Thursday, August 22, 2019

When You Make a Recommendation

PROTIPS - August 22, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kapag nanghingi sa iyo ng recommendation ang iba, ito man ay rekomendasyon kung saan masarap kumain, magandang mag-aral, masayang magbakasyon o kaya ay kung may mairerekomenda ka na mahusay na empleyado, ibig lamang sabihin ay nagtitiwala o mahalaga ang iyong opinyon para sa nagtatanong sa iyo. Pahalagahan mo ang tiwalang ito. Mayroon akong ilang tips sa pagbibigay ng recommendations.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Sa aklat na "Highly Recommended: Harnessing the Power of Word of Mouth and Social Media to Build Your Brand and Your Business" na isinulat ni Paul M. Rand, ipinakita na ang pinakamalaking impluwensiya sa pagtangkilik ng isang customer sa isang produkto ay ang positibong rekomendasyon ng isang kaibigan, kamag-anak o taong pinagkakatiwalaan. Kaya kapag may nanghingi sa iyo ng rekomendasyon, matuwa ka dahil may tiwala sila sa iyo. At the same time, pag-ingatan mo rin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at maingat na recommendation. And how do you do that?

1) Recommend what you know through first-hand experience. Ang magandang rekomendasyon ay yung base sa iyong magandang personal na karanasan. Masasabi mong talagang masarap ang pagkain sa isang restaurant dahil nakakain ka na doon. You will recommend someone for work dahil nakatrabaho mo na siya at naging mabuti ang karanasan mo sa kanya. You will be more credible kapag nagrecommend ka base sa kung ano ang naranasan mo na.

2) Recommend with caution and transparency. Kung tinanong ka kung may maire-recommend kang applicants para sa isang trabaho, ngunit hindi mo naman personal na kakilala ang mga irerekomenda mo, kailangang maging tapat ka sa limitasyon ng iyong rekomendasyon.

3) Do not recommend when in doubt. Kung talaga namang hindi karapat-dapat na irecommend ang isang tao na nagpapatulong sa iyo na maghanap ng trabaho dahil alam mong hindi siya akma para dito, hindi mo obligasyon na siya ay irekomenda. For every recommendation that you make, you are also putting at stake your own name and credibility. Kaya kung may duda ka rin lang, mas mabuti pang hindi mo na irekomenda.

Making recommendations can really be helpful if you do it right. Pwede rin namang maging sakit ito ng ulo, kung nagbigay ka ng maling rekomendasyon. Exercise good judgment, honesty and transparency when you make recommendations.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment