Thursday, January 19, 2017

ABCs of Being a Blessing in the Workplace (Part 2)

PROTIPS - January 19, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Maraming magagandang goals ang maaari mong i-target para sa iyong career o business. May mga gustong ma-promote. May gustong makadalo ng conference sa ibang bansa. May gustong mag-expand ng kanilang negosyo. Maganda ang lahat ng ito at may gusto din akong i-mungkahi sa iyo. While it is good to set goals that aim for success, also consider goals that seek to bless other people through the work or business that you do. Kaya ngayon sa Protips, ating ipagpatuloy ang ikalawang bahagi ng "ABCs of Being a Blessing in the Workplace".

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ganito ang sinasabi sa 2 Corinthians 9: 8-10, "God can bless you with everything you need, and you will always have more than enough to do all kinds of good things for others. The Scriptures say, “God freely gives his gifts to the poor and always does right.” God gives seed to farmers and provides everyone with food. He will increase what you have, so that you can give even more to those in need." Kapag dinagdagan ng Diyos ang materyal na pagpapala na iyong natatanggap ito'y di lamang para sa iyo, kundi para ibagahi din sa mga nangangailangan. Narito ang karagdagang mungkahi kung paano ka magiging pagpapala sa iyong trabaho.

11) Know people by name. Hangga't maaari, kilalanin at alamin ang pangalan ng iyong kausap at katrabaho. Ito'y pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanila.

12) Listen more. Ugaliing makinig ng mabuti sa sinasabi ng iba. Mas marami ang benepisyo ng pakikinig kaysa pagsasalita.

13) Make way for others to also shine and succeed. Ang tagumpay ay di dapat sinosolo kundi ibinabahagi.

14) Nurture healthy friendships. Maging mabuti at tapat na kaibigan sa iyong mga katrabaho.

15) Observe and be sensitive to the need of others. Kung maglalaan tayo ng panahon para kumustahin at alamin ang kalalagayan ng mga kasama natin sa opisina, palagi kang makakakita ng pagkakataon para tumulong sa iba. Huwag mo ng hintayin na lapitan ka para tumulong.

16) Pray for your colleagues and your workplace. Gawin mong habit na ipanalangin ang iyong boss, mga katrabao at kliyente. Ipanalangin mo rin ang paglago ng inyong kumpanya.

17) Quality of work should not be compromised.
Panatilihing mataas ang kalidad ng produkto o serbisyo na ibinibigay ninyo sa iba. Ang kalidad ng iyong trabaho ay di dapat makompromiso dahil sa pagmamadali o pagtitipid.

18) Resolve conflicts in a healthy way. Ang mga alitan at di pagkakasundo ay kailangang ayusin hangga't maaga pa. Kapag ito'y iyong tinakasan o pinagpaliban, mas lalo lamang lalaki ang problema.

19) Smile. Ang taong nakangiti palagi ay mas magaan katrabaho kaysa sa taong palaging nakasimangot. Ang iyong ngiti ay di lamang palamuti kundi pagpapala sa mga tao sa makakasalamuha mo.

20) Thank others for the work they do and the help they give. Kilalanin at pasalamatan ang mga taong dahil sa kanilang trabaho ay napapagaan ang trabaho mo. Maging maagap sa pagpapasalamat.

Bukas ang huli at ikatlong bahagi ng "ABCs of Being a Blessing in the Workplace". Tandaan mo. "you are blessed to be a blessing." Huwag kang magtrabaho para lamang kumita o umasenso. Mas magiging makabuluhan ang pagpasok mo sa opisina kung ang iyong goal araw-araw ay maging pagpapala sa iba.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154076025860248/?type=3&theater

ABCs of Being a Blessing in the Workplace (Part 1)

PROTIPS - January 18, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Araw-araw, palagi kong iniiwan ang hamon na "Be a blessing in the workplace today" sa bawat Protips episode o article na aking ibinabahagi. Paano ka nga ba magiging pagpapala sa iyong boss, katrabaho, kliyente at ibang taong nakakahalubilo? 

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Let me share with you today the first part of the ABCs of being a blessing in the workplace.

1) Arrive early for your meetings and appointments. Di na pwedeng excuse ang traffic ngayon dahil halos araw-araw naman ay traffic. Kung ang iba ang nakararating naman sa oras kahit na traffic, walang dahilan para di mo ito magawa. Pahalagahan ang ibang tao sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kanilang oras.

2) Bring out the best and not the beast in others. Kung may iaambag tayo sa buhay ng katrabaho natin, mas maganda ng pagpapala kaysa problema. Encourage others. Extend help when needed. Tulungan mo ang iba na makita at maabot ang kanilang potential.

3) Communicate clearly and efficiently. Maraming problema ang bunga ng magulong komunikasyon sa opisina. Improve how you communicate with others para ang mensaheng gusto mong ibahagi ay makarating sa dapat makaalam nito sa paraang kanilang mauunawaan.

4) Decide in a timely fashion. Kahit na minsan ay mahirap gumawa ng pasya, kailangang matuto tayong magdecide ng nasa akmang panahon. Kahit pa tama ang pasya mo kung huli na ito, hindi na relevant kung may pasya ka man o wala.

5) Excel in what you do. Isang malaking pagpapala sa inyong opisina na pagbutihin at paghusayan ang iyong trabaho.

6) Finish what you started and do it well. Kapag may trabaho kang sinimulan, tapusin mo ito ng nasa oras. Being reliable in what you do makes you a blessing to others.

7) Gently rebuke and reprimand. Kung may katrabaho ka o kaibigan na kailangang pagsabihan, gawin mo ito ng mahinahon at hangga't maaari hindi sa harap ng napakaraming tao. Praise in public but rebuke and reprimand in private. Ang layunin ay maitama at matulungan ang nagkamali.

8) Handle your finances wisely and with integrity. Maging pagpapala sa iba sa pamamagitan ng maayos na pamamahala ng iyong pananalapi. Iwasang mangutang pagkatapos ay hindi mo naman ito babayaran. Marami ng magkakatrabaho at magkakaibigan ang nagkasira ng dahil diyan.

9) Initiate and innovate. Iwasang pangunahan ng takot kapag mayroon kang magandang idea para sa inyong opisina. Kung saklaw naman ng iyong authority bakit hindi ka mag-initiate ng mga programa o gawain para sa ikabubuti at ikaaayos ng inyong trabaho o samahan sa opisina. Introduce something fresh and new para hindi maging monotonous ang araw-araw ninyong pagtatrabaho.

10) Joyfully do your job. Gawin mo ng may kasiyahan sa puso ang trabaho mo. Kung titignan mo ang trabaho bilang kaloob ng Diyos, gagawin mo ito ng may pasasalamat kahit na minsan mahirap at mabigat ang trabaho.

Unang bahagi pa lamang ito ng ating The ABCs of Being a Blessing in the Workplace. Kung ang hangad mo ay talagang maging pagpapala sa iyong trabaho, di ka mauubusan ng paraan kung paano. Simulan mo sa tips na iyong narinig ngayon. Maaari mo rin itong ibahagi sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-like sa Protips Facebook page at pagbabahagi sa kanila ng ating daily posts.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!



=============================================================================

Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154073096370248/?type=3&theater

Before You Aspire to Lead

PROTIPS - January 17, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

May problema ka ba sa boss mo? Laman ba ng panalangin mo na sana magbago na siya o kaya naman ay mapalitan na siya at sana ang kapalit ay ikaw? Many find fault in their leaders at nangangarap na minsan ay mabigyan din sila ng pagkakataong manguna. But do you really have what it takes to effectively lead? Ang sabi ni Peter Drucker, "Management is doing things right; leadership is doing the right things."

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Sa maraming matatagumpay na family-run business bago italaga bilang leader ang anak, tinitiyak ng magulang na matututunan at pagdaraanan muna nila ang lahat ng aspekto ng negosyo. Hindi sapat na mayroon silang degree mula sa mga prestihiyosong paaralan. Mahalagang hinog sa panahon at karanasan ang isang tao bago siya mamuno. Tatlong bagay ang magandang pag-isipan mo tungkol sa pagiging isang leader.

1) Leadership is a calling. Ang sabi sa Romans 12:8 (NLT), "If your gift is to encourage others, be encouraging. If it is giving, give generously. If God has given you leadership ability, take the responsibility seriously. And if you have a gift for showing kindness to others, do it gladly." May mga taong sadyang itinalaga ng Diyos para mamuno. They have the natural ability to inspire people to do what needs to be done. Kung hindi naman leadership ang iyong gift at pilit mong inaasam na mamuno, maaaring maging masaya ka panandalian sa posisyon na ibibigay sa iyo, pero tiyak na may magsu-suffer ng dahil dito. If God calls you to lead, then lead as best as you can. But if not, huwag ipilit. Maging kumportable at masaya ka sa assignment at pagkatawag sa iyo ng Diyos.

2) Always lead from a position of servanthood. May mga naghahangad ng mataas na position sa kanilang opisina kasi ang nasa isip ay kapag mas mataas ang pwesto, mas mataas ang sweldo. Ang di naiisip ng marami ay ang bigat ng responsibilidad at trabaho na nasa balikat ng mga namumuno. Marami ng naisulat na libro tungkol sa leadership style ng Panginoong Jesus. At kung siya ang pagbabatayan natin ng isang mahusay na tagapanguna, makikita nating ang isang leader ay hindi taga-utos kundi tagapaglingkod. Sa Mark 9:35 ay ganito ang ating mababasa, "Sitting down, Jesus called the Twelve and said, "Anyone who wants to be first must be the very last, and the servant of all." You aspire to be a leader? Handa ka bang maglingkod?

3) A good leader is intent in focus. Ang sabi ng author na si Tim Ferris, "To be a good leader, you cannot major in minor things... To get the few critical things done, you must develop incredible selective ignorance. Otherwise, the trivial will drown you.” Nakita natin ito kay Jesus. He was so focused on the assignment that God gave him. Alam niya na tatlong taon lamang ang mayroon siya para gawin ang dapat niyang gawin. He knew that he won't be physically around to run the movement that he started, so he focused on laying down its firm foundation. Alam ng isang mahusay na leader kung saan siya dapat mag-focus. Marami ang magde-demand ng iyong oras at atensyon. Marami din ang distraction. Ang mahusay na leader ay marunong magfocus sa kung ano ang dapat niyang paglaanan ng panahon, lakas at atensyon.

Tandaan mo, leadership is a calling. Sevanthood is the best position to be a leader. And a good leader has a clear focus. Tatlong mahahalagang bagay na dapat pag-isipan bago ka maghangad na mamuno.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154073051935248/?type=3&theater

Kapit Vs. Quit

Protips - January 16, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Isang article ang lumabas noong 2015 sa The Telegraph ang nagsabing dahil sa mobile technology ang attention span ng tao na nasa 12 seconds noong year 2000 ay bumaba sa 8 seconds na lamang noong 2015. Mukhang hindi lamang attention span ng mga tao ang umiikli ngayon. Pati yata ang kakayahang pumirmi o manatili sa isang trabaho ay umikli na rin para sa marami. Agad ka bang umaayaw kapag ikaw ay nahirapan o nawalan na ng gana sa iyong trabaho? God did not promise us an easy life. Bahagi ng buhay at trabaho natin ang mga problema at pagsubok. Sa halip na mag-quit kapag nahihirapan ang dapat nating gawin ay kumapit sa Diyos at manatili sa ating kinaroroonan.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Sa tuwing makakadalo o makakakita ako ng mga nagdiriwang ng kanilang 25th o 50th wedding anniversary, naiisip ko, tiyak na hindi perfect ang mag-asawang ito pero pinili nilang manatiling magkasama at pagsumikapan na gawing buo at masaya ang kanilang pagsasama. Sa tuwing maaanyayahan akong magsalita sa isang malaking kumpanya, inaalam ko ang kasaysayan kung paano lumaki ang kanilang negosyo. Ang mahalagang susi sa kanilang pag-asenso, ang never-give-up attitude sa kabila ng maraming hirap at pagsubok. Don't quit, just kapit. Bakit?

1) Pressing on has a great reward. May tiyak na gantimpala para sa mga nagsusumikap at nagpapatuloy kahit na nahihirapan. Ang sabi sa Philippians 3:14, "I press on toward the goal for the prize of the upward call of God in Christ Jesus." Sa mga nagpapatuloy sa isang takbuhan o marathon, nariyan ang runner's medal at ang personal satisfaction na natapos mo ang iyong sinimulan. Sa mga nagsumikap at nagpursige sa kanilang pag-aaral, nariyan ang reward ng dagdag na kaalaman at pinaghirapang degree. Sa mga nananatili sa kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan, bukod sa service award na maaaring igawad sa iyo, nariyan ang gantimpala ng pagkakaroon ng mabubuting kaibigan.

2) Character is built when you choose to remain. Di lamang material gains ang gantimpala ng pananatili. Higit dito, napansin kong ang mga taong nagpapatuloy sa kabila ng challenges na kanilang nararanasan ay mas resilient sa buhay. Mas tumatatag ang kanilang kalooban, mas maparaan at nagkakaroon ng kakayahang kilalanin ang oportunidad sa gitna ng matitinding pagsubok. Kaya nga ang sabi sa James 1:2-3, "Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds,because you know that the testing of your faith produces perseverance."
3) Work is not the problem but the heart.
Sa maraming pagkakataon, hindi naman talaga ang trabaho o kumpanya natin ang may problema kundi ang puso natin. Ilang trabaho na ang sinubukan mo pero di ka makatagal. Palagi kang may reklamo. Palagi kang may hinahanap. By now, you should already know that there is no such thing as a perfect company. Pero pwede pa rin tayong maging masaya kahit na napakahirap ng pinagdaraanan natin, kung tama ang ating puso. This is where remaining in God comes in. Kapag ang puso natin ay nakakapit sa Diyos, the most difficult situation becomes bearable and pressing on becomes possible. Ang sabi sa 2 Corinthians 4:8-9 (CEV) "We often suffer, but we are never crushed. Even when we don’t know what to do, we never give up. In times of trouble, God is with us, and when we are knocked down, we get up again."

If you are thinking about quitting your job. Think again. Baka ang dapat mong gawin ay kumapit pa at manatili. Baka ang dapat mong matutunan ay ang kumapit sa Diyos kaysa hanapin ang kasiyahan mo sa isang trabaho. Kapit o quit? Iyan ang tanong na iiwan ko sa iyo.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154067453335248/?type=3&theater

Be Thankful

PROTIPS - January 13, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Sa panimula ng taon ay maraming goals ang sine-set ng maraming tao. Utang na dapat bayaran. Timbang na kailangang mabawasan. Sasakyan na sana ay mabili. Iba't-ibang targets na sana nga ay ating maabot. Mabuting mag-set ng goals pero huwag lamang mga mithiing pangmaterial. Are there attitudes or personal habits that you would like to improve? Isang mabuting madevelop sa atin na tiyak na magiging maganda ang epekto sa ating pakikitungo sa iba ay ang pagiging mapagpasalamat o thankful. Mahirap pagsabayin ang pagiging mareklamo at mapagpasalamat. A grateful heart is quick to see what is good and chooses to be thankful for it.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Paano nga ba natin gagawing bahagi ng ating sistema ang pagiging mapagpasalamat?

1) Focus on the goodness of God. Simulan mo ang iyong araw sa panalangin at pagbabasa ng Salita ng Diyos. Encountering God through His Word will remind you of how good, faithful and amazing He is. Mabilis tayong makalimot sa mga ginawang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Noong December ang dami mong natanggap na pagpapala pero ngayong mangangalahati na ang Enero nagsisimula ka na namang mag-alala kung saan kukunin ang mga pambayad sa credit card mo. When you focus on your needs, you become anxious but when you focus on the goodness of God, hindi mapipigilan na tayo ay maging mapagpasalamat.

2) Be quick and prompt in saying, "Thank You" to others. Ang galit at reklamo dapat kontrolado, pero ang pagiging thankful dapat nag-uumapaw. Make it a habit to say "thank you" to everyone who has helped you and done you an act of kindness. Magpasalamat ka kung mayroong nag-abot ng bayad mo sa jeep. Magpasalamat ka sa security guard na pumara ng taxi para sa iyo. Magpasalamat sa tagapaglinis ng comfort room sa inyong building. Magpasalamat sa waiter na nag-serve sa table ninyo. Magpasalamat sa kliyente na nagbigay sa inyo ng kanyang feedback, maganda man o hindi ang feedback niya. Kung gusto mong higit na maging grateful, magpasalamat ka ng singdalas ng iyong paghinga.

3) Do the 21 days to gratefulness challenge. Ayon sa mga pag-aaral, it takes a minimum of 21 days to form a new habit. Regular, consistent at walang patid mong gagawin ng paulit-ulit ang isang bagay upang ito ay makasanayan mo. Kaya ang hamon ko sa iyo, sa loob ng 21 araw, huwag kang magreklamo, kundi magpasalamat lamang. See how this transforms your day and even your relationships.

Ang sabi sa Colossians 3:15 ay ganito, "And let the peace of God rule in your hearts...and be thankful." If we allow God's peace to take full control of our hearts, gratitude will be its overflow. Bilangin mo na ang mga dapat mong ipagpasalamat at pasalamatan ngayon.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================

Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154058901005248/?type=3&theater

Work with a Cheerful Heart

PROTIPS – January 12, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Naranasan mo na bang gawin ang trabaho mo, sumunod sa iyong boss o mag-assist sa concern ng isang kliyente pero ang kalooban mo ay naghihimutok at nagrerebelde? Oo, nagampanan mo nga ang iyong trabaho, pero ginawa mo ito ng padabog at puno ng reklamo. I want to encourage you to go the extra-mile today, instead of doing your work grudgingly, work with a cheerful heart.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa trabahong inspirado at negosyong panalo.

Why should you work with a cheerful heart? Mayroong tatlong dahilan na gusto kong ibahagi sa iyo ngayon.

1) Work with a cheerful heart because it’s good for you. Ang sabi sa Proverbs 17:22 “A joyful heart is good medicine, but a broken spirit dries up the bones.” (NASB) Ang magtrabaho ng punong-puno ng himutok sa buhay ay hindi mabuti para sa kalusugan mo. Mabilis na mauubos ang iyong energy at nakapapagod din ito para sa mga kasama mo. Imagine kung ang kasama mo sa trabaho ay palaging nakasimangot at nagdadabog, di ba nakaka-tensyon din yun? At may bonus na benepisyo din sa iyong looks ang pagkakaroon ng masayahing puso. Ang sabi sa Proverbs 15:13, “A joyful heart makes a cheerful face,” Totoong wagi ang magtrabaho ng may galak sa iyong puso.

2) Work with a cheerful heart because it’s good for business.
Ang sabi ni B.C. Forbes, founder ng Forbes magazine, “Cheerfulness is among the most laudable virtues. It gains you the good will and friendship of others. It blesses those who practice it and those upon whom it is bestowed.” May good friend akong ubod ng cheerful. Wherever she goes, kahit saan siya magtrabaho, mabilis siyang nagkakaroon ng mga kaibigan at nagiging mabunga ang kanyang stay sa mga kumpanyang pinaglingkuran niya. Kahit may mga pagkakataong, siya’y kinainggitan at ang pagiging cheerful at sweet niya ay minamasama ng iba patuloy niyang pinili na magtrabaho with a cheerful heart. My dear friend, Dr. Monica Doroteo-Espinosa is now a well-loved and respected professor in one of the top universities in South Korea.

3) Work with a cheerful heart because God’s word encourages us to do so. Mabuting ang ating motibasyon sa pagtatrabaho o paggawa ng may galak sa puso ay ang Panginoon. Paano magiging pleasing offering sa Diyos ang trabaho mo kung napipilitan ka lang palang gawin ito. Ang paalala ng Colossians 3:23 sa atin ay ganito, “Whatever you do, do your work heartily, as for the Lord rather than for men,” (NASB).

Sa iyong pagtatrabaho ngayong araw na ito, dalangin ko na mag-umapaw ng saya at sigla ang iyong puso. Work with a cheerful heart because it is good for you, it is good for business and the word of God encourages you to do so.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================

Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154058879350248/?type=3&theater

Improving Workplace Communication

PROTIPS - January 11, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Maraming problema sa trabaho ang pwedeng malutas kung aayusin natin ang ating workplace communication. Ang sabi ni Dan Oswald, CEO ng Business and Legal Resources, Incorporated, "Communication must be HOT. That's Honest, Open and Two-Way". Ang goal ng komunikasyon ay hindi lamang ang makapagsalita o makapagsulat ng memo. Effective communication means reaching a shared understanding. Naging epektibo ang iyong pagpapahayag kung naunawaan ang mensahe mo sa paraang nais mo itong ipaunawa. Paano nga ba natin higit na mapagbubuti ang komunikasyon sa ating trabaho at negosyo?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Tignan natin ang ilang paalala sa Salita ng Diyos na makatutulong para maging maayos ang paraan ng ating komunikasyon saan man tayo naroroon.

1) Choose and use the right words.
Ating paliin at gamitin ang tamang salita para maipaabot natin ng mas malinaw ang ating mensahe.
Ang sabi sa Proverbs 25:11 (ESV) "A word fitly spoken is like apples of gold in a setting of silver. Maaaring tama ang iyong mensahe at maganda ang iyong intensyon pero kung mali naman ang pagkakasabi mo nito, hindi pa rin magiging maganda ang dating nito sa iyong mga kausap. Important and difficult messages should be carefully thought of and prepared.

2) Choose to speak wisely and justly. Ang sabi sa Psalm 37:30 (ESV) "The mouth of the righteous utters wisdom, and his tongue speaks justice." Mas marami ang makikinig at maniniwala sa iyong sinasabi kung ito ay may hatid na karunungan at katarungan. Sa inyong mga pagpupulong, iwasang magsalita para lamang may masabi, bukod sa nagpapahaba lamang ito ng meeting, wala naman talaga itong maiaambag na magiging helpful sa meeting ninyo. Don't just make noise when you speak, communicate wisely and justly.

3) Choose to honor and build-up people through your words.
Ang maayos na komunikasyon ay dapat na nagpapatibay ng maayos na samahan sa trabaho at hindi pagkakahati-hati. Ang sabi sa Ephesians 4:29 (ESV) "Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up," Ang workplace gossip ay mapanira at hindi nakatutulong para magkaroon ng tiwala sa isa't-isa ang mga magkakatrabaho. Kung wala kang magandang sasabihin tungkol sa iba, manahimik na lamang.

Be a better communicator. Gawin nating goal ngayong 2017 na higit na bumuti ang ating paraan ng komunikasyon sa ating trabaho. Choose and use the right words. Choose to speak wisely and justly. And choose to honor and build-up people through your words.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY.



=============================================================================

Original Post:
https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10154058826495248/?type=3&theater



Tuesday, January 10, 2017

Re-Invent Yourself

PROTIPS - January 10, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Mabilis at maraming pagbabago ang nangyayari sa mundo. These changes are affecting the way we live and work day by day. Sa isang career orientation na aking dinaluhan kamakailan, tinalakay ang mga pagbabago sa educational landscape ng bansa bunga ng bagong demands ng iba't-ibang industriya. Ilan sa mga kurso na mayroon tayo ngayon ay maaring maging irrelevant sa mga darating na panahon. Ilan sa mga trabaho na mayroon ngayon ay maaaring di na rin kailanganin dahil sa available technologies. Mahalaga na alam natin ang nangyayari sa industriyang ating kinabibilangan. Mabuting nauunawaan mo din ang posibleng impact ng teknolohiya sa trabaho mo ngayon. Instead of resisting change, try to understand it and see how it will impact your work. Mas mabilis kang naka-a-adapt sa pagbabago, mas makabubuti ito para sa iyong career at negosyo. To stay relevant today, learn how to deal with the changing times.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Sa Isaiah 43:18 and 19 ay ganito ang sinasabi, "Do not call to mind the former things, Or ponder things of the past. "Behold, I will do something new, Now it will spring forth; will you not be aware of it? I will even make a roadway in the wilderness, rivers in the desert." Kahit na ang Diyos ay hindi nagbabago, mayroon Siyang palaging bagong ginagawa. Kaya tayo man ay dapat na maging bukas sa pagbabago. Paano?

1) Know what is happening. Kung hindi ka mahilig magbasa ng tungkol sa mga bagong technology, panahon na para isama mo ito sa iyong reading list. New technologies have significantly changed the way we live and work. May mga trabaho noong unang panahon na pinalitan na ng bagong teknolohiya. Mabuting tanungin mo din ang iyong sarili, in 5 to 10 years times, ang trabaho ko ba ngayon ay kakailanganin pa? Kung alam mo ang nangyayari sa iyong paligid mapaghahandaan mo ang impact ng pagbabago sa iyong trabaho at negosyo. Do not be caught unaware and unprepared, know what is happening.

2) Have an open mind. Mas mabilis kang makasasabay sa pagbabago kung mayroon kang bukas na pag-iisip. Marami na ang tumanggi sa magagandang ideya dahil inisip nilang hindi ito posible. Now, what seemed impossible before are just common gadgets that we use everyday. Buksan mo ang iyong isipan. Before saying, "That won't work" to a novel idea, be willing to listen and understand.

3) Unlearn old ways to learn new things. Ang mga kaalaman at kakayahan na mayroon ka ngayon ay maaaring di sapat para sa mga pagbabagong darating. If you want to stay relevant, let go of old ways and be willing to learn new knowledge and skills.
Ilang beses na rin naman nating narinig na ang tanging constant lamang sa mundo ay ang pagbabago. Kahit pa pigilan mo ito, maraming pagbabago ang mangyayari sa mundo. Ang tanong, handa ka ba para dito? We need to prepare for and deal with the changing times.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================

Original Post

Monday, January 9, 2017

Basic Workplace Etiquette

PROTIPS - January 9, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Sa maraming pagkakataon, kung ano ang pinaka-simple at basic rules na dapat nating sinusunod ang siya pang mabilis nating nalilimutan at nakaliligtaan. Marami na ang nagbago sa mundo, maging sa paraan ng ating pagtatrabaho. Pero di ibig sabihin ay kalilimutan na natin ang common courtesies o basic etiquette sa maayos na pamumuhay. The dictionary defines etiquette as "customary code of polite behavior in society or among members of a particular profession or group."

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Napansin ko na sa tuwing uunahin natin ang sarili nating kasiyahan at convenience kaysa sa kapakanan ng ibang tao, doon natin madalas malimutan na i-observe ang good manners and right conduct. Foundational to observing workplace etiquette is to be considerate of others. Narito ang ilang simpleng office rules na nagpapakita ng malasakit sa ating kapwa at kamanggagawa.

1) Arrive early for your meetings and appointments.
Pagpapahalaga sa ating kapwa at sa ating mga katrabaho na dumating ng maaga o nasa oras para sa ating meeting o appointment. Hindi na natin pwedeng gamiting excuse ang traffic dahil palagi namang traffic. Dapat ay naka-factor in na talaga sa ating travel time ang oras na gugugulin sa traffic. Iwasang paghintayin ang ibang tao dahil mahalaga ang oras ng bawat isa. It is common courtesy to be on time for your appointment.

2) Do your personal grooming at home or in private. Hangga't maaari ang pag-aayos o paglilinis ng sarili ay dapat nagawa na natin bago pa man tayo lumabas ng bahay at pumasok sa opisina. Pero dahil gustong maka-iwas sa traffic, ang iba'y umaalis ng napaka-aga sa bahay at sa opisina na lamang nag-aayos. If you have no other choice but to do your personal grooming in your workplace, tiyakin mo lamang na hindi ito sa oras ng trabaho o sa lugar na parang nagme-make-up demo ka sa mga ka-opisina mo. May mga nakita na akong, naggugupit ng kuko at nagpa-pluck ng kilay sa opisina. Maliban na lamang kung sa salon ka nagtatrabaho, ang ganitong personal grooming ay mabuting sa bahay at di sa trabaho ginagawa. That's basic workplace etiquette.

3) Tone down your voice and the volume of your ring tone.
May tono at lakas ng boses na kaaya-aya at katanggap-tanggap sa pandinig ng iba. Tone down your voice when speaking or even laughing. Oo nga at masaya ka, pero hindi ito dahilan para basagin mo ang kapayapaan ng ibang tao. I-check mo rin ang level ng iyong ringtone lalo na kung ikaw ay may dadaluhang pagpupulong, training o seminar. Di naman kailangang malaman ng buong opisina ninyo ang bawat tawag o text message na natatanggap mo. Be considerate of others.

