PROTIPS - November 3, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Sa isang lecture na aking nadaluhan, ganito ang sinabi ni Dr. Melba Padilla-Maggay na hindi ko malilimutan, "Expectation disappoints but hope does not." Totoo nga naman na kapag napakarami nating expectations at hindi natupad ang mga ito, major disappointment ang mararamdaman natin. Pero kung wala tayong expectation at napakaganda ng nangyari, tuwang-tuwa tayo. Sa halip na magset ka ng expectations, ang mas mabuting gawin natin ay ang umasa. Hoping makes us believe that something good will happen even in bad situations. Expect less, hope more.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Isang experiment ang ginawa kung saan may mga pusa na inihagis sa malamig na malamig na tubig. Ang unang batch ay inihagis sa tubig at iniwan doon ng kalahating oras. Halos lahat ay muntik malunod dahil wala silang makapitang kahit ano upang lumutang. Ang pangalawang batch ay inihagis sa napakalamig na tubig, ngunit kada tatlong minuto ay inihahaon ang mga ito at saka ibabalik muli sa tubig. Nakatagal sa tubig ang ikalawang batch ng pusa ng mahigit sa kalahating araw. Ang kaibahan, natutong umasa ang mga ito na may sasagip sa kanila mula sa kanilang malamig na kinalalagyan. Hope keeps us going. How do you cultivate a hope-filled attitude in your life and work?
1) Soak yourself in materials that inspire and give hope. Magbasa, makinig at manood ka ng mga naghahatid ng inspirasyon at pag-asa. Kung araw-araw ang tututukan mo ay mga balita na nangyayari sa bansa at sa mundo natin, matatakot ka at panghihinaan ka ng loob. Sasabayan mo pa iyan ng mga telenobela na puno rin ng drama at problema pagkatapos magtataka ka kung bakit di ka mapagkatulog at palagi kan balisa. What you read, watch and listen will influence your thoughts and your emotions. Maging mapanuri sa mga babasahin, musika at panoorin na iyong tinatangkilik. Ang sabi nga sa Proverbs 4:23, "More than anything you guard, protect your mind, for life flows from it."
2) Surround yourself with hopeful people. May mga taong makasama at makausap mo lang ng ilang minuto, na-eencourage ka na at napupuno ng pag-asa. Mayroon namang mga taong pagkatapos mong kausapin ay pagod na pagod ang pakiramdam mo. Piliin mo ang mga taong iyong pakikinggan, paniniwalaan at sasamahan. Maganda ring itanong sa iyong sarili kung ang hatid mo ba ay pag-asa at inspirasyon sa ibang tao o ang kabaligtaran nito?
3) Seek hope from God. Ang sabi sa 1 Peter 1:3, "Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ! In his great mercy he has given us new birth into a living hope through the resurrection of Jesus Christ". Tanging sa Diyos natin matatagpuan ang buhay na pag-asa. Ang pag-asa na mayroon tayo kay Kristo ay hindi nakabase sa stability ng ekonomiya ng bansa natin o sa husay ng pamumuno ng mga leader ng inyong kumpanya. Ang pag-asa na mayroon tayo sa Diyos ay ayon sa Kanyang character na hindi pabago-bago. Ganito ang paglalarawan sa Hebrews 6:19 ng pag-asa na mayroon tayo kay Kristo, "We have this hope as an anchor for the soul, firm and secure."
Expect less from your company, from your family or from your country. Hope more in the Lord and what He can do for you and the lives of the people around you.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: https://www.facebook.com/ProtipsToday/posts/10153858093640248
No comments:
Post a Comment