Tuesday, May 7, 2019

Step Down to Rise Up

PROTIPS - May 8, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Nakapanood ka na ba ng mga nagco-crossfit training? Namamangha akong makita ang mga kalalakihan at kababaihang nakapagbubuhat ng napakalalaki at bigat na barbells at kettlebells. What amazes me more is the way they lift those heavy training equipment. Kailangan nilang umupo, kailangan nilang bumaba, upang maitaas ang bigat na kanilang bubuhatin. To simply bend your body is not enough. Makasasama pa nga iyon sa iyong katawan dahil hindi ganoon ang tamang pagbuhat sa mabibigat na barbell. Kailangan talagang magsquat upang makabwelo sa tamang pagtayo na may tangang mabigat na equipment. Para sa akin, ito'y larawan ng kahalagahan ng pagpapakumbaba sa buhay at trabaho. To rise up, you need to learn how to step down.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Habang pinapalakpakan ng marami ang pagiging assertive at self-confident, sa Biblia ay maraming paalala tungkol sa kapakumbabaan. Ang sabi sa Proverbs 22:4, "By humility and the fear of the Lord are riches and honor and life." Sa James 4:6 ay ganito naman ang sinasabi, "God opposes the proud but shows favor to the humble." If humility is God's path to success, paano tayo lalago sa kapakumbabaan? Mayroon akong dalawang paalala sa atin ngayon.

1) Acknowledge that you are a steward of life and not the owner of possessions. Anong pakiramdam mo kapag mayroon kang bagong naipundar, bahay, sasakyan, mamahalang relo o bag? Do you feel more important when you have acquired something new and valuable? A sense of ownership makes many people feel proud. Ngunit kung mapaaalalahanan tayong ang lahat ng bagay ay pag-aari ng Diyos, kasama diyan ang negosyong mayroon ka, pati na ang oras at talinong mayroon ka, na tayo ay mga katiwala lamang, mas magkakaroon ng puwang ang kapakumbabaan sa buhay natin. We are not owners but stewards of the resources and the blessings we enjoy today.

2) Observe a simple lifestyle. Maraming matatagumpay at mayayamang tao ang may simpleng mga pamumuhay. Lumalaki ang kanilang kita ngunit hindi nila ito ginagastos sa pag-uupgrade ng kanilang lifestyle. Isa na dito si Warren Buffet, isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Simple ang sasakyan, simple ang tahanan. Growing in humility is also choosing to be simple even if you can afford to be extravagant.

Gusto mo bang magrise up sa iyong trabaho at negosyo? Lumago at lumalim sa kapakumbabaan. Remember that we are stewards and not owners. And choose to maintain a simple lifestyle.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment