Sunday, June 30, 2019

Build Healthy Relationships at Work

PROTIPS - January 25, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides

Isa sa mahahalagang susi ng pagkakaroon ng masayang trabaho ay ang relationships na mayroon tayo sa opisina. Fostering camaraderie and harmony in the workplace is not just the responsibility of the HR department. Ito ay responsibilidad ng bawat isa at mahalagang gawin natin ang ating bahagi para ang ugnayan sa opisina ay maayos at masaya.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Tatlong grupo ng tao ang kailangang pangalagaan mo ang iyong ugnayan. Anu-ano ang mga ito?

1) Relationship with your superiors. Mahalagang magpakita ng suporta at paggalang sa iyong boss at mga taong nakatataas ang posisyon kaysa sa iyo. Hindi ka man palaging sang-ayon sa kanilang mga desisyon o style of leadership, ang respeto sa kanila ay di dapat mawala. Ugaliin mong ipanalangin ang iyong boss dahil hindi naman madali ang trabaho ng isang leader.

2) Relationship with your colleagues or peers. Alagaan mo rin ang iyong relationship sa iyong mga katrabaho at kasama sa team. Kayo ang magkakatuwang sa pag-abot ng inyong team goals at targets. Practice openness and honesty with one another. Huwag magsiraan, kundi magtulungan at magpalakasan. Make friends and not enemies among your peers.

3) Relationship with your clients and suppliers. Kung ikaw ay nasa sales, hindi lang ang makabenta ng iyong produkto o serbisyo ang trabaho mo. Selling is really about establishing good relationships with your customers. Karamihan ng mga suki natin sa negosyo ay mga taong naging kaibigan na rin natin. You know them by name and you understand their needs.

Build healthy relationships with your boss, your peers, your clients and suppliers. Ang mga ugnayang maingat na inalagaan, sa tamang panahon ay mamumunga ng higit pa sa iyong inaasahan.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment