Tuesday, August 6, 2019

Sow Love

PROTIPS-August 6, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Marami tayong naririnig at napapanood na mga balita tungkol sa karahasan. Hatred that manifested itself in violence. Marami ng mga pag-uusap ang ginagawa kung paano ito masusugpo. Ang sabi ni Martin Luther King Jr., "Darkness cannot drive out darkness; only light can do that. Hate cannot drive out hate; only love can do that." Ano nga ba ang pwede nating gawin para higit na lumaganap ang pag-ibig kaysa galit sa tahanan natin, sa opisina o sa ating lipunan? Magtanim tayo ng pag-ibig.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Let's sow love, one loving deed at a time. At mayroon akong simpleng mungkahi sa iyo na pwede mong simulang itanim ngayon, upang sa kinalaunan'y magbunga ito ng mas loving environment diyan sa trabaho mo.

1) Listen to understand. Maraming mapanakit na salita ang naririnig at minsa'y nabibitiwan natin dahil sa kakulangan ng pakikinig upang umunawa. If you practice listening first, to understand where others are coming from, mas mababawasan ang pagiging mapanghusga ng marami. Makinig ng may pang-unawa. Makinig hindi upang hanapin ang mali ng iba. Makinig ng may pag-ibig.

2) Act with kindness without expecting anything in return. Sa trabaho mo ngayon, gumawa ka ng mabuti, di dahil sa may bonus kapag nahigitan mo pa ang nire-require sa iyo ng kumpanya. Love always goes the extra mile. Magiliw mong ibibigay ang best mo para sa mga taong mahal mo. If you love your work at thankful ka sa trabahong ibinigay sa iyo ng Diyos, work and act with kindness to the people around you.

3) Receive God's love and pass it on. Ang sabi sa 1 John 4:19 ay ganito, "We love because He first loved us." Hindi mo maibibigay ang wala sa iyo. If you want to grow into becoming a more loving person, tanggapin mo muna ang pag-ibig na Diyos para sa iyo. God's "love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth." (1 Corinthians 13:4-6)

Magtanim ng pag-ibig araw-araw. Listen with understanding, act with kindness and pass on to others the love that you receive from God.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

No comments:

Post a Comment