Sunday, November 27, 2016

Dreams Do Come True


Protips – November 24, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

May mga pangarap ka ba para sa iyong buhay, trabaho o negosyo? Pangarap na hindi mo lang inaasam kundi talagang pinagsusumikapan at ipinapanalanging maabot? God-given dreams will be fulfilled in God's ways and in God's time.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Moses was 80 years old when God called him to lead the Israelites out of Egypt. Reluctant siya noong una, ngunit sumunod siya at pinangarap niyang makatungtong sa Promise Land kasama ang mga Israelita. Was his dream fulfilled? Sa Deuteronomy 3 ay ganito ang ating mababasa, sinabi ni Moses sa Diyos "Let me go over and see the good land beyond the Jordan—that fine hill country and Lebanon." at ang naging tugon sa kanya ng Diyos ay, “That is enough,” the Lord said. “Do not speak to me anymore about this matter...since you are not going to cross this Jordan. But commission Joshua, and encourage and strengthen him, for he will lead this people across and will cause them to inherit the land that you will see.” Ipinakita ng Diyos kay Moses ang lupang ipinangako Niya sa kanila. Ngunit dahil sa pagsuway ni Moses sa isang utos ng Diyos, hindi siya pinayagang makatungtong sa lupang pangako. You may look at it as a tragic ending but the story and the dream did not stop there. Sa Matthew 17, sa kwento ng transfiguation ni Jesus ay mababasa natin ito, "There he was transfigured before them. His face shone like the sun, and his clothes became as white as the light. Just then there appeared before them Moses and Elijah, talking with Jesus." The apostles of Jesus, saw Him standing on the mountain having a conversation with Moses and Elijah. Ang pangarap ni Moses na makarating sa Promise Land ay tila hindi natupad sa lifetime niya. Ngunit ito ay natupad sa timetable at kaparaanan ng Diyos. God-given dreams do come true in God's ways and in His time.

Tatlong paalala ang gusto kong ibahagi sa iyo ngayon tungkol sa pag-abot sa ating mga pangarap.

1) Commit your dreams and your plans to God. Ang sabi sa Proverbs 16:3 ay ganito, "Commit to the LORD whatever you do, and he will establish your plans." May kasabihan ngang kapag gumawa ka ng plano, lapis lang ang gamitin mong panulat para pwedeng burahin at baguhin ng Diyos. Kapag ibinigay mo sa Diyos ang mga pangarap mo, makaaasa kang, higit pa sa kaya mong planuhin at isipin ang kaya Niyang gawin.

2) Work hard to pursue your dreams. Ang pangarap na hindi nilalapatan ng gawa ay daydreaming lang. Kung seryoso ka sa mga pangarap mo, handa kang magsakripisyo at magtrabaho para matupad ito. You make adjustments in the way your use your time and resources so that your dreams will be fulfilled.

3) Your dream may be bigger than you. Isipin mo rin na may mga pangarap na sobrang laki kaya ang katuparan nito ay hindi natin lubos na makikita o mararanasan sa lifetime natin. Maaaring ang mga ginagawa mo ngayon ang siyang magiging pundasyon ng katuparan ng mga pangarap mo na bubuuin ng mga susunod sa iyo. Gaya halimbawa ni King David. It was his dream and desire to build a temple for God. But it was Solomon, his son who fulfilled it. Ngunit ginawa pa rin ni David ang lahat ng pwede niyang gawin upang ihanda para kay Solomon ang pagsasakatuparan ng pagbuo ng templo para sa Diyos.

Tandaan mo, ang pangarap na Diyos mismo ang naglagay sa puso mo ay mangyayari't mangyayari sa Kanyang paraan at panahon.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

=============================================================================

Original Post:

Overcome Your Fears

PROTIPS - Nov 23, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ano ang pumipigil sa iyo na abutin ang mga plano at pangarap mo? Marami ka pang gustong marating, marami ka pang gustong gawin, pero nauuhan ka ng takot at mga alalahanin. Maganda ang paalala sa Joshua 1:9, "Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go."

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Paano mo nga ba mapagtatagumpayan ang fears na pumipigil sa iyo na higit na magpursige at lumago?

1) Take your mind off your fears. Sa halip na isipin ng isipin ang iyong mga takot at alalahanin sa trabaho, o sa future ng negosyo mo, focus your thoughts on more productive and positive things. Malaking tulong ang pagbabasa ng Salita ng Diyos na puno ng pangako at paalala na magpapalakas ng iyong kalooban sa panahon na ikaw ay nanghihina.

2) Understand where your fears are coming from. Mabuting maunawaan mo kung ano nga ba ang pinanggagalingan ng iyong takot. Surrender the root of your fears to God.

3) Take tiny steps to overcome your fears. Ang takot na matagal mong dala-dala, minsan ay hindi agad nawawala. May kakilala akong takot magswimming dahil muntik na siyang malunod noong siya'y bata pa. Sa tuwing may outing ay sa gilid lang sya ng pool. Hanggang sumubok siyang gumamit ng kick board at salbabida. Ngayon ay mas kumportable na siya sa tubig at hindi na hanggang gutter na lamang sa swimning pool. Unti-untiin mong subukan na mapagtagumpayan ang iyong mga takot.

With God's help, you can overcome your fears.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

Plan Ahead

PROTIPS - November 22, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Mas maraming gawain ang matatapos natin kung mayroon tayong malinaw na plano. Hindi naman unlimited ang ating resources tulad ng pera, oras, pati na rin ang ating lakas kaya mabuti na tayo ay nagpaplano. Ang sabi nga ni Benjamin Franklin, "By failing to prepare, you are preparing to fail." Gusto mo ba ng mas productive at efficient na pagtatrabaho? Then make it a habit to plan ahead.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang sabi sa Proverbs 21:5, "The plans of the diligent lead surely to abundance, but everyone who is hasty comes only to poverty."


Mahalaga ang pagpaplano. Simulan na natin kung paano.

1) Make time for planning. Ang oras na ilalaan mo para magplano ay tiyak na makatutulong para higit kang maging produktibo. Imagine going on a long trip without knowing how to get to your destination. Siguradong maraming oras at gasolina ang masasayang sa pagkakaligaw. The same is true when you work without a plan. Tiyak a marami ang masasayang. A plan is like a map that will help navigate you through a productive day.

