PROTIPS - May 31, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
How is your energy level today? Eh kumusta naman ang level ng savings mo sa bangko? Mayroon pa bang natitira o medyo naghihingalo rin ba?
I'd like to share with you today a very simple strategy in managing personal finances. This is what I call the 3 Envelop Strategy.
Good morning, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, kaagapay mo sa inspirado at produktibong pagtatrabaho.
Ano ba ang 3 Envelope strategy to personal financial management? Simple lang, tatlong envelopes ang kailangan mo at isang marker.
Envelope #1 is for your payment to yourself. Buhat sa iyong natanggap na sweldo, swelduhan mo ng 10% ang iyong sarili. This is your savings. Iyan ang ihuhulog mo sa bangko. Maganda sana kung mayroon kang separate account na hindi accessible through ATM para hindi mo ito madaling ma-withdraw. Envelope #1 is your savings envelope.
Envelope #2 is for your expenses. Ito naman ay 80% ng iyong income. Kung kaya mong mas mababa pa dito ang iyong expenses, mas mabuti. Discipline yourself to spend not just within your means but below your means.
Envelope #3 is what I call the thanksgiving envelope. Maglalagay ka rin ng 10% sa envelope na iyan. This 10% is for us to give to God as tithe and offering. Ito ang pasasalamat natin sa Diyos at paalala din sa atin na lahat ng biyaya ay buhat sa Kanya.
Simple lamang ito but many are not able to do it because we think that we do not have enough. Diyan tayo nagkakaproblema, kung sa kakarampot na sweldo ay hindi tayo disiplinado, tiyak na kahit malaki na ang kinikita natin, hindi rin tayo magiging tapat at disiplinado. May mga kakilala nga ako, kung kailan mas lumaki ang kita ay mas lalong dumami rin ang utang. Whether with a small or bigger salary, dapat nakikita na ang ating disiplina.
Ito ang Three-Envelope strategy na sana ay makatulong sa pag-manage mo ng iyong finances. Sana sa simpleng tips na ito ay matulungan tayo na higit na pagyamanin ang mga pinansiyal na biyayang natatanggap natin.
Be a blessing in the workplace today!
Source: Protips FB Page
No comments:
Post a Comment