PROTIPS - November 12, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
Isa sa mga kasiyahan ko sa buhay ay ang makatanggap ng fresh flowers na galing sa Baguio, Dangwa o kaya ay sa Cubao. Bakit naman very specific pa ang sources ng bulaklak? Dahil sa mga lugar na nabanggit ko, sa kaunting halaga ay makabibili ka na ng ilang dosenang bulaklak na mayroon pang magandang arrangement. You get your money’s worth ika nga. Mahalaga sa trabaho at negosyo ang tamang presyo. So, how should you price your products and services? The price should be right.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho..
Minsan ay nag-order ako ng buttered shrimps sa isang restaurant sa Batangas. Dahil nga sa labas na ito ng Metro Manila, inakala ko na mas mura ang kanilang mga paninda. Laking gulat ko nang lumabas ang aking order, anim na piraso ng maliliit na hipon sa halagang dalawang daang piso! Hindi ko nalasahan ang aking kinain noong tanghaliang iyon. Hindi ko rin maintindihan kung anong costing ang ginawa nila sa pagpepresyo ng kanilang paninda. Pero ito ang natitiyak ko, hindi na ako kakain muli sa tindahang iyon.
Kung gusto mong lumago ang iyong negosyo, make sure that the price is right. Ilan sa mga dapat mong tandaan sa pagpepresyo ng inyong produkto at serbisyo ay ang mga tips na ito:
Tip #1: Market-appropriate Pricing. Pag-aralan mong mabuti ang mga customer na gusto mong tumangkilik ng produkto o serbisyo ng inyong kumpanya. Ano ba ng purchasing power nila? Kung estudyante ang iyong market, magkano ba ang allowance nila at anong bahagi nito ang pwede nilang gastusin para tangkilikin ang iniaalok ninyo. Kung may trabaho naman ang market ninyo, ibagay mo rin ang presyo sa kung ano ang kaya nilang bilhin. Bakit may kape na halagang sampung piso lang? Bakit naman mayroong P150, samantalang kape rin naman iyon? These businesses study their market and price their products according to what their target market can afford.
Tip #2: Not Too Cheap Nor Too Steep. Hindi palaging mura ang tinatangkilik ng mga mamimili. Kung masyadong mura ang iyong paninda, baka isipin ng customer na hindi dekalidad ang produkto ninyo. Madaling masira, hindi masarap, smuggled, disposable, malapit ng mag-expire. Iyan ang naiisip ng mga tao kapag halos, give-away na ang presyo ng paninda ninyo. Kung napakamahal naman, baka maging hadlang din ito para tangkilikin ng marami ang iniaalok ng kumpanya ninyo. Reasonably price your products and services. Mas marami na ngayon ang matatalinong mamimili. Sa pamamagitan ng sandaling pagre-research sa internet ay maaari nilang malaman ang iba’t-ibang presyo ng magkakatulad na produkto o serbisyo mula sa iba’t-ibang supplier. Tandaan, your price should not be too cheap nor too steep.
Tip #3: Give Your Customers Their Money’s Worth. Value your customers by giving them their money’s worth. Yun bang, aalis silang masaya at may ngiti sa mga labi nila dahil hindi nila pakiramdam na nalugi o nagastusan sila dahil sa pagtangkilik nila sa kumpanya ninyo. Win-win, ika nga. Kumita ka na nakapaglingkod ka sa iba. That’s the essence of doing business. You don’t just work for the money. You work to meet the needs of others.
Ang tamang pagpe-presyo ay akma sa iyong merkado, hindi napakamura o napakamahal at tinutumbasan ng kalidad ng produkto o serbisyo ang halaga ng ibinayad sa iyo. Maganda ang paalala sa atin ng Proverbs 13:11 (NIV), “Dishonest money dwindles away, but whoever gathers money little by little makes it grow.”
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: Protips FB Page