PROTIPS - May 17, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
Ano ang pakiramdam kapag hindi mo nakuha ang gusto mo o kaya ay hindi nangyari ang plano ayon sa inisip o pinaghandaan mo? Nakaka-disappoint di ba? Normal lang naman na makaramdam ng frustration kapag hindi nangyari ayon sa iyong gusto o balak ang mga bagay-bagay. Pero bahagi naman talaga iyan ng buhay. You won't always have your way. And you won't always get what you want. Kaya ang pabaon kong paalala sa iyo ngayon, Always have a plan "Be".
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
May nagsabing, "When plan A does not work, don't worry there are 25 other letters in the alphabet." Yun nga lang mahirap na maka-move on sa plans B to Z kung masyado kang kapit na kapit sa iyong plan A. Kaya tatlong "be" and gusto kong tandaan mo sa tuwing may mababago sa iyong original na plano.
1) Be realistic. Sa tuwing ikaw ay may gagawing trabaho o proyekto, ilagay mo na sa iyong isip na palaging mayroong posibilidad na hindi mangyayari ang lahat ng iyong pinlano ng saktong-sakto. This way, you'll be able to manage your expectations and even your frustrations. Plan as best as you can, work as hard as you can but accept the reality that there are variables you can't control.
2) Be flexible. Dahil nga maraming bagay ang hindi mo naman kontrolado, kailangang mabilis tayong mag-adjust sakali't may mga pagbabago. Huwag kang masyadong kumapit sa mga bagay, tao o sitwasyon. Lahat ng ito ay nagbabago. Huwag ka ring masyadong kumapit sa mga ideya mo, dahil tiyak na mayroon maka-iisip ng mas maganda pang ideya kaysa sa iyo. Be open to change and be flexible.
3) Be thankful for what is and not regretful of what could have been. Alam mo magandang maging habit natin na kapag biglang may nabago sa ating plano, ang automatic response ay, "Thank you, Lord dahil may mas maganda kayong plano at naisin para sa akin." Huwag kang manghinayang sa di nangyari o di mo nakuha. Magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka.
Ang sabi sa Proverbs 19: 21, "Many are the plans in a person's heart, but it is the LORD's purpose that prevails." Your plan A may not work, but God's plan is always the best.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page
No comments:
Post a Comment