Anong workplace etiquette ang napapansin mong madalas makaligtaan diyan sa opisina ninyo? Help bring back good manners and right conduct in your place of work. Ang maayos na ugnayan sa opisina ay nagsisimula sa malasakit sa kapwa.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

Talk Less, Listen More

PROTIPS - January 6, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

May magandang paalala si Teacher Francie Lacanilao sa mga mag-aaral ng The Learning Tree. Kapag napapasobra na ang ingay na likha ng mga bata, sa mahinahong boses ay sasabihan na niya sila ng ganito, "Children do not add to the din of this world." Malumanay na paalala na huwag ng dumagdag pa sa ingay ng mundong ating kinabibilangan. Talk less and listen more.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Totoo nga naman, nakadaragdag sa araw-araw nating stress ang ingay na ating naririnig. Minsan nga ay lumabas ako sa isang tindahan dahil napaka-ingay ng tugtog at sinabayan pa ng malakas na boses ng mga nagde-demo ng iba't-ibang produkto. Isa yata ito sa pinaka-stressful na pamimili na narasanan ko. Isang paraan para maging pagpapala tayo sa ating mga katrabaho at mga tao sa paligid natin, bawasan ang ingay. Sa pagkakalikha pa lamang sa atin ng Diyos, alam mo na kung ano ang mas dapat nating ginagawa, hindi ba? Isa ang ating bibig at dalawa ang ating tainga. Doon pa lang ay may pahiwatig na sa atin na dapat ay mas maraming pakikinig ang ating gawin kaysa pagsasalita. Ang sabi nga sa Ecclesiastes 5:2, "Be not be rash with your mouth, nor let your heart be hasty to utter a word...let your words be few."
Let's talk less and listen more. Bakit?

1) You gain more from listening than from talking. Mas kapakipakinabang ang pakikinig kaysa pagsasalita. Marami kang napupulot at natututunan kapag ikaw ay nakikinig. You are able to gain understanding from listening. Di lamang iyon, nahahasa din ang iyong patience at self-control kapag mas nakinig ka sa halip na magsalita. Ang sabi nga sa James 1:19, "Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry."

2) People will value your words even more if you think before you speak. Ang mga salitang pinag-isipan ay mas pahahalagahan at pakikinggan kaysa mga salitang basta winika na lamang. Naranasan mo na bang pagsisihan ang iyong mga sinabi dahil di mo ito masyadong napag-isipan? Naranasan mo na rin bang magtanong, samantalang kasasabi pa lamang ng sagot pero di mo ito napakinggan? Oftentimes, we find ourselves in an embarrassing spot when we do not listen attentively. Kaya paganahin natin ang ating mga tainga at makinig tayong mabuti.

3) Be comfortable in silence and in stillness.
Mahalaga ang panahon ng pananahimik. It pacifies your heart and your mind. Di kailangang palagi kang may kausap o kakuwentuhan. During times when you are by yourself, enjoy the peace and quiet and be still. Sa Psalm 46:10 ay ganito ang sinasabi, "Be still and know that I am God." Higit nating maririnig ang Diyos sa panahon ng katahimikan.

Ngayong 2017 subukan nating dagdagan ang ating pakikinig kaysa pagsasalita.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

Talk Less, Work More

PROTIPS - January 5, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

May mga taong mahusay sa salita pero kulang sa gawa. Marami silang napupuna at maraming gustong irekomenda pero sa panahon ng trabaho at paggawa hindi mo na sila makita. Isang dapat baguhin ngayong 2017, bawasan ang pagsasalita, dagdagan ang ating paggawa. Talk less and work more.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Maraming babala ang Bibliya tungkol sa pagiging masalita. Ang sabi sa Proverbs 10:19, "When words are many, transgression is not lacking, but whoever restrains his lips is prudent." Sa Proverbs 14:23 ay ganito naman ang mababasa natin, "In all toil there is profit, but mere talk tends only to poverty." Bakit dapat bawasan ang puro salita lamang at dagdagan ang ating paggawa?

1) All talk and no work weakens your credibility. Kung puro salita ka lamang at di naman nakikita sa iyong gawa o pamumuhay ang iyong sinasabi, tiyak na makaaapekto ito sa iyong kredibilidad. People may be inspired by what you say. Pero ang higit nilang paniniwalaan ay ang mga bagay na nakikita nilang ginagawa mo. Kahit na ilang produktong pampapayat ang iyong i-endorso kung di naman nakikita ang ebidensiya sa iyo, magiging effective ka kayang endorser nito? Tiyak na hindi. Ngunit kung dati kang overweight at nakita ng mga tao ang iyong pagpayat, kahit di ka magsalita ay tiyak na tatanungin ka nila kung ano ang iyong ginawa upang mabawasan ang iyong timbang. Works consistent with your words strengthen your credibility.

2) Talk without action is just noise. Sobra-sobra na ang ingay sa mundo. Huwag na nating dagdagan pa ng mga salitang wala namang kaakibat na gawa. Ang sabi nga sa 1 Corinthians 13:1, "If I speak in the tongues of men or of angels, but do not have love, I am only a resounding gong or a clanging cymbal." Magsalita tayo ng may katuturan at karunungan. Let is talk to instruct, inform and inspire.

3) A lot of talk creates unrealistic expectations. Maraming mabilis maniwala sa mabulaklak na pananalita. Wala ka namang planong bumili ng isang produkto pero dahil na-enganyo ka ng advertisement, napabili ka. Pero di ka nasiyahan dahil ang produkto ay di singhusay ng kung paano ito inadvertise. Maging maingat tayo na ang mga salita natin ay di nakabubuo ng unrealistic expectations sa ibang tao. You will end up having a lot of unsatisfied clients if your talk does not match your product.

Hayaan mong mas mangusap ang iyong gawa kaysa sa iyong salita. Talk less and work more.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

Thursday, January 5, 2017

Live Without Regrets

PROTIPS - January 4, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ang kagandagan ng bagong taon ay ang tila bagong simula na ibinibigay nito sa atin. Kung di man natin nagawa o naabot ang ating goals noon, ang bawat bagong taon ay may hatid na bagong simula at bagong pagkakataon. Kaya huwag kang mabuhay sa panghihinayang. Let go of your "what ifs" and "if only" dahil ang araw na ito ay di dapat gugulin sa panghihinayang kundi sa mabungang buhay at paggawa. Live without regrets.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May pinanghihinayangan ka bang business opportunity, relationship o kaya ay desisyon sa iyong buhay ngayon? Manghinayang ng sandali tapos move on na kaagad dahil ang bawat minuto na ilalaan mo para sa iyong panghihinayang ay panahong maaari mong gugulin sa mas kapakipakinabang na gawain. Let me share with you better options to regrets.

1) Instead of living in regret, learn from the mistakes of the past. Sa halip na magmukmok sa panghihinayang, matuto ka sa mga maling desisyon o diskarte na iyong nagawa. Expected na naman na paminsan-minsan ay nagkakamali tayo. Bahagi iyan ng pagiging human.

2) Instead of having regret with relationships which went sour, build new ones. Ang mga relationships na hindi nag-work out sa trabaho man ito o personal mong buhay, sa halip na masaktan at manghinayang, ayusin ang maaaring ayusin and start on building new friendships. Huwag kang kumapit sa mga relationships na di naman nakabubuti para sa iyo. Sometimes the Lord removes certain individuals in our lives for our own good and theirs as well.

3) Instead of living in regret for missed opportunities, be open to new ones. Huwag mo ng panghinayangan ang mga oportunidad na di mo tinanggap at napunta sa iba. May darating na bagong pagkakataon para sa iyo at dapat ay maging handa ka para dito. When a new season has ended, accept it and embrace the new season that will begin.

