Wednesday, May 8, 2019

Speak Life

PROTIPS - May 9, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

May impluwensiya ka sa buhay ng iyong mga katrabaho. Ang mga sinasabi at ginagawa mo ay may epekto sa kanila. Ang tanong positibo o negatibong impluwensiya ba tayo sa ating mga ka-opisina?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang iyong pananalita at paraan ng pagpapahayag ay may malaking epekto sa iba. Your words are powerful. Pwede itong maghatid ng encouragement, pwede rin namang discouragement. You have the power to speak clarity and enlightenment to a co-worker who may be confused in making an important decision in life. Gamitin mo sa tama ang iyong mga salita. Paano?

1) Seek to understand - Bago ka magbitiw ng salita, tiyakin mong nauunawaan mo ng buong-buo ang taong iyong kausap. Ang isang doctor ay hindi makapagbibigay ng tamang diagnosis kung di naman niya tatanungin ang kalagayan ng isang pasyente at kung di niya pag-aaralan ang resulta ng tests na gagawin sa pasyente. Kung ikaw naman ay isang consultant, hindi mo matutukoy ang problema ng isang kumpanya, kung hindi mo muna aalamin at uunawain ang mga nangyayari doon. Bago ka magbigay ng suhestiyon o payo, makinig ka muna para higit na makaunawa. Seek first to understand.

2) Pick the right place and time - Malaki ang kinalaman ng tamang lugar at panahon sa effective communication. Kung sensitibo ang inyong pag-uusapan at maaaring maging emosyonal ang kausap mo, hindi mo ito gagawin sa telepono lamang o sa oras na pagod o abalang-abala ang kausap mo. Dapat ay personal ang inyong magiging pag-uusap sa akmang lugar at sa panahong hindi ka nagmamadali ganun din ang kausap mo. Nakababawas sa effectiveness ng iyong mensahe ang maling lugar at panahon.

3) Encourage and inspire - Kung ikaw ay magsasalita, magandang ang hatid nito sa mga kausap mo ay encouragement at inspirasyon. Don't speak just to avoid silence. Minsan nga, mas mabuti pang tumahimik na lang kaysa magbitiw ng mga salitang di naman pinag-isipan.

4) Ask to clarify and confirm - Magtanong ka kaysa magkamali sa pang-unawa sa isang bagay o pangyayari. Maraming problema sa opisina ang bunga ng miscommunication. At pwede naman itong maiwasan kung tayo ay magtatanong.

5) Keep it short and simple - Paikli na ng paikli ang attention span ng mga tao ngayon. Kaya kung gusto mong ikaw ay pakinggan, huwag paikot-ikot at huwag mong habaan masyado ang iyong sasabihin. Ang goal ng pag-uusap ay ang magkaunawaan. Gumamit ng mga salitang madaling unawain at hindi prone sa misinterpretation. Gawin mong simple ngunit makabuluhan ang iyong mensahe.

Binigyan ka ng Diyos ng abilidad na magsalita at magpahayag. Gamitin mo ang kakayahang ito para maghatid buhay, pag-asa at encouragement sa iba. Speak to inspire. Speak life.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: FB Protips Page

No comments:

Post a Comment