PROTIPS - December 22, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides
May mga goals ka na bang nailatag para sa 2017? Isang kaibigan ang aking tinanong kung ano ang gusto niyang matutunan sa darating na bagong taon. Simple ngunit napakahalaga ng kanyang naging tugon, contentment. Ganito ang panalangin ng sumulat ng Proverbs 30:8-9, "give me neither poverty nor riches! Give me just enough to satisfy my needs. For if I grow rich, I may deny you and say, “Who is the Lord?” And if I am too poor, I may steal and thus insult God’s holy name."
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Paano nga ba tayo magiging kuntento sa buhay at sa ating trabaho ng hindi nawawala ang ating drive para mag-excel at umasenso?
Tip#1: Develop contentment by being thankful for what you have. Sa bawat regalo o pagpapalang natatanggap mo matuto tayong magpasalamat. Stop comparing yourself with others kung ayaw mong mainggit at maging miserable. Kasi kapag palagi nating ikunukumpara ang sarili natin sa iba, kahit na marami kang natamo at narating na sa buhay, pakiramdam mo ay may kulang pa rin. Make it a habit to count your blessings. Be intentional in being thankful.
Tip#2: Develop contentment by sharing what you have with others. Gawing regular na bahagi ng buhay mo ang magbigay at tumulong sa iba. When you are not focused on your own needs but are sensitive to the needs of others, mas madaling maging kuntento. Makikita mo na higit pa ang pangangailangan ng iba kaysa sa inaakala mong problema mo.
Tip#3: Develop contentment by having a vision of the eternal. Kung ang focus mo ay material na buhay lamang sa mundong ito, maaaring mahirapan ka ngang maging kuntento dahil nakatuon ka sa pag-acquire ng mga bagay na gusto mo. But if we have an eternal perspective, mauunawaan nating, wala ni isa sa mga material acquisitions, maging ang tagumpay na mayroon tayo ngayon ang madadala natin sa eternity. Sabi nga ni King Solomon, "it is all vanity, meaningless and a chasing after the wind". In life and in eternity, Christ is really all that we need.
Develop contentment by being thankful, by sharing what you have with others and by having a vision of the eternal. Madalas ang sobra-sobra ay hindi nakabubuti sa atin. Kapag sobra ang iyong kinain, tiyak empacho ang iyong aabutin. Kapag nasobrahan ka sa pagtatrabaho at paggawa, baka naman ma-overfatigue ka. Ang dapat ay yung sakto lang, tama lang, just right, ika nga.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
=============================================================================
Original Post:
No comments:
Post a Comment