2) Commit your plans to God. Ang paalala nga sa atin sa Proverbs 16:9, "In their hearts humans plan their course, but the Lord establishes their steps." Mabuting humingi tayo ng katalinuhan at gabay sa Diyos sa paggawa natin ng mga plano. The best plans are those with God's stamp of approval.

3) Act on your plan. Ang mahusay na plano ay hindi nananatiling basa papel lamang. Sabi nga ng management guru na si Peter Drucker, "Plans are only good intentions unless they immediately degenerate into hard work." Isang sukatan ng magandang plano ay ang maayos na pagsasakatuparan nito.

Gawing bahagi ng araw mo ang pagpaplano. Maraming oras at lakas ang tiyak na matitipid mo. Make time to plan. Commit your plans to God. And act on your plan.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=============================================================================

Original Post:

Work As One

PROTIPS - November 21, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Sa ating mga trabaho at negosyo, mas marami tayong magagawa kung tayo ay nagkakaisa at nagkakasundo. Ang sabi sa Ecclesiastes 4:9-10, "Two are better than one because they have a good return for their work; if one falls down, his friend can help him up. Through one may be overpowered, two can defend themselves. A cord of three strands is not quickly broken." Mabuti ang nagkakaisa. But unity in our places of work requires hard work.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Madaling magkawatak-watak kapag pinasok na tayo ng inis, inggit at iringan. Paano nga ba natin maiiwasan ang mga ito para magkaroon ng pagkaka-isa sa ating opisina?

1) Respect differences.
Igalang at tanggapin natin ang ating pagkaka-iba. Alam naman nating ang unity ay hindi uniformity. Kaya kung magkaka-iba tayo ng pananaw o posisyon sa isang issue, igalang natin at matuto tayo sa bawat isa. Huwag nating ipilit ang opinion natin sa ating katrabaho kung di tayo magkatulad ng pananaw kasi tiyak na mag-aaway lang kayo. Let's respect our differences.

2) Resolve conflicts.
May conflicts na ayaw nating harapin at kilalanin. Takot tayo sa difficult conversations. Kaya maaaring sa labas ay tila magkakasundo tayo, pero may internal conflicts na patuloy na nagpapahina sa pagkaka-isa sa kumpanya. Denying that there is conflict and fleeing from conflict will not resolve anything. Para magkaisa kailangang pinag-uusapan at hindi tinatakasan ang problema.

3) Recognize your need for others. Mas marami tayong magagawa na magkakasama at nagkaka-isa kaysa kung mag-isa lamang tayo. Ang sabi ni Henry Ford, "Coming together is a beginning. Keeping together is progress. Working together is success."

Gusto mo ba ng pag-asenso sa trabaho mo o negosyo? Let's work as one.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


=================================================================================

Original Post:

Need More Strength?

PROTIPS – November 18, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Palagi ka bang pagod? Hindi pa man nagsisimula ang trabaho mo, pakiramdam mo ay wala ka ng lakas para harapin ang iyong mga nakatakdang gawain?
If it is strength that you need today, para sa iyo ang Protips natin ngayon.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.

May mga taong parang Energizer Bunny, they just keep going and going and going. Hindi sila nauubusan ng lakas, hindi sila nawawalan ng energy. Pero mas normal na nakararamdam tayo ng pagod lalo na kung marami tayong ginawa at mabigat ang trabahong hinarap natin. Pero paano kung sa simula pa lamang ng araw ay low-batt ka na at wala ng lakas? Where can you draw the strength that you need to work efficiently today? Mayroon akong tatlong tips para sa iyo.

Tip#1: Cut down on your activities. Tignan at suriin mong mabuti ang iyong schedule of activities. Ano ang mga gawaing pinaglalaanan mo ng lakas na pwede naman palang hindi mo gawin o lahukan? Sometimes we fill-up our calendar with so many things to do. They make us look busy, pero hindi naman tayo productive. Pagod lang tayo, pero hindi naman valuable ang mga pinagkaabalahan natin. Mayroon bang mga imbitasyon na pwede mong hindian? Mayroon bang mga gawain na dapat mong tanggihan. Maging matalino sa paggamit ng limitadong lakas. You cannot do everything, so just focus on a few things that are truly worthy of your energy and strength.

Tip#2: Build your stamina. Sa maraming pagkakataon, kulang sa sigla ang isang tao dahil kulang din siya sa lusog. Ang malusog na pangangatawan ay hindi agad-agad na napapagod at nagkakasakit. Baka kailangan mo ng ipasok sa iyong daily routine ang exercise, sapat na tulog at tamang diet? Kung gusto mong higit na maging productive sa trabaho, alagaan at palakasin ang iyong pangangatawan. May kaibigan akong broadcast executive na nagset ng personal goal na maging mas malusog sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Kahit gaano siyang kaabala sa trabaho, naglalaan siya ng tatlumpu hanggang isang oras sa paglalakad at pagtakbo araw-araw. Sa tuwing siya ay mayroong biyahe sa ibang bansa, baon pa rin niya ang kanyang running shoes upang hindi makaligtaan ang ehersisyo na kailangan at nakasanayan na niyang gawin. Kung dagdag na energy ang kailangan mo para sa iyong trabaho, establish a healthy routine of exercise, sufficient sleep and proper diet.

Tip#3: Pray and ask strength from God. The Apostle Paul was a very busy man. Kung pag-aaralan mo ang kanyang buhay at iisa-isahin ang kanyang mga ginawa at nilakbay para ibahagi ang Salita ng Diyos sa ibang tao, tiyak mapapagod ka sa dami ng kanyang ginawa. Ang sakit o "thorn in the flesh" na hiniling ni Pablo sa Diyos na tanggalin ay hindi naging hadlang para maging mabunga ang kanyang buhay at ministry. Ano ang kanyang sikreto? Mababasa natin iyan sa Philippians 4:13 kung saan sinabi niyang, "I can do all things through Christ who strengthens me." Our physical strength may be limited, but God's strength is limitless. Hingin mo sa Kanya ang lakas ng pangangatawan na kailangan mo.

If you need strength for the work and challenges which you will face today, tandaan at gawin ang Protips natin ngayon.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

============================================================================

Original Post:

Spend Wisely

PROTIPS - November 15, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Marami na naman ang tatanggap ng kanilang sweldo. Ang tanong ko, nag-improve ba ang iyong financial status ngayong 2016? Ang goals mo ba na makapagbayad ng utang, makapag-ipon o magsimulang mag-invest ay iyong naisakatuparan? Alam naman natin kung gaano kahirap kumita, kaya dapat matalino tayo sa paggasta. Ang American actor na si Will Rogers na sumikat noong 1930s ay may makatotohanang paglalarawan ng unwise spending. Ganito ang kanyang sinabi, "Too many people spend money they haven't earned, to buy things they don't want, to impress people they don't like." Ano nga ba ang matalinong paggastos ng ating pera?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

1) Wise spending does not result to huge debts. Kapag matalino kang gumastos, di ka dapat nagkakabaon-baon sa utang. Malinaw ang paalala sa Romans 13:8, "Let no debt remain outstanding, except the continuing debt to love one another". Stressful ang maraming utang kaya preno na sa paggamit ng iyong credit card lalo na kung marami ka pang balanseng hindi nababayaran. Subukan mong pagpahingahin muna ang credit card mo hanggang sa makabawas-bawas ka ng iyong mga bayarin. Tiyak na mapapayapa ka kapag nakalaya ka na sa iyong utang. Tandaan mo, ang matalinong paggastos ay hindi hahantong sa malaking pagkaka-utang.

2) Wise spending is investing in life change. May mga taong nag-iinvest sa stocks, bonds, property, art pieces o kaya ay jewelries para may maipamana sila sa kanilang mga anak at apo. Hindi naman masamang isipin at paghandaan ang kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay. Pero ang ganitong investments ay hindi naman talaga pangmataglan. Nasubukan mo na bang mag-invest sa buhay ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang pag-aaral? O kaya ay mag-invest at makibahagi sa adbokasiya na ang isinusulong ay pagbabago at pag-asenso ng mga komunidad? Ang magbigay ng ambag, para bumuti ang kalidad ng buhay ng ibang tao ay matalinong paggamit ng iyong kinita.

3) Wise spending is to glorify God in your financial life. Sa tuwing may bibilhin ka, subukan mong tanungin ang sarili mo kung magbibigay luwalhati ba sa Diyos ang iyong pagkakagastusan. Ang paalala sa atin ng 1 Corinthians 10:31 ay ganito, "So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God." Sa palagay ko, pati ang shopping ay kasama diyan. Maraming paalala ang Bibliya tungkol sa pananalapi. Nasusubok ang ating self-control, integridad at katapatan sa Diyos sa pamamagitan ng ating paggastos.

Are you a wise spender? Tandaan mo, wise spending does not result to huge debts. Wise spending is investing in life change. And wise spending is to glorify God in your financial life.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Making Hard Decisions

PROTIPS - November 16, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides


May mga desisyong simple at madaling gawin. Mga desisyon gaya ng ano ang breakfast mo, anong isusuot mo, o kaya ay ila-like mo ba ang picture na pinost ng officemate mo. Pero marami din naman ang desisyong mahirap gawin katulad ng ano ang kursong kukunin mo, sasagutin mo na ba ang nanliligaw sa iyo, magma-migrate ka ba sa ibang bansa o mananatili ka ba diyan sa trabaho mo gayung may mas magandang opportunity na dumating? Most difficult decisions have long-term impact in our lives kaya nga hindi ito madaling pagpasyahan. Araw-araw may mga desisyon kang kailangang gawin. Paano nga ba tayo makagagawa ng tama at matalinong pagpapasya lalo na sa mabibigat na isyu ng trabaho, negosyo at buhay natin?


Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.


May magandang paalala ang American clergyman na si Dr. Robert Schuller tungkol sa paggawa ng desisyon. Ang sabi niya, "Never cut a tree down in the wintertime. Never make a negative decision in the low time. Never make your most important decisions when you are in your worst moods. Wait. Be patient. The storm will pass. The spring will come." May mahalaga ka bang desisyon na kailangang gawin ngayon sa trabaho mo o negosyo? Pakinggang mo muna ang mga gabay na ito.


1) Think hard. Major decisions should never be made on a whim. Dapat itong pinag-iisipan ng mabuti. Pag-aralan mo ang iba't-ibang anggulo ng desisyon na kailangan mong gawin. Weigh the pros and cons. At hangga't maaari kumunsulta ka sa mga eksperto at may karanasan na sa pinagdaraanan mo. Ang mga desisyon na tiyak na may malaking epekto sa ibang tao ay dapat na pinag-uusapan at pinagkakasunduan. Halimbawa, ikaw ay pamilyadong tao at may plano kang magtrabaho sa ibang bansa. Hindi pwedeng ikaw lang ang magpasya tungkol dito. You need to think through this decision with you spouse and children because they will be affected by this kind of major decision. Huwag mong madaliin ang paggawa ng mabibigat at malalaking desisyon. Pag-isipan mo ito ng maka-ilang ulit.


2) Pray hard. Hindi mo naman kailangang magpasya ng nag-iisa. Ipanalangin mong mabuti ang iyong desisyon at hingin mo sa Diyos ang Kanyang gabay at karunungan para magawa mo ang tamang pasya. Ang sabi sa James 1:5, "If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you". God's Word is described as a lamp to our feet and a light to our path. Hindi ka mangangapa sa dilim sa iyong paggawa ng mahahalagang pasyahin kung ito'y iyong ipananalangin.


3) Don't be hard on yourself. May mga pagkakataong, pinag-isipan mo namang mabuti at iyong ipinanalangin ang isang desisyon pero bakit parang mali yata ang iyong naging pasya? Sa mga pagkakataong hindi ayon sa inaasahan mo ang naging resulta ng iyong desisyon, iwasan mong manisi ng ibang tao o ng sarili mo. Don't be too hard on yourself. Sa halip na sisihin ang sarili, pag-aralan kung saan ka nagkamali at matuto buhat dito. We should grow wiser with every decision that we make.


Gagawa ka ba ng mahirap at mahalagang desisyon ngayon? Think hard and pray hard. And in case your decision doesn't turn out well don't too be hard on yourself. Ang maling pasya ay pwedeng maging mahusay na guro para ikaw ay matuto at lumago.


BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: Protips FB Page

Turning Pressures to Treasures

PROTIPS - November 17, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Hindi mawawala ang pressure at stress sa ating trabaho. Baka ngayon ay naghahabol ka sa iyong targets sa opisina at nararamdaman mo na ang pressure dahil papatapos na ang taon at medyo malayo ka pa sa iyong quota. Times of intense pressure and stress can also be times when we mine great treasures in our lives.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ano nga ba ang treasures na pwede nating mahanap sa panahong nagdaraan tayo sa matinding pressure?

1) The treasure of true friendship. Higit mong nakikilala kung sino ang tunay mong kaibigan at ang mga taong may malasakit sa iyo kapag ikaw ay dumaraan sa problema. Kadalasan ay mahirap pakisamahan ang taong may pinagdaraanan. Kaya nga minsan ay pabiro nating nasasabi kapag may taong masungit, "Siguro matindi ang pinagdaraanan niya." Pero ang totoong kaibigan, good mood ka man o hindi, nariyan siya para damayan ka. Friendships and your ties with the people you love are treasures when you go through stressful times. Kaya kayamanang maituturing kapag nakasurvive sa matinding pressure ang ating mga ugnayan ng magkakaibigan.

2) The treasure of pushing your limits. Isa sa mahahalagang bunga ng pressure ay nahihigitan mo ang akala mo'y mga limitasyon mo noong una. Hindi ba sa panahong may sakuna, gaya ng sunog, yung akala mong hindi mo mabubuhat ay agad-agad mong nadala dahil pinataas ng isang stressful situation ang iyong adrenalin. Minsan ay naanyayahan akong magsalita sa isang seminar pero ilang araw bago ang event nagkasakot ako, napaos at nawalan ng boses. Dahil matagal ng naplano ang event, itinuloy pa rin ito. Sa tulong ng Diyos ay nakapagsalita pa rin ako. Ang akala kong hindi ko kaya, magagawa naman pala. If you don't cave in to pressure, you'll be able to push past your limits and accomplish your goals.

3) The treasure of strengthened faith. Ang sabi nga sa James 1:2-4 ay ganito, "Consider it pure joy, whenever you face trials of many kinds, because you know that the testing of your faith produces perseverance. Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything." Ang mga nagwowork-out ay dumaraan sa matinding training para higit na madevelop at kanilang muscles at lumakas ang kanilang stamina. Masakit ito sa katawan. Kung baguhan ka nga ay tiyak na mahihirapan kang kumilos pagkatapos ng una mong work-out. Pero sa ganyang paraan ay lumalakas at tumitibay ang iyong katawan. Ganoon din ang ating pananampalataya. Ang mga pagsubok na palagi namang stressful ay pagkakataong mapatatag ang ating kalooban at uganayan sa Diyos.

Maraming treasures sa pressures na iyong nararanasan - the treasure of true friendship, the treasure of pushing your limits and the treasure of strengthened faith. Problems and pressures can purify you as fire purifies gold. Ang sabi nga sa 1 Peter 1:7, "In this you greatly rejoice, though now for a little while you may have had to suffer various trials, so that the authenticity of your faith — more precious than gold, which perishes even though refined by fire —may result in praise, glory, and honor at the revelation of Jesus Christ." Ipagpasalamat mo ang pressure dahil mayroon din iyang dalang treasure.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Think Big

PROTIPS - November 14, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Alam mo bang isang Filipino game developer ang tumalo sa kasikatan ng game app na Pokemon Go? Ayon sa website ng Entrepreneur Philippines, noong nakaraang buwan ay naungusan ng larong Flippy Bottle Extreme ang mga sikat na game app na Temple Run 2, Pokemon Go at Color Switch bilang number 1 sa Google Play. Sa loob lamang ng sampung araw ay umabot na sa dalawang milyon ang downloads para sa Flippy Bottle Extreme para masungkit nito ang number 1 spot sa action at games categories ng mga digital games. At sino ang nasa likod ng matagumpay na larong ito? Ang 29-year-old game developer at CEO ng kumpanyang Most Played Games na si Derrick Alain Mapagu. No matter how big your competition is, no matter how big the challenge is, you have an equal chance of winning if you think BIG.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

David was very small compared to Goliath. Si Gideon at ang kanyang hukbo ng tatlong daang katao ay lumaban sa mga Midianites at Amalekites na inilarawan sa Bibliya bilang sindami ng locusts at ang kanilang kamelyo ay sindami ng buhangin sa dalampasigan. Sa mata ng tao, kung bilang at laki lamang ang pagbabasihan, walang kalaban-laban si David at Gideon ikumpara sa kanilang mga katunggali. Pero walang makatatalo sa may malaking pangitain sa buhay at malaking pananaw sa Diyos. In what ways should we think big?

1) Think big because you have a big God. Pwede kang magkaroon ng malawak na pangitain sa trabaho, negosyo at kinabukasan mo dahil mayroon tayong Diyos na makapangyarihan, tapat at mabuti. Walang kaparis at walang kapantay ang Diyos. His plans for you are good and the destiny that He has for each one of us is great. Kung mangangarap ka na rin lamang, lakihan mo na. Think and dream big because you have a big God.

2) Think big because God has blessed you with what you need. Huwag mong mamaliitin ang iyong sarili dahil sa mata ng Diyos ikaw ay mahalaga. He has blessed you with what you need to overcome the challenges that you are facing. Huwag mong maliitin ang iyong kakayahan dahil sa problemang iyong kinakaharap. Kung ikaw ay mayroong competition na sasalihan, hindi ka magfo-focus sa kung gaano kahusay ang kalaban mo. Ang pagtutuunan mo dapat ng pansin ay ang hasain pang higit ang kakayahan at kahusayan na taglay mo.

3) Think big and positive. Isa sa mga epekto ng problema sa atin ay pinalalaki nito ang suliranin na parang wala ka ng mahahanap na solusyon. Counter that way of thinking by being positive even in difficult times. Malaki ang maitutulong ng pagtuon sa salita ng Diyos lalo na kung may pinagdaraanan kang pagsubok. God's Word instructs, inspires and gives hope. God's Word should be the biggest influence in the way we think and conduct our lives.

Malaki ba ang mga hamon na iyong haharapin ngayon? Conquer those challenges by thinking BIG.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

How to Be Grateful and Contented

PROTIPS - November 11, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Nabilang mo na ba ang mga maaari mong ipagpasalamat sa iyong buhay at trabaho ngayon? Marami sa atin ang puno ng reklamo sa buhay na nakakaligtaan na nating magpasalamat sa mga biyaya na ating natatanggap. Maaring hindi ideal ang sitwasyong kinalalagyan mo ngayon. Maaaring ang pinaka-aasam mong trabaho ay naibigay sa iba. Maaaring ang matagal mo ng prayer item ay prayer item pa rin hanggang ngayon. Pero hindi binubura ng mga ito ang katotohanang marami ka pa ring dapat na ipagpasalamat sa buhay mo. Be grateful and contented.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang sabi ng Greek philosopher na si Socrates, “He who is not contented with what he has, would not be contented with what he would like to have.” Kung hindi tayo marunong makuntento sa kung ano ang mayroon tayo ngayon, ano nga ba ang garantiya na magiging kuntento na tayo sakaling mapasaatin na ang gusto natin? Kakambal ng contentment ang gratefulness. At papaano nga ba tayo magkakaroon ng pusong kuntento at mapagpasalamat?

1) Be intentional in counting your blessings. Bago ka magreklamo, magbilang ka muna ng limang pagpapala na dapat mong ipagpasalamat. Kapag nasanay ka sa pagbibilang ng magagandang bagay na nangyayari sa trabaho mo at negosyo, mababawasan ang iyong pagrereklamo at mapapansin mong higit kang magiging positibo sa iyong buhay. Di naman nangangahulugan na ipipikit mo na lamang ang mga mata mo sa hindi magagandang bagay na nangyayari sa iyong paligid. Mulat ka pa rin pero pipiliin mong mas hanapin at tutukan kung ano ang tama, mabuti at kapuri-puri. Maging kuntento at bilangin ang pagpapalang mayroon ka ngayon.

2) Be thankful at all times. Sa panahon ng kasalatan o kasaganahan, magpasalamat tayo. May kasabihang "necessity is the mother of invention", kapag kapos tayo nagiging maparaan tayo at nakaiisip ng creative solutions para mapunan ang ating pangangailangan. Maging ang kakapusan ay pwedeng maging pagpapala hindi ba? Marami sa mga kakilala kong matagumpay na ngayon sa kanilang negosyo ay ipinagpapasalamat ang kanilang mga payak na simula dahil ito ang naging dahilan kung bakit sila nagpursige sa buhay.

3) Focus on the character of God and not your current situation. Kapag nagfocus ka sa problema, kahit hindi naman ito kalakihan, lumalaki ito dahil dito ka nakatuon. Focus on who God is. Kapag tinignan mo ang sitwasyon mo sa liwanag at katotohanan Diyos, walang problemang napakalaki na di kayang ayusin ng Diyos. Problems are God's stage to demonstrate His limitless goodness, faithfulness and grace.

Piliin mong maging kuntento at mapagpasalamat anu man ang sitwasyon ng iyong trabaho o negosyo ngayon. Count your blessings, be thankful at all times and focus on who God is.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Thursday, November 17, 2016

Dealing with Disappointments

PROTIPS - November 10, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kapag mayroon kang inasahan at hindi ito nangyari, ano ang iyong mararamdaman? Unmet expectations almost always result to disappointments. Mayroong aplikante sa kumpanya ninyo na sa tingin mo ay mahusay at puno ng potential. Pero nang inyo ng i-hire, naku, ubod pala ng tamad. Mahusay lang magsalita pero kulang na kulang sa gawa. Disappointing hindi ba? How can we best deal with disappointments in our work and our lives?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Maraming pagkakataon, madidisappoint tayo sa tao, sa ating trabaho, at sa mga pangyayari sa paligid natin. And when this happens, it is always good to turn to God and His word to find hope and encouragement. If your plans and expectations didn't materialize as you wanted, know that there is a God-ordained purpose behind it. How should we handle disappointments?

1) Continue to trust. Ang sabi sa Jeremiah 29:11, "For I know the plans I have for you, declares the LORD, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope". Patuloy mong panghawakan ang Salita at pangako ng Diyos dahil kahit ano pa ang nangyayari sa paligid mo, tiyak na ang sinabi ng Diyos ay hindi magbabago. Disappointing events in your life and career do not mean a cancellation of God's good plans for you. Patuloy kang magtiwala.

2) Continue to hope. Kung may pagsubok ka ngayon diyan sa iyong trabaho, tignan mo ang problemang iyan bilang bahagi ng sinasabi sa Romans 8:28, "And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose." Hindi lamang ang magandang pangyayari sa trabaho at negosyo mo ang sakop ng kakayahan at kapangyarihan ng Diyos. Even the disappointing events in your life are within His control at kahit ang mga ito ay gagamitin ng Diyos para magbunga ng kaayusan, kabutihan at kagandahan sa takbo ng buhay mo.

3) Continue to pray. Kung nababagabag ka at puno ng pag-aalala ngayon, balikan mo ang sinasabi sa Philippians 4:6-7, "Do not be anxious about anything, but in everything by prayer and supplication with thanksgiving let your requests be made known to God. And the peace of God, which surpasses all understanding, will guard your hearts and your minds in Christ Jesus." Disappointments remind us of our need to depend on God and to call on Him. Maraming bagay sa buhay mo ang labas sa kaya mong i-control. But all these are within God's control. Kapag ikaw ay discouraged at disappointed sa Diyos lumapit. Sa Kanya tayo tumawag.

Continue to trust, continue to hope, continue to pray. People will disappoint us but God won't.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Wednesday, November 9, 2016

Agreeing to Disagree

PROTIPS - November 9, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Paano ka magre-respond sa mga taong may taliwas o ibang pananaw kaysa sa iyo? Igigiit mo ba ang kung ano ang sa iyo hanggang sa mabago mo ang kanilang opinion? Ipipilit na ang iniisip mo ang syang tama habang ang sa iba naman ay mali? Asahan mo na na sa iyong trabaho at negosyo ay may ma-e-encounter kang mga tao na hindi kagaya mo ang pananaw. Kahit nga galing kayo sa isang pamilya, minsan, kayo-kayo mismo ang nagdedebate hindi ba? There is beauty in diversity and this includes diversity and differences in the way we view issues and situations. Kaya nga sa opisina, minsan ay nagkakaroon tayo ng mga brainstorming session bilang pagkilala na walang iisang tao na may monopolya sa magandang ideya. Kaya nga mabuting magkasundo tayo na may mga panahon at pagkakataong hindi tayo magkakasundo. Let us agree to disagree.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

How can we agree to disagree and still maintain harmony in our places of work?

1) Respect other people's feelings and opinions. Para hindi mauwi sa mainit na debate o pagtatalo ang malayang pagpapalitan ng pananaw diyan sa opisina ninyo, igalang natin ang nararamdaman at opinion ng isa't isa. Tandaan mong ang paggalang ay di naman palaging pagsang-ayon. Maaaring hindi ka sang-ayon sa boss mo, pero patuloy mo siyang igagalang pati na ang kanyang posisyon. Isa pang expression ng respect ay ang bigyang kalayaan at panahon ang iba na harapin ang nararamdaman nila. Halimbawa may ka-opisina kang malungkot at umiiyak dahil may pinagdaraanan siya. Respetuhin natin ang kanyang panahon ng pagluha. Iwasan nating idikta o ipilit kung ano ang dapat na maging pakiramdam o pananaw ng ibang tao sa isang issue o sitwasyon. Fights and disputes may be avoided even in disagreements, if we respect one another.

2) Listen and learn from others. Nahahasa ang ating paraan ng pag-iisip kung marunong tayong makinig at bukas tayong matuto sa isa't-isa. Karamihan sa mga produktong ginagamit natin ngayon ay bunga ng iba't-ibang ideya ng iba't-ibang tao who agreed to disagree. Hindi nagkasundo sina Steve Jobs at Bill Gates tungkol sa open at closed system sa computer. Kaya ngayon pwede tayong mamili kung Apple o Microsoft ang gagamitin natin. If we encourage diversity in the way we think and view things, mas marami tayong matutuklasan at mas lalawak ang pananaw natin sa ating buhay, trabaho at negosyo.

3) Stick to the issue and try not to get personal. Kung may hindi kayo pagkakasunduan sa isyu na may kaugnayan sa inyong trabaho, tiyakin ninyong hanggang trabaho lang at hindi mauuwi sa personal ang inyong usapan o pagtatalo. Totoong mahirap itong gawin dahil personal para sa marami ang kanilang mga ideya at opinion. Agreeing to disagree and still maintain harmony in your place of work takes maturity.

Respeto, pakikinig sa isa't-isa at ang disiplinang tumutok lamang sa isyu ay ilan sa pwede nating gawin para mapanatili ang maayos na ugnayan at working relationship kahit na hindi sa lahat ng oras ay pareho ang ating pananaw at opinion. Agree ba tayo diyan?

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Tuesday, November 8, 2016

Meant to be Shared

PROTIPS - November 8, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Ang magandang balita, dapat ipinaaalam. Ang saganang biyaya, dapat ibinabahagi. Ang talento at kakayahan na mayroon ka di dapat sinasarili kundi ipinapakita. You may have the best singing voice in the world, pero kung hanggang sa banyo ka lang kumakanta, paano mapagpapala ang iba sa talentong mayroon ka. When God entrusts you with knowledge, abilities and talents, share them with others.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ang tagal mo ng nangangarap ng pag-asenso sa buhay pero hindi mo naman ginagamit ang kakayahang ibinigay sa iyo ng Diyos. Anuman ang kaya mong gawin ngayon ang puhunan na maaari mong pagsimulan para kumita at higit na lumago. Mayroon akong kakilalang mahusay na artist. Noong nagsisimula pa lamang siya, para kumita ay magpupunta siya sa park o mall, may dalang sketch pad at lapis. At aalukin niya ang mga tao doon na iguguhit nila ang kanilang protrait o kung anu man ang nais nilang ipaguhit for a very minimal fee. Ganito siya nagsimula hanggang sa lalong mahasa ang kanyang husay sa pagguhit.

What do you do with the talents and abilities given to you by God?

1) Use them. Una sa lahat, kailangan mong alamin at gamitin kung ano ang kakayahan at talentong mayroon ka. May mga taong marunong palang magsulat, gumuhit, sumayaw, magluto o magnegosyo. Pero hindi pa nila natutuklusan na mayroon pala silang kakayahang ganito. Kaya nga sumubok ka ng sumubok ng iba't-ibang gawain hanggang sa malaman mo ang husay at galing mo. People will confirm and affirm the talents and abilities that you have. Bago mo sabihing hindi mo kaya o hindi ka magaling sa isang gawain, subukan mo muna. Baka mayroon kang hidden talent na naghihintay lamang na madiskubre.

2) Share them. Kapag marami na ang nagsasabi sa iyo na maganda ang boses mo, masarap kang magluto o kaya ay mahusay kang magsulat, patuloy mong gamitin at ibahagi ang iyong mga talento sa iba. When God gives you an ability or a gift, remember that it is not just for you to enjoy. These are meant to be shared with others. Maaaring sa simula ay kulang ka pa sa confidence kaya nenerbiyusin ka pa o mangangapa ka pa. Pero habang mas lalo mong ibinabahagi ang talento mo sa iba, mas higit itong nahahasa. Mas lalo itong, napagyayayaman.

3) Bless others through your talents. Ang sabi nga, "You are blessed to be a blessing." Bawat tao ay biniyayan ng Diyos ng kakayahan at talento. Ito ay para maging pagpapala tayo sa isa't-isa. Putting our talents into good use is the best "thank you" that we could give God who has blessed us with every perfect gift.

You've got talent? Use them, share them and bless others through the gifts and abilities God entrusted to you.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: Protips FB page

Fight Off Laziness


PROTIPS - November 7, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Isang Protips reader ang nagtanong ng ganito, "Ano po ba ang dapat gawin para huwag tamarin sa pagkilos?". Totoo namang paminsan-minsan ay inaatake tayo ng katamaran. Ayaw mong kumilos, gusto mo ay mag-in-in pa sa kama na parang inahing manok na nag-i-in-in ng mga itlog. Ayaw mong pumasok sa opisina, nag-iisip ka kung anonamang sakit ang gagawin mong excuse ngayon dahil madalas mo ng dahilan ang migraine, dysmenorrhea, diarrhea at kung anu-ano pa. Ano nga ba ang dapat gawin kapag tinatamad kang kumilos at gawin ang iyong mga responsibilidad sa trabaho?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Dahil isang world title na naman ang napanalunan ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao laban kay Jesse Vargas, narito ang aking recommended winning punches to fight off laziness when it sets in.

1) Stand up and walk around. Mabisang panlaban sa katamaran ang tumayo at kumilos. Kapag nagcirculate na ng maayos ang iyong dugo at nadagdagan na ng oxygen ang iyong katawan, yung pananamlay mo ay mapapalitan ng ibayong sigla para magtrabaho. If you feel lethargic in the office, take a short break and walk around. Ang importante ay hindi ka mag-give in sa katamarang iyong nararamdaman lalo na't simula pa lamang ito ng panibagong work week. Labanan ito at pagtagumpayan.

2) Think of the opportunities you'll miss. Ang sabi sa Proverbs 20:4 "The sluggard does not plow after the autumn, so he begs during the harvest and has nothing." Kapag pinalampas natin ang pagkakataong gumawa at magtrabaho, pinakakawalan din natin ang pagkakataong kumita at lumago pa ang ating career at negosyo. Work presents us with many opportunities to earn, learn and grow. Kung katamaran ang paiiralin mo, huwag kang umasa na may aanihin ka.

3) Be inspired by the diligence and hard work of others. Halos lahat ng naging matakumpay sa kanilang career at business ay nagpakita ng ibayong kasipagan at pagpupursige. Wala akong alam na umasenso dahil sa katamaran. Mayroong ipinanganak ng mayaman pero naghirap dahil tamad. Pero may mga laki sa hirap na nagsipag at nagpursige kaya umasenso ang buhay. Ang sabi sa Proverbs 12:24, "The hand of the diligent will rule, But the slack hand will be put to forced labor."

Ibinigay sa iyo ng Diyos ang araw na ito para ikaw ay maging mabunga sa paggawa. Fight off laziness. Sa halip na sabihin mong, "tinatamad ako" palitan mo na iyan ng "handang-handa na akong kumilos at umasenso."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: 
Protips FB page

Friday, November 4, 2016

The Prize of Perseverance

PROTIPS - November 4, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Makasaysayan ang pagkapanalo ng Chicago Cubs sa World Series kahapon. Ito kasi ang unang beses na sila ay nagchampion sa baseball pagkatapos ng 108 taon! Binigyan nila ng panibagong sigla ang kasabihang, try and try until you succeed. Imagine, mahigit sa isang siglo ang ginawang pagpupursige at paghihintay ng koponang ito bago nila nakamit ang pinakamimithing kampeonato. That is the prize of perseverance. Such is the reward of not giving up.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Kung ikaw ay nasa puntong gusto mo ng sumuko sa trabaho mo, sa pag-abot sa iyong goal, o pagtupad ng pangarap mo, sana ay makakuha ka ng lakas ng loob at inspirasyon sa never-give-up attitude ng Chicago Cubs. Higit pa diyan, maging encouragement din sa iyo ang mga paalalang ito tungkol sa paghihintay at pagpupursige.

1) Those who persevere will reap a harvest. May nakita ka na bang nagtanim ngayon tapos bukas ay aani na kaagad? Wala hindi ba. Dahil kailangan mo talagang maghintay bago tumubo, lumago at mamunga ang mga binhi na iyong itinanim. Kaya huwag mo ring madaliin ang pag-ani ng yaman o tagumpay. Isipin mo na lang na ang pagpupursige mo sa iyong trabaho o negosyo ngayon ay pagtatanim ng mga binhi ng tagumpay at pag-asenso sa buhay. Ang sabi sa Galatians 6:9, "Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up."

2) Hope is realized by those who are diligent. Ang pag-asa dapat ay sinasabayan natin ng pagtitiyaga at kasipagan. Umaasa ka nga pero wala ka namang ginagawa, sa palagay mo ba ay mangyayari ang iyong inaasahan? Magandang ang iyong pag-asa ang magtulak sa iyo na patuloy na gumawa at magtrabaho hanggang sa maabot mo ang iyong career goals. Sa Hebrews 6:11 ay ganito ang sinasabi, "We want each of you to show this same diligence to the very end, so that what you hope for may be fully realized." 

3) Victory is for those who stand firm. Bahagi ng perseverance ay ang katatagan na magpatuloy kahit ika'y nahihirapan. Di ka nagpapatangay sa kung ano ang uso o ginagawa ng mas nakararami. You stand firm for what is true and right. Gaya ng paalala sa John 21:19, "Stand firm, and you will win life."

May gantimpalang naghihintay para sa mga nagpupursige sa buhay. Ang basketball team na Ginebra, walong taong tinukso na palagi na lamang talunan. Pero ngayong taong ito, sila ang nagwagi ng kampeonato. Ang Chicago Cubs, 108 taong nagpursige kaya naman lubos ang saya ng mga sumuporta at naniwala sa kanila ngayong sila ay nagwagi na. Susuko ka na ba? Huwag muna.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!


Source: https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10153858150040248

Expect Less, Hope More

PROTIPS - November 3, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Sa isang lecture na aking nadaluhan, ganito ang sinabi ni Dr. Melba Padilla-Maggay na hindi ko malilimutan, "Expectation disappoints but hope does not." Totoo nga naman na kapag napakarami nating expectations at hindi natupad ang mga ito, major disappointment ang mararamdaman natin. Pero kung wala tayong expectation at napakaganda ng nangyari, tuwang-tuwa tayo. Sa halip na magset ka ng expectations, ang mas mabuting gawin natin ay ang umasa. Hoping makes us believe that something good will happen even in bad situations. Expect less, hope more.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Isang experiment ang ginawa kung saan may mga pusa na inihagis sa malamig na malamig na tubig. Ang unang batch ay inihagis sa tubig at iniwan doon ng kalahating oras. Halos lahat ay muntik malunod dahil wala silang makapitang kahit ano upang lumutang. Ang pangalawang batch ay inihagis sa napakalamig na tubig, ngunit kada tatlong minuto ay inihahaon ang mga ito at saka ibabalik muli sa tubig. Nakatagal sa tubig ang ikalawang batch ng pusa ng mahigit sa kalahating araw. Ang kaibahan, natutong umasa ang mga ito na may sasagip sa kanila mula sa kanilang malamig na kinalalagyan. Hope keeps us going. How do you cultivate a hope-filled attitude in your life and work?

1) Soak yourself in materials that inspire and give hope. Magbasa, makinig at manood ka ng mga naghahatid ng inspirasyon at pag-asa. Kung araw-araw ang tututukan mo ay mga balita na nangyayari sa bansa at sa mundo natin, matatakot ka at panghihinaan ka ng loob. Sasabayan mo pa iyan ng mga telenobela na puno rin ng drama at problema pagkatapos magtataka ka kung bakit di ka mapagkatulog at palagi kan balisa. What you read, watch and listen will influence your thoughts and your emotions. Maging mapanuri sa mga babasahin, musika at panoorin na iyong tinatangkilik. Ang sabi nga sa Proverbs 4:23, "More than anything you guard, protect your mind, for life flows from it."

2) Surround yourself with hopeful people. May mga taong makasama at makausap mo lang ng ilang minuto, na-eencourage ka na at napupuno ng pag-asa. Mayroon namang mga taong pagkatapos mong kausapin ay pagod na pagod ang pakiramdam mo. Piliin mo ang mga taong iyong pakikinggan, paniniwalaan at sasamahan. Maganda ring itanong sa iyong sarili kung ang hatid mo ba ay pag-asa at inspirasyon sa ibang tao o ang kabaligtaran nito?

3) Seek hope from God. Ang sabi sa 1 Peter 1:3, "Praise be to the God and Father of our Lord Jesus Christ! In his great mercy he has given us new birth into a living hope through the resurrection of Jesus Christ". Tanging sa Diyos natin matatagpuan ang buhay na pag-asa. Ang pag-asa na mayroon tayo kay Kristo ay hindi nakabase sa stability ng ekonomiya ng bansa natin o sa husay ng pamumuno ng mga leader ng inyong kumpanya. Ang pag-asa na mayroon tayo sa Diyos ay ayon sa Kanyang character na hindi pabago-bago. Ganito ang paglalarawan sa Hebrews 6:19 ng pag-asa na mayroon tayo kay Kristo, "We have this hope as an anchor for the soul, firm and secure."

Expect less from your company, from your family or from your country. Hope more in the Lord and what He can do for you and the lives of the people around you.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: https://www.facebook.com/ProtipsToday/posts/10153858093640248

Wednesday, November 2, 2016

Maximizing Your Time

PROTIPS - November 2, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Maikli lamang ang work week na ito para sa maraming nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Ang iba nga ay dinirederetso na ang bakasyon. Pero ang karamihan ay magbabalik opisina ngayon.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Ayon sa ilang pananaliksik, mas productive ang mga tao bago sila magbakasyon kaysa pagkatapos magbakasyon. Bago ka kasi magbakasyon titiyakin mong tapos ang trabaho mo para hindi ka hahabulin nito habang ikaw ay nagsasaya at nagpapahinga. Samantalang pagkatapos ng bakasyon, karamihan ay pagod pa at ang momentum sa pagtatrabaho ay unti-unti pa lamang nanunumbalik.

How do you maximize the time that you have at work this week?

1) Start early. Dahil nga ilang araw ka ding hindi nakapasok at ilang araw na lang naman ang ipagtatrabaho mo ngayong linggong ito, pumasok ka ng mas maaga kaysa sa nakasanayan mong oras ng pagpasok. Starting early at work will help you gain the needed momentum after a long break. Mas maaga, mas iwas traffic. Mas maaga kang papasok sa trabaho, magiging mas maganda ang simula ng araw mo dahil hindi ka harassed sa pagmamadali.

2) Start your day with the right mindset. Sa halip na isipin mong, "Hay tapos na ang bakasyon, balik trabaho na naman ako" ang dapat mong sabihin ay "Wow, nakapagbakasyon ako at may babalikan akong trabaho. Thank you, Lord." Hindi parusa ang trabaho mo kundi pagpapalang dapat ipagpasalamat.

3) Start to plunge-in your work as soon as you reach the office. Trabaho na kaagad at mamaya na ang kwentuhan tungkol sa iyong bakasyon. Tiyak namang nakita na ng mga kaibigan at kaopisina mo ang mga pictures na iyong nai-post sa Facebook at Instagram. Now is the time to focus back on your work.

May oras para magbakasyon at may oras para magtrabaho. Ipinagpapasalamat natin sa Diyos ang ilang araw na bakasyon na ating naranasan. Ngayon magpasalamat tayo sa trabahong ating babalikan sa pamamagitan ng pagsisimula ng maaga, pagkakaroon ng tamang pananaw sa trabaho natin at pagtatrabaho ng ubod husay at ubod sigla. Ang sabi nga sa Colossians 3:23, "Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord".

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10153853106755248

Pursue Your Dreams

PROTIPS - November 1, 2016
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kumusta naman ang inyong long weekend sa Pilipinas? Na-enjoy niyo ba ang pagkakataong makapag-bakasyon at makasama ang mga mahal ninyo sa buhay. Nabigyan tayo ng pagkakataong alalahanin ang mga kaanak na namayapa na. Pero hindi lang buhay ng tao ang may hangganan. Maybe you've also experienced the death of a dream, a calling or a passion? Huwag mong hayaang patayin ng takot, personal limitations o pagdududa sa sarili ang mga pangarap mo. Pursue your dreams and start today.


Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May kaibigan akong pangarap na makapaglakbay sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas maging sa ibang bansa. Sa loob ng mahigit dalawa't kalahating dekada kinalimutan nya ang pangarap na Ito. Inuna niya ang matustusan ang pangangailangan ng mga kapatid at magulang niya. But after many years the Lord revived the dream and desire of this friend to travel. Ngayon ay tinutupad na niya ang pangarap na Ito.

There is a time to work for your dreams. And there is a time to live your dreams. Paano nga ba sisimulan na buhayin ang mga pangarap na nilimot na natin? Tandaan mo ang mga paalalang Ito:

1) God's timing is different from our own time table. Kapag hindi nangyari ang gusto mo ayon sa oras na gusto mo Hindi nangangahulugan na Hindi na Ito mangyayari. If your dream is a God-given dream, it will happen according to His perfect time. Kaya Huwag agad susuko. Maghintay lang at patuloy kang magtiwala.

2) Big dreams require bigger determination. Ang pagkaantala ng katuparan ng pangarap ay isang pagpapala dahil sinusubok nito kung gaano ka kapursigido na paghirapan at abutin ang pangarap mo. Ang laki ng pangarap ng isang tao ay nasusukat sa kanyang determination na matupad ito.

3) Dream big, work hard. Ang pangarap na hindi pinagsusumikapan ay mananatiling panaginip lang. You want your dream job, dream business, dream house or dream vacation to come true? Mangarap ng malaki at mag trabaho ng maigi.

May mga pangarap na Hindi mawala-Wala dahil Diyos ang naglagay nito sa ating puso. Pursue your dream. Be determined, work hard and trust in God's timing.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: https://www.facebook.com/ProtipsToday/photos/a.342427485247.162636.167595920247/10153851803845248