Thursday, May 2, 2019

Right Team, Right Members

PROTIPS - May 1, 2019

Maloi Malibiran-Salumbides

Sa isang survey na isinagawa kung ano ang mga winning attitudes na common sa mga matatagumpay na kumpanya at negosyo, isa sa nakita ay ang team styles o ang willingness at kakayahan magtrabaho kasama ang iba. Totoong, kung gusto nating maging mabunga hindi tayo pwedeng soloista. Great accomplishments are done by teams who work well together and not just by the singular effort of an individual. Ang sabi nga si Henry Ford, "Coming together is the beginning. Keeping together is progress. Working together is success."

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Paano nga ba magkakaroon ng healthy at productive working teams sa inyong kumpanya? Simulan natin sa pagpili ng tamang team members. Here are some qualities that you need to look when selecting potential members of your team. Tandaan ang RIGHT.

Respect. Respeto ay mahalaga sa maayos na pagsasama. Kahit magkakaiba ng personalidad, pananaw, istilo ng pagtatrabaho at paniniwala, kung may marunong tayong rumespeto sa ating pagkaka-iba-iba, we can work effectively as a team.

Initiative. Look for people with initiative. Hindi yung tipong kailangan mong susian para lang kumilos. It's a delight to work with people with initiative na kahit hindi mo sabihan ay sensitive sila sa pangangailangan ng iba at gagawin nila ang dapat ng may kusa.

Gets the job done. A healthy team is not just a fun team but a productive one as well, dahil ang mga taong bumubuo nito ay may kakayahang gawing reality ang goals at plans na mayroon ang team. Get team members who will get the job done.

Handles conflict well. Alamin mo rin kung paano magresolba ng conflict ang mga taong isasama mo sa iyong team. Conflicts are bound to happen. Kaya tiyakin na sa team ninyo, marunong maghandle ng conflict ang inyong mga miyembro.

Trouble shooter and target keeper. Humanap ng mga miyembro na hindi lamang mahusay magtrouble shoot o mag-identify ng ugat ng mga problema sa inyong opisina, kundi committed din na maabot ang targets ng inyong kumpanya.

Do you have the right people in your team? May respeto, initiative, nagagawa ang trabahong iniatas sa kanya, marunong maghandle ng conflict at bukod sa trouble shooter na ay target keeper din.

Marami tayong magagawa kung tayo ay nagkaka-isa. Ang sabi nga sa Psalm 133:1, " How good and pleasant it is when God’s people live together in unity!"
Create the right teams in your company by putting together the right people in teams.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment