Monday, July 1, 2019

Push the Right Button

PROTIPS - July 1, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Hindi natin napapansin pero araw-araw marami tayong buttons na pinipindot. The buttons on your cellphone keypad, ang on-button sa maraming gadget at appliances. Mayroon na ring push-button na mga sasakyan ngayon. Hindi mo na kailangan ng susi para magstart ito. Kaya nga siguro may idiomatic expression tayo na "push the right button". Ganito ang definition ng kasabihang "push the right button" ayon sa Cambridge Dictionary, "to do exactly what is necessary to get the result that you want".

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Kadalasan naman ang gusto lamang natin ay maging masaya, matagumpay, kumportable at meaningful ang buhay. Do we know the right buttons to push to get what we want? Ang malungkot, hinahanap natin ang satisfaction at meaning ng buhay sa mga bagay na di naman makapagbibigay sa atin ng totoong kasiyahan. We look for life's meaning and purpose in relationships, riches, record-breaking accomplishments at marami pang iba. Ang mga ito ay mahalaga ngunit hindi sapat para bigyan ng kahulugan ang buhay natin. Nang tanungin si Jesus kung ano ang pinakamahalagang utos, ang sagot niya ay ito, “‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’ This is the first and greatest commandment. And the second is like it: ‘Love your neighbor as yourself.’”(Matthew 22:37-40). Dalawang buttons ang kailangan para sa makabuluhan at totoong satisfying na buhay. The button of a right relationship with God. And the button of healthy relationship with others. Paano magiging maayos ang ating ugnayan sa ibang tao? Narito ang limang tips. Tandaan mo ang salitang RIGHT.

Respect all regardless of status or position. Mula sa pinaka-simple hanggang sa pinakamataas ang position diyan sa inyong kumpanya, dapat lang na igalang natin ang bawat isa. Every person is created in the image and likeness of God. Bigyang halaga natin ang bawat taong makakatrabaho o makakasalamuha natin.

Initiate reaching out to others. Huwag kang maghintay na ikaw ang lapitan o tulungan. Ikaw ang magsimulang makipag-usap at umabot sa iba.

Go the extra mile and get out of your comfort zone. Ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa mga katrabaho o kliyente natin ay hindi naman palaging madali. Minsan, kailangang lumabas ka sa kung ano ang kumportable o nakasanayan mo. That's going the extra mile.

Hear others out. Bigyan ng pagkakataon ang ibang tao na magsalita at magpaliwanag. Hindi mo hawak ang lahat ng sagot. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang tama. Push the right button of having better relationship with others. Learn to listen. Hear them out.

Thank and appreciate the people who make your life easier and better. Palaging mabuti na maging mapagpasalamat. I-appreciate mo at pasalamatan ang mga taong nagpapagaan at nagpapasaya sa buhay at trabaho mo.

May dalawang buttons na palaging dapat nating pindutin para sa maayos at meaningful na buhay. Push that button of having a right relationship with God. Push that button to nurture healthy relationships with people.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment