Monday, April 29, 2019

Get Up and Try Again

PROTIPS - April 30, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides
Nakaka-inspire panoorin ang mga bata kapag natututo pa lamang silang lumakad. Lalakad ng ilang hakbang, madarapa, tatayo at lalakad muli. Paminsan-minsan umiiyak kapag nasaktan, pero pilit na tatayo para ituloy ang paglalakad nila hanggang sa ikaw na ang hahabol sa kanila. It's just ironic that when we were younger, mas mabilis tayong maka-recover sa ating pagkakadapa. Sana hanggang ngayon ay taglay pa rin natin ang tapang at pagpupursige ng isang batang natututong maglakad. Galing ka ba sa pagkakadapa diyan sa iyong trabaho. Get up and try again.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

We all know that life is seldom smooth-sailing. Talagang bahagi na ng buhay at trabaho natin na dumarating ang problema. At minsan ang mga problemang ito ay tayo rin naman ang may gawa. Kapag may desisyon ka o aksyon na hindi naging successful, charge it to experience. Get up and try again. Bakit nga ba hindi dapat na agad tayong sumusuko kapag minsang hindi naging successful ang ating ginawa?

1) You might just get it right the next time. Huwag kang agad-agad na susuko dahil baka makamit mo na ang tagumpay sa susunod mong pagsubok. At hindi mo ito malalaman kung hindi mo susubukan. Ilan kaya sa mga ginagamit nating teknolohiya ngayon ang hindi natuloy kung nadiscourage sa failed experiments ang mga imbentor nito. Marami sa mga matagumpay na kumpanya at tao na nakikita natin ngayon ay patotoo ng kahalagahan ng pagpapatuloy at pagsubok na muli. If you don't get it right the first time, try again.

2) There is a reward for those who persevere. Hindi madali ang magfail. Masakit, nakawawala ng tiwala sa sarili. Pero mas mahirap ang hindi na sumubok muli. Kasi palagi mo na lamang babalikan ang failure mo at palagi ka ring magtatanong kung ano kaya ang nangyari kung nag-try ka muli. Stop asking, "What if", get up and try again. Isa sa rewards ng pagpupursige ay maturity na harapin ang mga pagsubok sa buhay at trabaho mo.

3) Failing first before succeeding is a training in humility. Bakit natin ipagpasalamat ang failure? Dahil natututo tayong magpakumbaba kapag tayo ay nadarapa. Mabilis kasi nating makalimutan na ang talino, kakayahan at talento na mayroon tayo ay bigay lahat ng Diyos sa atin. Kapag ikaw ay nagfail muna bago ka nagtagumpay, mas madali nating makikita na ang pangalawang pagkakataon na mayroon tayo ay mula sa Diyos. At ang tagumpay na ating nakamit sa trabaho at negosyo natin ay biyayang dapat na ipagpasalamat natin sa Kanya.

Nagdaraan ka ba sa pagkadapa at pagkatalo ngayon. Get up ang try again. You might just get it right the next time.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment