the possibility na ang expectation mo ay hindi mangyayari. Hindi nga ba sa mga training, isa sa mga unang ginagawa ay levelling of expectations? Kapag iba-iba kasi ang inaasahang mangyayari ng mga participants baka marami ang umuwing disappointed. Kaya sa simula pa lang, ang mahusay na trainer at facilitator inaalam na kung ano ang expectations ng participants. Set high yet realistic expectations.
2) Do your part in meeting those expectations. Inaasahan mob a na sa pamamagitan ng trabaho mo ngayon, aasenso ka? You expect benefits and good breaks from your company. Ang tanong ginagawa mo naman ba ang bahagi mo para ang inaasam na asenso ay magkatotoo. Know your part and do it well. Minsan kasi ang disappointment natin ay bunga na rin ng kawalan natin ng aksyon.
3) Ask what could've been done differently. When you are disappointed about a situation or a person ask yourself, ano ba ang pwede kong baguhin sa susunod. Mayroon kang staff na sa simula napakataas ng expectation mo. Yun pala mahusay lang sa salita at hindi sa gawa. Disappointed ka. Could you have coached this person more? Perhaps nagkamali ka talaga sa pag-hire sa kanya? O kaya naman baka nabigyan mo kaagad ng napakalaking responsibilidad hindi naman pala akma sa kanyang kapasidad. What can be done differently to improve the situation and to turn your disappointment to an opportunity for growth?
4) Remember that God has a better plan. Sakaling may dinaraanan kang disappointing na chapter sa buhay o trabaho mo, remember that God’s plan is far better than what you have in mind. Jeremiah 29:11 is a very encouraging promise that you can hold on to, “For I know the plans I have for you declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Tell God, “This is not what I expected Lord. I am disappointed. But turn my disappointment to trust and help me believe that you have something great in store in allowing this to happen.”
Set high yet realistic expectations. Do your part in meeting those expectations. Ask what can be done differently next time. And remember that God’s plan is far better than what you have in mind. Four tips to help you handle your disappointment in life and work today.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment