Monday, August 12, 2019

Silence is a Better Choice

PROTIPS - August 13, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Isang guro ang madalas magpaalala sa kanyang mga estudyante ng ganito, "Children always modulate your voice when you speak and do not add to the din of this world." Masyado ng maraming ingay sa mundo. Kaya naman mahalagang-mahalaga na mayroon tayong panahon para manahimik at may kakayahan tayong tumahimik lalo na kung wala naman tayong magandang sasabihin. Silence is gold.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May tamang panahon para magsalita at may panahon din para manahimik. Ang sabi nga sa Ecclesiastes 3:7, There is "a time to tear and a time to mend, a time to be silent and a time to speak," Ilang beses ka bang nanghinayang at napaisip na mas mabuti na lang sana kung nanahimik ka sa isang sitwasyon?

Kailan nga ba mas mabuting manahimik na lamang?

1) Better to be silent than display your anger. Ang paalala sa James 1:19 ay ganito, "Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry". Kakambal ng galit ang mapanakit na pananalita. Kaya dapat ay marunong tayong magcontrol ng ating dila. Being able to control your tongue when you are angry is a sign of maturity and strength.

2) Better to be silent than display your ignorance. May mga taong napaghahalata na kapos o kulang ang kaalaman dahil sa kanilang mga sinasabi. Ang sabi sa Proverbs 17:27-28 "The one who has knowledge uses words with restraint, and whoever has understanding is even-tempered. Even fools are thought wise if they keep silent, and discerning if they hold their tongues."

3) Better to be silent than be sorry. Mas mabuting manahimik na lamang kaysa magsisi ka sa mga bibitiwan mong salita na hindi napigilan o pinag-isipan. Madalas sa kasagsagan ng ating mga emosyon, may mga nasasabi tayong masasakit na salita. Mahirap na itong bawiin kapag nasabi na. Kahit pa humingi ka ng tawad, ang mas mabuting option sana ay ang nanahimik ka na lamang sa simula't-simula pa. If you have to vent out strong emotions, cry out to God and don't lash out on people.

Kung magsasalita tayo, tiyakin natin na ang ating sasabihin ay maghahatid ng inspirasyon at pagpapala sa iba. Kung hindi ay piliin na lamang natin na manahimik kaysa makadagdag pa sa ingay ng mundo.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment