Wednesday, August 28, 2019

Passionate and Politeness

PROTIPS - August 29, 2019
by Maloi Malibiran-Salumbides

Is your passion causing you to step on other people's toes? Has your passion made you believe na ikaw lang ang tama at ang opinion ng iba ay mali? How can we be passionate about work and life without putting other people down?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Kapag passionate ka sa isang bagay o ideya, willing kang gawin ang lahat para ipagtanggol ito hindi ba? You will do anything and everything para mangyari ang gusto mo at pinaniniwalaan mo. But when what you are passionate about begins to cause division and creates disharmony in the workplace, kailangan mong prumeno muna at mag-isip-isip. Mayroon akong tatlong paalala para sa iyo ngayon.

1) Respect Differences. Maaaring ang gusto mo ay hindi naman gusto ng mga kasama mo sa opisina. Sports may be your passion, pero showbiz naman pala ang interest ng mga kasama mo. Huwag iisiping ang interest mo lamang ang mas mahalaga o mas magandang pag-usapan. Igalang mo ang gusto at paniniwala ng iyong mga kasama kahit pa hindi naman ito kapareho ng sa iyo. When you give time to listen to what other people are passionate about, tiyak akong kapag ikaw naman ang nagkwento ay makikinig din sila sa iyo. Respeto ang kailangan para hindi maging mitsa ng pag-aaway ang ating mga pagkakaiba.

2) Agree to Disagree. Kung hindi sang-ayon sa iyo ang ka-opisina mo, huwag mo namang i-unfriend kaagad. Kahit nga sa pamilya ay hindi naman iisa lamang ang opinyon. We can disagree with each other and still be friends. Paalala lamang na kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi ng kasama mo, maaari mo pa rin namang ipahayag ang iyong iniisip at pinaniniwalaan. You may have points of disagreement, pero hindi nangangahulugang dahil magka-iba kayo ng pananaw ay hindi na kayo pwedeng magsama sa trabaho. Mature people agree to disagree.

3) Partner Passion with Politeness. Huwag nating isa-isang tabi ang kabutihang asal para lang maisulong ang gusto natin. What is the point of proving that your opinion is better than others when at the end of the day, wala ng gustong maka-usap o makatrabaho ka? Stand for what you believe in and allow others to stand as well for what they are passionate about.

Respect differences, agree to disagree and partner passion with politeness. Tatlong paalala at sangkap ng maayos na samahan ng mga magkakatrabaho sa kanila ng iba't-ibang passion at paniniwalang pinanghahawakan ninyo.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment