Friday, May 3, 2019

Daily Detox

PROTIPS-May 3, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Toxic ba sa trabaho mo ngayon? Mataas ang stress level at palaging mainit ang ulo ng mga tao? Para sa healthy living, kailangan ng katawan natin ang detoxification para matanggal ang toxins na naipon dito bunga ng unhealthy eating habits at pollutants na nalalanghap natin sa ating kapaligiran. Ang puso at isip natin, kailangan din ng daily detox para kahit dumating ang stressful situations sa trabaho at negosyo ay hindi tayo nagiging toxic. Ready ka na ba sa daily detox regimen na irerekomenda ko ngayon sa Protips?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ayon sa Mayo Clinic, ang fresh cranberry juice ay isang mahusay na natural drink detox. Nakatutulong ito para ma-eliminate ang mga toxins sa ating katawan. Pagdating sa puso't isipan, ano naman pwede nating gawin pang-detox para hindi maipon ang mga sama ng loob at negative thoughts sa buhay at trabaho natin?

1) Focus on what is pure and lovely. Maganda ang paalala ng Philippians 4:8, "whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things." Ang daming mga negatibo at di totoong impormasyon sa social media. Ang iba, di pa man nababasa kung ano ang sinasabi ng isang article, pinipindot na kaagad ang share button at ipinapasa ito sa iba. Isa ka ba sa nagkakalat ng nakakatoxic na mga mensahe sa mga kaibigan at ka-opisina mo? Focus on what is pure, lovely and true. Negative thoughts are toxic. They create fear, worry and confusion. Ang ibahagi mo ay mga bagay at mensaheng naghahatid ng inspirasyon at hindi kunsomisyon.

2) Forgive as soon as possible, as much as possible. Ang hindi pagpapatawad ay parang lason na nagtatanggal ng kasiyahan mo at nakaaapekto sa iyong relationship sa Diyos at sa ibang tao. Don't allow unforgiveness to poison your relationship with others. Huwag ka ng masyadong kumapit sa mga hinanakit mo sa buhay. Sa totoo lang, mas lugi ka kapag hindi ka nagpatawad. Nasaktan ka na nga, magiging bitter ka pa. Ask the Lord to enable you to forgive and to let go of your hurts as soon as possible. Mas mabilis kang magpapatawad, mas madali kang makaka-move on.

3) Free yourself from the influence of toxic individuals. May mga taong sunshine ang hatid kahit saan sila magpunta. Mayroon namang tila may kakambal na delubyo ang kanilang presensya. Nagkakasiyahan ang lahat, siya ay nakasimangot, palaging galit at tila palaging naghahamon ng away. Surround yourself with positive people who will remind you that every day you have much to be thankful for.

Focus on what is pure and lovely. Forgive as soon and as much as possible. Free yourself from the influence of toxic individuals. Yan ang ating daily detox regimen para sa masayang buhay at positibong pagtatrabaho.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment