Wednesday, May 22, 2019

Overcome Doubt


PROTIPS - May 22, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Sa kahabaan ng EDSA ay mayroon akong nabasang billboard na may ganitong paalala, "Doubt has killed more dreams than mistakes". At totoo nga naman, maraming pangarap ang kinalumutan na, plano na hindi na itinuloy ng dahil sa pag-aalinlangan o pagdududa. If you sometimes doubt what you can do, never doubt what God can do through you.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Bakit hindi ka dapat magpatalo sa pag-aalinlangan?

1) Because you can do all things through Christ who strengthens you. Yan ang paalala sa atin sa Philippians 4:13, isang pangako na pwede mong panghawakan araw-araw. Kapag nagsimula kang magduda, hinahayaan mong magsimula kang pagharian din ng takot. Magpinsan ang doubt at ang fear. Don't allow these two to hinder you from growing. Believe that you can do all things with God's help.

2) Because doubt has put more people in trouble than certainty. May mga taong napahamak dahil nagdalawang isip sa pagtawid sa kalsada. Kauurong-sulong, nahagip tuloy ng motorista. Kapag pagpasya kang gawin ang isang bagay, lalo't nasimulan mo na ito, hangga't maaari tapusin mo na. Mahirap ang mag-entertain ng doubts sa kalagitnaan ng ginagawa mo. Stay focused and committed. Finish what you started,

3) Because growth requires some risk-taking. Maraming bagay ang talagang hindi naman natin tiyak at kontrolado. Pero kung magpapatalo tayo sa pag-aalinlangan at kung gusto mong palagi kang sigurado sa magiging resulta ng mga pasya at plano mo, hinding-hindi ka na makaaalis sa iyong comfort zone. Growth requires you to overcome fears and doubts. Growth requires you to have faith in God and in yourself.

Huwag kang mag-alinlangan, may magandang plano ang Diyos para sa iyo. At gagamitin Niya ang trabaho at negosyo mo, para mangyari ang mga planong ito. Overcome doubt and turn over your worries to God.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: 
Protips FB Page

No comments:

Post a Comment