Monday, May 20, 2019

Choose to be Joyful

PROTIPS - May 20, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides
May mga taong nagre-resign sa kanilang trabaho dahil hindi na sila masaya. Mayroong hindi tumutupad sa kanilang mga commitment dahil hirap na sila. Mayroong mga umaayaw sa karera dahil pagod na. Ganito ba ang sitwasyon mo ngayon diyan sa iyong trabaho. Minsan ay may pinayuhan ako na ang pagiging masaya sa buhay at trabaho ay personal choice. You may be working in a very nice company and still be unhappy. Happiness is dependent on happenings. Kapag masaya ang environment, kapag masaya ang mga nangyayari doon ka lamang masaya. What I'd like to encourage you to consider is this, choose to be joyful instead.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang sabi ni Apostle Paul sa Philippians 4:4, "Rejoice in the Lord always. I will say it again: Rejoice!" at alam mo ba kung nasaan siya ng isulat niya ito? Siya ay nasa bilangguan. Clearly, Paul discovered that regardless of the circumstance, one can still be joyful.

Ano ang mga hakbang ng pagiging tunay na kuntento at maligaya sa buhay at trabaho mo?

1) Practice gratefulness. Ang mga taong mapagpasalamat ay mas masaya sa trabaho nila. Sila'y naka-focus sa kung ano ang mabuti at magandang nangyayari. Napansin ko rin na kapag ang isang tao ay grateful, sa kabila ng mga problema, nananatili siyang positibo at nakahahanap pa rin siya ng dahilan para maging masaya.

2) Have a long-term perspective. Magkaroon ka ng pangmatagalang pananaw sa iyong trabaho. Kung magre-resign ka kada may mangyayaring hindi maganda sa trabaho mo, talagang hindi ka magtatagal sa kahit anong kumpanya. Think long-term. Ang mga problema ay temporary lamang. At sa bawat problemang mapagtatagumpayan mo, you will emerge stronger, more mature and wiser.

3) Spread the joy. May mga taong tila ang kasiyahan ay ang magkalat ng lungkot o kaya naman ay galit sa kanyang mga kasama. Kung may ikakalat ka man, dapat ay kabutihan at kasiyahan. Simple acts of kindness in your place of work may be seeds that will bear a more joyful environment.

Piliin mong maging masaya sa iyong trabaho at buhay. Practice gratefulness. Cultivate a long-term perspective and spread joy.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment