PROTIPS - July 10, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
"Konti na lang, Maloi, konti na lang. Kaya mo yan!" Naalala ko ang sabi ng aking duktor noong ipanganak ko ang aming panganay na si Bea. Sobrang sakit, sobrang hirap, pero hindi ako pwedeng mag-give-up sa kalagitnaan ng panganganak. Baka ganyan ang nararamdaman mo ngayon, gusto mo ng sumuko. Sobra ka ng nabibigatan at nahihirapan sa iyong pinagdadaanan sa trabaho. Tulad ng sinabi ng aming duktor, "Konti na lang, konti na lang, kaya mo yan!"
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Nakadalo ako sa isang retreat para sa mga mag-asawa. Nakamamangha ang kanilang mga istorya. Ang aakalain mong mauuwi sa hiwalayan dahil sa mabibigat na pagsubok at problema ay humantong sa mas matatag na pagsasama dahil pinili nilang magpatawad at hindi nila sinukuan ang isa't-isa. Don't give up now. Napakarami mo nang isinakripisyo, napakarami mo ng pinagdaanan para lamang mag-quit ngayon.
Bakit kailangan mong magpatuloy?
1) Because expertise is not achieved overnight, it is acquired over time. Maraming batikan na artist ngayon ang naabot ang kanilang narating dahil sila ay nagtiyagang hasain at pagbutihin ang kanilang talento. Ang mga ekspertong ating kinukunsulta sa medisina, batas at iba pang propesyon ay nag-aral ng maraming taon at patuloy na nag-aaral para maging dalubhasa sa kanilang larangan. Raw talent can only bring you to a certain level. Kailangang hasain mo ang iyong talento kung gusto mong maging eksperto.
2) Because your second wind is just waiting to happen. Sa takbuhan at marathon, may tinatawag na second wind. Yun bang, akala mo ay mauubos na ang lakas mo at matutumba ka na, pero kapag nagtuloy ka sa karera, may kakaibang lakas at energy kang mararamdaman na magdadala sa iyo sa finish line. Ito ang tinatawag na second wind ng mga atleta. Kung agad kang hihinto dahil nakaramdam ka ng pagod o hirap, hindi mo mararanasan ang iyong second wind.
3) Because God will sustain and carry you through. Maaaring ang lakas mo ay may hangganan, pero ang lakas at kapangyarihan ng Diyos ay pangmatagalan. When you are feeling low and tired in your work, call on God. Sa Kanya ka humingi ng panibagong lakas at sigla para magawa mo ang tama.
Today is not for giving-up. Konti na lang, konti na lang, kaya mo yan.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: Protips FB Page
No comments:
Post a Comment