Wednesday, August 21, 2019

Alternatives to Buying

PROTIPS - August 20, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Palagi ka bang kinakapos at di mo mapagkasya ang iyong sweldo? Isa sa dahilan kung bakit nagkukulang ang ating kita ay ang sobra-sobrang paggasta. Bili dito, bili doon. Kahit hindi kailangan, dahil sale naman, bibilhin kapag naibigan. Ang katwiran, zero interest naman, kaya ok lang na umutang. Pero ok nga ba talaga? Pagkatapos magshopping, di alam kung saan na itatabi ang mga napamili dahil wala ng mapaglagyan. Kaya bibili na naman ng cabinet, shelf at iba pang sisidlan. Kapos na sa pera, kapos pa sa espasyo. Paano nga ba mahihinto ang crazy cycle na ito?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Merong mga alternatibo sa paggastos at pagbili. Hindi mo kailangang palaging maglabas ng pera o gumamit ng credit card. Let me share with you 3 alternatives to buying.

1) Instead of buying, just borrow. Sa halip na bumili, manghiram. Hindi mangutang ha. Halimbawa, kung pabili ng pabili ng libro ang anak mo lalo na kung may book fair o book sale sa kanilang eskwelahan, sa halip na gumastos, why not encourage your child to borrow from the library. Iba’t-ibang aklat ang maaari niyang mabasa ng hindi gumagastos. Mayroon akong kakilala, noong ikinasal siya, sa halip na bumili ng sariling wedding gown, nanghiram na lang sa kaibigan. Sikat na couturier pa ang gumawa ng gown na nahiram niya. Practical hindi ba?

2) Instead of buying, make your own. Isa sa top expenses ng isang nagtatrabaho ay ang pagkain sa labas. Dining out costs a lot. Ang halaga ng anim na pirasong hipon sa isang restaurant ay katumbas na ng mahigit sa kalahating kilong hipon na iyong bibilhin at lulutuin sa bahay. Malaki ang matitipid mo kung magbabaon ka. Ano ang mga pinagpaplanuhan mong bilhin na kung tutuusin ay pwede mo naman palang gawin? Cut down on unnecessary spending. Instead of buying, make your own.

3) Instead of buying, give. Noong ako’y nag-aral sa Wheaton College sa America, mayroon kooperatiba ang aming eskwelahan. Ang tawag dito ay Corinthian Co-op. Ang faculty at mga estudyante ay maaaring kumuha ng kahit anong bagay na kailangan nila mula sa Corinthian Co-op. Wala kaming babayaran. Ito ay mga pre-loved o used appliances, kitchenware, mga damit, libro at marami pang ibang kagamitan. You get what you need and you give what you no longer use. It’s a beautiful cycle of giving and receiving. Ang sabi sa Acts 20:35, “Remembering the words the Lord Jesus himself said: 'It is more blessed to give than to receive.' " Baka pwede kayong magsimula ng sarili ninyong version ng Corinthian Co-op diyan sa inyong kumpanya.

While spending is needed for a strong and healthy economy, ang sobrang paggastos ay hindi mabuti sa ating sariling bulsa. Borrow instead of buy. Make your own, instead of spending. Try giving, because what you sow, you will definitely reap at the right time. Konting preno sa paggastos at pagbili.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment