PROTIPS - May 7, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Napakalaking inspirasyon sa akin ng mga taong hindi basta-basta sumusuko. Kahit na maraming pagsubok, rejection at problema silang naranasan, hindi sila nawawalan ng pag-asa at patuloy na bumabangon para muling sumubok. Mayroon akong kaibigan na apat na beses ng nadeny ang kanyang visa application sa bansang gusto niyang puntahan. Magkahalong galit, inis at panghihinayang ang kanyang nadama sa tuwing narereject ang kanyang visa application. Ngunit sa tuwing may imbitasyon sa kanyan na pumunta ng bansang iyon, sumusubok pa rin siya. Matapos ang maraming taon at rejection, muling sumubok ang kaibigan kong ito. And on the 5th try, this friend finally got the visa she needed. Isang negosyante naman ang maka-ilang ulit ng nalugi sa kanyang negosyo. Ngunit sa edad na 52, patuloy siyang nagpursige at nagtayo ng panibagong kumpanya. Ang negosyong nagsimula sa labing-tatlong katao, ngayon ay mayroon ng halos tatlong daang empleyado. Kung nasa punto ka na ng pagsuko, recall stories of people who did not give up and are now enjoying the fruit of their hard work and perseverance.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Bakit nga ba di tayo dapat agad-agad na susuko kapag may pagsubok na dumarating sa buhay, trabaho o negosyo natin?
1) Life is never easy but God is our strength. By now, you should already know na wala naman talagang madaling buhay. Ang tagumpay ay hindi inihahain sa iyo. Ito'y pinagsusumikapan. Ito'y pinagtatrabahuhan. Kahit pa ang mga tinaguriang "born with a silver spoon in their mouth" ay kailangang maging marunong at masipag para mapanatili at mapalago ang mga yaman at kabuhayang ipinamana sa kanila. Otherwise, all these can disappear and be taken away from them if they don't work hard. Hindi tayo pinangakuan ng Diyos ng madaling buhay. He promised those who put their trust in Him a full and abundant life but not an easy life. Ang sabi sa Isaiah 26:4, "Trust in the Lord forever, for in God the Lord is everlasting strength."
2) Problems are momentary. Hindi tayo dapat na sumuko agad-agad dahil ang bawat pagsubok ay mayroon namang katapusan. God is eternal. Your problems are not. Ang problema kasi, masyado tayong nakafocus sa problema kaya mas lalo tayong pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa. Focus on your eternal hope in God and not on the momentary troubles you are facing. Sabihin mo sa problema mo, "Matatapos ka rin, hindi ka forever." Kapag tinignan mo ang problema sa trabaho na panandalian lamang, nagkakaroon ka ng motibasyon para magpatuloy kahit pa ikaw ay nahihirapan. Kaya nga mabuting palaging isa-isip ang target o end-result na gusto mong makamit. Noong umakyat ako sa Mt. Sinai, maka-ilang ulit ko ng gustong sumuko at bumalik na lamang sa ibaba ng bundok. But I kept on focusing on the summit and the beauty that awaits those who reach it. Kahit napakahirap, ako'y nagpatuloy at sa tulong ng Diyos at ng aking mga kasama, naabot ko ang tuktok ng bundok.
3) A prize awaits those who press on. May gantimpala ang pagsusumikap. And the reward is not just material. You feel a sense of accomplishment and satisfaction that will never be experienced by those who give-up mid-way. Ang sabi nga ni Apostle Paul sa Philippians3:14, "I press on toward the goal to win the prize for which God has called me". Mas matamis ang tagumpay kapag ito'y iyong pinaghirapan at pinagsumikapan. Momentary defeats should not dampen your spirit. Keep on. Press on and in the end, you will enjoy the prize for your hard work and perseverance.
Tiyak akong may mga haharapin kang challenges sa trabaho mo, pero huwag kang agad-agad na aayaw at susuko. Life may not be easy but God is our strength. Your problems are momentary. And a great prize awaits you if you simple press on.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: ProTips FB Page
No comments:
Post a Comment