Live without regrets. Learn from past mistakes, build new friendships and be open to new opportunities that will come your way.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post:

When You're Just Starting

PROTIPS - January 3, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kapag bagong taon, maraming tao ang nagsisimula ng bago. Bagong hairstyle, bagong diet, bagong exercise regimen, bagong trabaho. Maaaring ngayong 2017 ay may sisimulan kang negosyo na matagal mo ng pinaplano o pinapangarap. Sa lahat ng may sisimulang bago, may ilang pabaon ako para sa inyo.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

If today is the beginning of a new work, a new career or a new business for you, Congratulations! Suportado ka ng Protips at nakikigalak kami sa iyong bagong simulain. Isang chocolate drink ang may jingle na ang mensahe ay ganito, "great things start from small beginnings". Gaano man kalaki o kaliit ang iyong negosyong sisimulan, isipin mo na iyan ang unang hakbang sa iyong paglago at pag-asenso. When you are just starting in accomplishing your goals and dreams, keep these reminders in mind.

1) Start small but with a big vision. Hindi pa man malaki ang negosyong iyong bubuksan ngayon dapat ay magsimula ka ng may malaki at malinaw na vision. It is this vision that will motivate you to work harder. It is this vision that will keep you going when things get hard and tough. Maliit man ang iyong negosyo ngayon ang malinaw na pangitain kung ano ang gusto mong marating ang siyang magiging inspirasyon mo para magpursige at magtrabaho ng mabuti.

2) Serve as many clients as possible, don't be choosy. Kapag nagsisimula ka pa lamang sa iyong karera at negosyo, di pwedeng choosy. Di ka pwedeng mapili sa trabaho at hindi ka pwedeng magsuplado sa mga customers mo. Aim to serve as many people as possible and make it your goal to make them satisfied customers. Kapag nasiyahan sila sa iyong produkto at serbisyo, by word of mouth, sila ang magdadala ng mga bagong kliyente sa business mo. Don't be choosy, serve and work with humility.

3) Remember that your sacrifices today will pay off tomorrow. Ang lahat ng simula ay may kakambal na mga sakripisyo. Nagsisimula kang magpapayat, cut-down on sweets kahit pa paboritong-paborito mo ang dessert. Gusto mong lumaki ang business mo, magbawas ng luho at gastos para hindi maubos agad ang mga kinikita ng iyong negosyo. Minsan nga kailangan mo ring magbawas ng tulog at pahinga para matapos ang mga trabahong kailangang magawa. Hindi madali magsimula ng negosyo. Talagang marami kang isasakripisyo. Today is your time for sowing. Saka na ang reaping kapag namunga na ang iyong mga pinaghirapang itanim. Your sacrifices today will have great gains in the future.

Excited ako para sa mga sisimulan mong bago ngayong taon. Ang sabi sa Zechariah 4:10, "Do not despise these small beginnings, for the Lord rejoices to see the work begin". May the Lord bless the work of the hand and prosper the business that you will start this year.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post:


Start Strong

PROTIPS - January 2, 2017
By Maloi Malibiran-Slaumbides

Happy New Year! Ito ang unang Lunes ng taong 2017. Kahit na non-working holiday ngayon ay mabuting pinaghahandaan na natin ang pagbabalik trabaho at ang mga planong gusto nating ipatupad ngayong bagong taon. Are you all set to do better this year? 

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

It is good to set goals and also verses from God's word na magiging gabay at paalala sa iyo sa mga mithiin at gawain mo para sa taong ito. Being anchored on the word of God gives you a strong start in life and in your career. Narito ang tatlong paalala mula sa Salita ng Diyos na maaari mong panghawakan at balik-balikan ngayong taon, anuman ang pagdaanan mo sa iyong trabaho at hanap-buhay.

1) Trust in the Lord. Ang sabi sa Proverbs 3:5, "Trust in the Lord with all your heart, and lean not on your own understanding." Ang matutong magtiwala sa Diyos para sa trabaho at negosyo mo ay isang mahalagang hakbang para magkaroon ng matatag at maayos na simula ngayong bagong taon. Learning to trust in the Lord and consulting Him for life and business decisions will definitely give you a strong start this year. May nakapagsabing, "Every financial decision is a spiritual decision". Kahit na maganda ang takbo ng iyong career, kahit pa malaki ang iyong kita, huwag mong kaliligtaan na humingi ng gabay at karunungan sa Diyos sa mga pinansiyal na pasyahin na iyong gagawin. Trusting God means learning to wait on Him to give you a go signal before you venture into something.

2) Thank the Lord at all times. Ang sabi sa Psalm 100:4, "Enter into His gates with thanksgiving, and inyo His courts with praise. Be thankful to Him and bless His name." Para sa maayos at matatag na panimula ng taon, ugaliing simulan ang bawat araw ng pasasalamat sa Diyos. Gawin mong habit ang pagbibilang ng mga pagpapalang natatanggap mo araw-araw. Count your blessings and thank the Lord for each of them. Mababago ang prayer life mo dahil hindi ka na lamang puro hingi sa Diyos. Mababago rin ang ugali mo dahil tiyak na mababawasan ang iyong pagrereklamo.

3) Turn to God's word and learn from it. Ang sabi sa Psalm 119:105, "Your word is a lamp to my feet and a light to my path." Ugaliin nating magbasa ng Bibliya araw-araw. It will give you a strong start each day and it will definitely strengthen you throughout the year. Kung kailangan mong kumain ng tatlong beses sa loob ng isang araw, kailangan din ng daily nourishment ng iyong spiritual life kaya di dapat kinaliligtaan o kinatatamaran ang pagbabasa ng Salita ng Diyos. God's word is our daily bread and our manual for life.

Gusto mo ba ng strong start ngayong 2017? Learn to trust in the Lord. Make it a habit to thank Him at all times. And turn to God's word and draw wisdom from it.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post:

Slow Forward

PROTIPS – December 30, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kapag ikaw ay nanonood ng palabas sa iyong gadget at ika'y nainip, ugali mo bang i-click ang fast forward button at pinupuntahan mo na lamang ang bahagi na gusto mo ng mapanood? Minsan ba ay ganyan din ang gusto mong gawin sa buhay mo? Kung may powers ka ba, would you rather skip the difficult moments of your work and life at i-fast forward na lamang ang mga ito?

Paano mo ba balak simulan ang iyong 2017? I know some people who want to start fast. Gusto nila palaging nauuna. Nauuna sa pila, nauunang matapos ng gawain, nauunang dumating sa mga meeting, nauuna sa lahat. Maraming benepisyo ang pagiging mabilis. But sometimes, we miss out on what's really important when we are too fast.

Magandang araw at happy new year sa iyo, ka-Protips. Ako si Maloi Malibiran-Salumbides partner mo sa inspirado at mabungang trabaho at negosyo.

Long lines stress me out. Ayaw kong naghihintay ng matagal at ayaw kong inaabutan ng mahabang pila. During the Christmas break, noong pabalik na kami buhat sa isang overseas trip ay sinalubong kami ng mahabang pila para magcheck-in sa aming sasakyang eroplano. The trouble-shooter in me, immediately wanted to do something to shorten the waiting time and improve the long line of passengers waiting at the check-in counter. Sinubukan kong kausapin ang check-in supervisor kung maaari bang gawan nila ng paraan ang mahabang pila dahil may mga counter naman na walang pila. Ang sagot sa akin, "You just have to be patient. This is how we manage the check-in process here."

Habang nag-iisip ako kung paano matatapos ang pag-check-in ng aming grupo, ang mga kasama ko ay enjoy na enjoy na nagkukuhanan ng litrato, nagtatawanan at nagkukuwentuhan. I missed out on enjoying nurturing my relationship with my companions because I was too impatient to wait.

Naisip ko tuloy, madalas sa ating buhay at trabaho, we have to slow down as we press forward. Kaya mahalaga ring may slow forward button sa ating buhay. Sa panimula ng bagong taon mayroon akong dalawang paalala mula sa Bible na gusto kong ibahagi sa iyo. As much as you can, don't be in a hurry to get things started, welcome the idea of having a slow forward. Paano natin ito gagawin?

Tip #1: Remember that there is strength in waiting. Ang sabi sa Isaiah 40:31, "Yet those who wait for the LORD will gain new strength; they will mount up with wings like eagles, they will run and not get tired, they will walk and not become weary." (NASB) Magandang sa panimula ng taon ay maging intentional tayo sa paglalaan ng panahon para manahimik at makinig sa Diyos. It takes ordinary strength to do this. Sa halip na magpaka-busy, you will restrain yourself from too much activities just to quiet your spirit and allow heart to hear from God.

Tip #2: Remember to focus on just one thing. People who have a clear focus end up more fruitful than those who are busy with mere activities. Sa Philippians 3:13-14 ay ganito ang ating mababasa, "I am still not all I should be, but I am focusing all my energies on this one thing: Forgetting the past and looking forward to what lies ahead, I strain to reach the end of the race and receive the prize for which God, through Christ Jesus, is calling us up to heaven." (NLT) Nadiskubre mo na ba ang bagay o misyon na tanging ikaw lang ang makagagawa at ito ang dapat mong paglaanan ng oras at lakas mo? You will only know that one thing, again, if you wait on God.

Marahil ay napagod at na-stress ka sa maraming kaabalahan noong nagdaang Pasko at bagong taon. Iwasang dagdagan pa ang pagod at stress na iyan. Instead of having a hurried start for 2017, slow forward. Wait on and hear from God and find that singular focus that will make your year truly meaningful and fruitful.

Ako si Maloi Malibiran-Salumbides bumabati sa iyo ng pinagpalang bagong taon. This 2017, may you continue to shine and be a blessing in the workplace.


BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post:


Start with the End in Mind

PROTIPS – December 29, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Habang papalapit na ang Pasko at ang bagong taon magandang pag-isipan din natin ang panibagong targets at goals na gusto mong i-set sa buhay at trabaho. It is always helpful to start each day, week, month and year with the end in mind. And sabi nga ni Stephen Covey, ang author ng 7 Habits of Highly Effective People, kung gusto mong maging purposeful at fruitful ang iyong buhay then you must "begin with the end in mind."

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong pagtatrabaho at lumalagong negosyo.

What are things that you should consider as you begin with the end in mind? Narito ang tatlong tips.

1) Know your destination. Mabuting alamin at linawin kung ano ang gusto mong marating. Sa paglalakbay halimbawa, kung hindi ka tiyak sa iyong paroroonan, siguradong maraming gasolina, oras at lakas ang masasayang. Hindi mo malalaman kung naligaw ka na, kung hindi mo naman pala alam ang destinasyon mo. Kaya nga, sa mga mag-aaral, mabuting pinag-iisipan kung ano ang kurso na iyong kukunin. Sa mga empleyado, makatutulong na may plano ka kung ilang taon ng buhay mo ang ibibigay mo sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo ngayon. Sa mga may negosyo, your direction and targets for the year will determine kung saan marapat na ilagay ang resources ng iyong business. Begin with the end in mind.

2) Plan the best way to get there. Kapag alam mo na kung ano ang gusto mong destination ang susunod na tanong ay, "Ano kaya ang pinakamagandang daan para makarating doon? Kaya nga, gawi na ng marami ngayon na bago sila bumiyahe, hahanapin muna nila sa Google maps, Waze o iba pang navigational apps kung ano ang pinaka-magandang daanan. Siyempre doon ka na sa kaunti ang traffic, wala masyadong toll na babayaran at pinakamabilis na makararating sa iyong pupuntahan. A clear end in mind will help you evaluate the best strategy for your career and business.

3) Start the journey until you reach the finish line. Kahit alam mo ang iyong destinasyon at pinag-aralan mo na rin kung paano pupunta doon, kung hindi ka naman kikilos, maglalakad o bibiyahe, your end in mind will never be a reality.

What is your end in mind pagdating sa iyong trabaho, negosyo, kalusugan, at ugnayan sa Diyos at tao? Mabuting magplano. Magandang magset ng targets. Ngunit sa bandang huli ang higit na marapat ay ang sinasabi sa 1 Corinthians 10:31 "Whether you eat, or drink, or whatever you do, do all to the glory of God."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post:


Trust Begets Trust

PROTIPS – December 28, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Sino ang mga pinagkakatiwalaan mo diyan sa inyong opisina? Do you find your co-workers trust-worthy? O medyo nag-iingat ka na ngayon sa mga ibinabahagi mo sa kanila dahil minsan ka ng napaso, namiss-quote o nagawan ng kwento? Trust begets trust. Kung nais mong pagkatiwalaan ka, dapat ay patunayan at ipakita mong karapat-dapat ka nga na tumaggap ng tiwala ng iba. How do you develop a culture of trust in the workplace? Pag-usapan natin ito ngayon sa Protips.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.

Ang tiwala ay pundasyon ng matatag na pagsasama, sa business man ito o sa personal nating buhay. Mahirap maibalik ang tiwalang nasira pero hindi naman imposible. Paano nga ba natin ibabalik o pagyayamanin ang tiwala sa ating organisasyon?

Tip#1: Credibility builds confidence and trust. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng iyong mga katrabaho at kliyente, alagaan at palakasin mo ang iyong kredibilidad. Credibility is built when your talk is matched by your walk. Ang brands ng mga produkto na pinagkakatiwalaan ng merkado ay consistent sa kalidad at serbisyo na kanilang ina-advertise. Kung ano ang kanilang sinasabi, yun nga ang nakukuha o nararanasan ng mga tumatangkilik sa kanila. Ang resulta, tumataas ang tiwala ng mga mamimili at inirerekomenda pa sila sa iba. Establish a credible brand that will be easy for people to trust.

Tip#2: Own up, don’t cover-up. Isa sa nakasisira ng tiwala ay kapag pinagtakpan o itinanggi natin ang isang pagkakamali. Ang mga kilalang brand ng sasakyan o pagkain, hindi nagdadalawang isip na i-recall o ipatanggal sa merkado ang mga produktong may depekto sa oras na makatanggap sila ng report na may problema ang kanilang product. Sa simula ay talagang apektado ang benta ng kanilang produkto. But in the long-run, the trust of their market is regained because they chose to own-up instead of cover-up. Kahit sa ating mga personal na ugnayan, mas makabubuting aminin ang ating pagkakamali at humingi agad ng tawad kaysa hintayin mo pang ikaw ay mabuko. You want people to trust you? Kilalanin ang iyong pagkakamali, humingi ng tawad at magsumikap na pagkatiwalaan kang muli. Hindi pwedeng utusan mo ang iba na mag-move-on na lamang ng basta-basta at kalimutan ang nangyari ng wala namang apology, retribution at restitution na nangyayari. Own-up and pay-up, face the consequences of your mistakes, for trust to be regained.

Tip#3: Take risks, trust again. Para manumbalik ang tiwala at muling mabuo ang maayos na samahan, subukan mong magtiwala muli. You will never know if someone has truly changed if you won’t give that person another chance. Minsan sinira ni Pedro ang tiwala sa kanya ng Panginoong Hesus pero binigyan muli siya ng Diyos ng panibagong pagkakataon. Kung nahihirapan kang magpatawad at magtiwalang muli, isipin mo na lang kung ilang beses kang pinatawad at muling binigyan ng pagkakataon ng Diyos. May this encourage you to trust and give others a chance again.


BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post:

Stop & Go

Protips - December 27, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ilang araw matapos ang Pasko ang tanong ko sa iyo, may natitira pa ba sa iyong bonus, sweldo o mga aguinaldo? Mabuting magbigay tayo ng ilang hinay-hinay-sa-paggastos-tips para naman hindi ma-wipe-out agad-agad ang perang kay tagal mong pinagpaguran.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado at productive na trabaho at negosyo.

Sa Vietnam ay may convenience store outlet na ang pangalan ay Shop and Go, para itong Seven-Eleven, MiniStop o Family Mart dito sa Pilipinas. Totoo ngang napaka-convenient ng ganitong mga tindahan para sa atin. Madali mong mabibili ang kailangan mo. Pero mas madalas kaysa hindi, kapag nagshopping ang marami, hindi lang naman yung kailangan nila ang nabibili. Ang kailangan mo lang halimbawa ay isang bottled water, pag-alis mo sa tindahan, may bitbit ka na ring mga chitchiria at magazine. Kung wala kang pagpipigil sa sarili, you shop and your money goes away quickly. Kaya sa halip na shop and go, ang mungkahi ko sa iyo ngayon ay -- STOP and GO!

Mayroon akong apat na tips sa iyo para maiwasan natin ang paggastos ng higit sa kinita natin. Tandaan ang salitang STOP.

Schedule your visit to the malls. Pansinin mong lahat ng sale ay itinataon ng mga mall sa tuwing ikaw ay tatanggap ng iyong sweldo. Kahit pa sabihin nating sale ito at ibinabagsak nila ang presyo ng ilan sa kanilang mga paninda, the intention is really for you to spend and not to save. If business establishments are intent in getting your money, aba, dapat lang na maging mas intentional ka na ipunin at palaguin ang kita mo. Iwasan mong gawing tambayan ang mall, dahil mas malamang sa hindi, mapapagastos ka kapag pumunta ka dito. Ayaw mong maglaho ang iyong sweldo ng ganun-ganun na lang, then stop going to the mall kung wala ka namang kailangan talagang bilhin o gawin doon.


Think before you spend. Bago mo pakawalan ang perang iyong pinaghirapang kitain, tanungin mo muna ang sarili mo ng sumusunod: a) Kailangan ko ba talaga nito?, b) May pambayad ba ako kung gagamitin ko ang credit card para bilhin ito?, c) Mabibili ko pa ito sa mas murang halaga kung magca-canvass muna ako sa iba? Don’t buy on impulse. Be a good steward of the financial resources entrusted to you by God. Mag-isip muna bago gumasta.

Overcome your appetite to buy by avoiding ads and sites which entice you to spend. Kapag kumakain ka sa buffet o eat-all-you-can restaurants, humihinto ka ba sa pagkain kapag busog ka na? O bubusugin mo ng sobra-sobra ang iyong sarili kahit masama na ang pakiramdam mo sa sobrang kabusugan? Many find it difficult to stop, kahit na busog na sila, because they are surrounded with tempting and mouth-watering dishes. Di na kaya ng tiyan pero gusto pa rin ng mata ang mga pagkaing nakikita. Sa paggastos ay ganyan din, di na kaya ng pitaka, pero dahil marami pang panindang nakikita ang mata, kahit wala na sa budget, gasta pa rin ng gasta. To overcome your appetite for needless shopping, stop looking at advertisements. Stop visiting online-shopping sites. Stop and go.

Pray instead of pay. Naniniwala akong ang pamamahala natin ng ating financial resources ay may kaugnayan sa ating spiritual life. Mahigit kumulang sa 800 verses ang makikita mo sa Bible na tungkol sa pananalapi. How you manage your resources will tell if your priorities in life are in order. Sa tuwing makatatanggap ka ng pinansiyal na biyaya, huminto at matutong magpasalamat sa Diyos. Sa tuwing ikaw ay mamimili, manalangin ka muna at hingin mo sa Diyos ang karunungan at pagpipigil sa sarili upang maging matalino ka sa pagbili.

Kung paanong pinagsumikapan mong kitain ang iyong susuwelduhin, dapat ay pagsumikapan mo rin itong ipunin at palaguin. Ngayong payday Friday, stop needless shopping.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post:

Something New For the New Year

PROTIPS – December 26, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Tapos na ang Pasko. Panibagong countdown naman ang ginagawa ngayon ng maraming tao, countdown na para sa 2017. Di na bago ang countdown dahil madalas na naman nating itong naririnig at ginagawa. Narinig mo na ba yung term na “bagong luma”? Ang ibig sabihin ay isang bagay na luma pero dahil matagal na hindi ginamit o nakita, kapag inilabas ulit ay para itong bagong muli. Pwede rin namang pre-loved o pre-used items na nabili mo. Bago sa iyo, pero luma na sa pinagbilhan mo. Sa trabaho, paano mo mapananatili ang bago at enthusiastic na pakiramdam kahit isa ka sa pinakamatagal o luma diyan sa inyong team? How can you be a brand new vintage who exudes energy and freshness in the workplace? Mayroon akong ilang tips para sa iyo.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Mayroon akong ilang reminders at mungkahi sa ating paghahanda na salubungin ang 2017. Ready ka na ba?

1) Revisit the past and be open to new seasons to come. Sa Lamentations 3:22 to 23 ay mababasa natin ito, “The LORD'S lovingkindness indeed never ceases, For His compassions never fail. They are new every morning; great is Your faithfulness.” Ang Diyos ay hindi nagbabago at ang pag-ibig Niya ay hindi maglalaho, ngunit ang awa at biyaya Niya para sa atin ay bago at sariwa araw-araw. Magandang paalala na sa buhay at trabaho, mayroon mang mga bagay na hindi nagbabago, hindi kailangang maging boring ito kung bukas ka sa pagbabago. While enjoying the comfort and steadiness of what you’ve been used to, provide space for things and experiences that are new.

2) Re-arrange and redecorate. Hindi mo kailangang magpalit ng opisina o bahay para lang magkaroon ka ng fresh working environment. May mga kaibigan akong maya’t-maya ay binabago ang ayos ng furniture sa kanilang bahay para daw hindi nakakasawa. Ang mga mall, kada may okasyon ay nagpapalit ng dekorasyon nila para mas akma sa panahon. Hindi naman sila lumilipat ng lokasyon pero sa pagpapalit ng mga palamuti ay nagdudulot ito ng bagong pakiramdam at karanasan sa mga mamimili. Maaaring ganyan din ang kailangan mong gawin to spice up your work life: re-arrange your priorities and try to put on additional accessories.


3) Recharge your spirit in the Lord daily. Kung ang kailangan mo ay bagong lakas at inspirasyon sa araw-araw, do not neglect your daily time of recharging and refreshing in the Lord’s presence. Some call this their quiet time. Para naman sa iba, ito ang kanilang daily devotion and meditation. Isaiah 40:31 says, “Those who hope in the LORD will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint.”

Sa ating pagbibilang ng araw bago mag-2017, pag-isipan ang mga mungkahing ito ng Protips. Spend time in quiet reflection and prepare your hearts for the new season that the Lord will start in your life and career.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================


Original Post: