Thursday, August 29, 2019

Find the Good In Every Day

PROTIPS - August 30, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

May nagsabing, "Every day may not be good, but there is something good in every day."

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Maaaring hindi ayon sa iyong mga plano ang nangyari sa isang araw. Maaaring may hindi magandang karanasang nangyari sa iyong trabaho o negosyo, pero hindi naman nangangahulugang ang araw na iyon ay ubod na ng palpak hindi ba? If you choose to open your eyes, you'll still find something good in every day. Hindi ka man perperkto, hindi man perpekto ang araw o ang trabaho mo, ang hamon ko sa iyo ngayon, find the good in every day. Paano?

1) Be thankful for the highs and don't just focus on the lows of the days. Sa bawat magandang karanasan na darating sa buhay mo ngayon, magpasalamat ka sa Diyos at sa mga taong ginamit Niya upang magkaroon ng maayos at magandang bahagi ang araw mo. Ang sabi nga sa Psalm 136:1, "Give thanks to the Lord for He is good. His love endures forever." For sure, there is something good in your day that you can thank the Lord for dahil hindi naman nagmamaliw ang Kanyang kabutihan.

2) Find the good in people and stop counting their flaws and mistakes. Minsan, nagiging parang ubod ng miserable ng araw natin dahin ang palagi nating tinitignan ay ang kapintasan ng ating mga kasama. Yun ang ikaw nakikita dahil ayaw mong bigyan ng oras ang pagtuklas sa strengths at kabutihan ng mga tao sa iyong paligid. Find the good in people and help bring out the best in them.

3) Be the good in someone's day today. Kung nais mong magkaroon ng magandang karanasan ngayon, be good and show kindness to someone today. Doing good to someone always pays off. Nakatulong ka na, nasiyahan ka pa. Ang sabi nga, kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo ang pagbabagong hangad mo.

Hindi man ideal o perpekto ang babalikan mong trabaho ngayon, tiyak akong something good is waiting for you in your place of work. Be thankful for the highs of your day; find the good in people and be that dose of goodness that will bring a smile to someone.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Wednesday, August 28, 2019

Passionate and Politeness

PROTIPS - August 29, 2019
by Maloi Malibiran-Salumbides

Is your passion causing you to step on other people's toes? Has your passion made you believe na ikaw lang ang tama at ang opinion ng iba ay mali? How can we be passionate about work and life without putting other people down?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Kapag passionate ka sa isang bagay o ideya, willing kang gawin ang lahat para ipagtanggol ito hindi ba? You will do anything and everything para mangyari ang gusto mo at pinaniniwalaan mo. But when what you are passionate about begins to cause division and creates disharmony in the workplace, kailangan mong prumeno muna at mag-isip-isip. Mayroon akong tatlong paalala para sa iyo ngayon.

1) Respect Differences. Maaaring ang gusto mo ay hindi naman gusto ng mga kasama mo sa opisina. Sports may be your passion, pero showbiz naman pala ang interest ng mga kasama mo. Huwag iisiping ang interest mo lamang ang mas mahalaga o mas magandang pag-usapan. Igalang mo ang gusto at paniniwala ng iyong mga kasama kahit pa hindi naman ito kapareho ng sa iyo. When you give time to listen to what other people are passionate about, tiyak akong kapag ikaw naman ang nagkwento ay makikinig din sila sa iyo. Respeto ang kailangan para hindi maging mitsa ng pag-aaway ang ating mga pagkakaiba.

2) Agree to Disagree. Kung hindi sang-ayon sa iyo ang ka-opisina mo, huwag mo namang i-unfriend kaagad. Kahit nga sa pamilya ay hindi naman iisa lamang ang opinyon. We can disagree with each other and still be friends. Paalala lamang na kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi ng kasama mo, maaari mo pa rin namang ipahayag ang iyong iniisip at pinaniniwalaan. You may have points of disagreement, pero hindi nangangahulugang dahil magka-iba kayo ng pananaw ay hindi na kayo pwedeng magsama sa trabaho. Mature people agree to disagree.

3) Partner Passion with Politeness. Huwag nating isa-isang tabi ang kabutihang asal para lang maisulong ang gusto natin. What is the point of proving that your opinion is better than others when at the end of the day, wala ng gustong maka-usap o makatrabaho ka? Stand for what you believe in and allow others to stand as well for what they are passionate about.

Respect differences, agree to disagree and partner passion with politeness. Tatlong paalala at sangkap ng maayos na samahan ng mga magkakatrabaho sa kanila ng iba't-ibang passion at paniniwalang pinanghahawakan ninyo.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Thursday, August 22, 2019

When You Make a Recommendation

PROTIPS - August 22, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kapag nanghingi sa iyo ng recommendation ang iba, ito man ay rekomendasyon kung saan masarap kumain, magandang mag-aral, masayang magbakasyon o kaya ay kung may mairerekomenda ka na mahusay na empleyado, ibig lamang sabihin ay nagtitiwala o mahalaga ang iyong opinyon para sa nagtatanong sa iyo. Pahalagahan mo ang tiwalang ito. Mayroon akong ilang tips sa pagbibigay ng recommendations.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Sa aklat na "Highly Recommended: Harnessing the Power of Word of Mouth and Social Media to Build Your Brand and Your Business" na isinulat ni Paul M. Rand, ipinakita na ang pinakamalaking impluwensiya sa pagtangkilik ng isang customer sa isang produkto ay ang positibong rekomendasyon ng isang kaibigan, kamag-anak o taong pinagkakatiwalaan. Kaya kapag may nanghingi sa iyo ng rekomendasyon, matuwa ka dahil may tiwala sila sa iyo. At the same time, pag-ingatan mo rin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at maingat na recommendation. And how do you do that?

1) Recommend what you know through first-hand experience. Ang magandang rekomendasyon ay yung base sa iyong magandang personal na karanasan. Masasabi mong talagang masarap ang pagkain sa isang restaurant dahil nakakain ka na doon. You will recommend someone for work dahil nakatrabaho mo na siya at naging mabuti ang karanasan mo sa kanya. You will be more credible kapag nagrecommend ka base sa kung ano ang naranasan mo na.

2) Recommend with caution and transparency. Kung tinanong ka kung may maire-recommend kang applicants para sa isang trabaho, ngunit hindi mo naman personal na kakilala ang mga irerekomenda mo, kailangang maging tapat ka sa limitasyon ng iyong rekomendasyon.

3) Do not recommend when in doubt. Kung talaga namang hindi karapat-dapat na irecommend ang isang tao na nagpapatulong sa iyo na maghanap ng trabaho dahil alam mong hindi siya akma para dito, hindi mo obligasyon na siya ay irekomenda. For every recommendation that you make, you are also putting at stake your own name and credibility. Kaya kung may duda ka rin lang, mas mabuti pang hindi mo na irekomenda.

Making recommendations can really be helpful if you do it right. Pwede rin namang maging sakit ito ng ulo, kung nagbigay ka ng maling rekomendasyon. Exercise good judgment, honesty and transparency when you make recommendations.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Wednesday, August 21, 2019

Alternatives to Buying

PROTIPS - August 20, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Palagi ka bang kinakapos at di mo mapagkasya ang iyong sweldo? Isa sa dahilan kung bakit nagkukulang ang ating kita ay ang sobra-sobrang paggasta. Bili dito, bili doon. Kahit hindi kailangan, dahil sale naman, bibilhin kapag naibigan. Ang katwiran, zero interest naman, kaya ok lang na umutang. Pero ok nga ba talaga? Pagkatapos magshopping, di alam kung saan na itatabi ang mga napamili dahil wala ng mapaglagyan. Kaya bibili na naman ng cabinet, shelf at iba pang sisidlan. Kapos na sa pera, kapos pa sa espasyo. Paano nga ba mahihinto ang crazy cycle na ito?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Merong mga alternatibo sa paggastos at pagbili. Hindi mo kailangang palaging maglabas ng pera o gumamit ng credit card. Let me share with you 3 alternatives to buying.

1) Instead of buying, just borrow. Sa halip na bumili, manghiram. Hindi mangutang ha. Halimbawa, kung pabili ng pabili ng libro ang anak mo lalo na kung may book fair o book sale sa kanilang eskwelahan, sa halip na gumastos, why not encourage your child to borrow from the library. Iba’t-ibang aklat ang maaari niyang mabasa ng hindi gumagastos. Mayroon akong kakilala, noong ikinasal siya, sa halip na bumili ng sariling wedding gown, nanghiram na lang sa kaibigan. Sikat na couturier pa ang gumawa ng gown na nahiram niya. Practical hindi ba?

2) Instead of buying, make your own. Isa sa top expenses ng isang nagtatrabaho ay ang pagkain sa labas. Dining out costs a lot. Ang halaga ng anim na pirasong hipon sa isang restaurant ay katumbas na ng mahigit sa kalahating kilong hipon na iyong bibilhin at lulutuin sa bahay. Malaki ang matitipid mo kung magbabaon ka. Ano ang mga pinagpaplanuhan mong bilhin na kung tutuusin ay pwede mo naman palang gawin? Cut down on unnecessary spending. Instead of buying, make your own.

3) Instead of buying, give. Noong ako’y nag-aral sa Wheaton College sa America, mayroon kooperatiba ang aming eskwelahan. Ang tawag dito ay Corinthian Co-op. Ang faculty at mga estudyante ay maaaring kumuha ng kahit anong bagay na kailangan nila mula sa Corinthian Co-op. Wala kaming babayaran. Ito ay mga pre-loved o used appliances, kitchenware, mga damit, libro at marami pang ibang kagamitan. You get what you need and you give what you no longer use. It’s a beautiful cycle of giving and receiving. Ang sabi sa Acts 20:35, “Remembering the words the Lord Jesus himself said: 'It is more blessed to give than to receive.' " Baka pwede kayong magsimula ng sarili ninyong version ng Corinthian Co-op diyan sa inyong kumpanya.

While spending is needed for a strong and healthy economy, ang sobrang paggastos ay hindi mabuti sa ating sariling bulsa. Borrow instead of buy. Make your own, instead of spending. Try giving, because what you sow, you will definitely reap at the right time. Konting preno sa paggastos at pagbili.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Monday, August 12, 2019

Silence is a Better Choice

PROTIPS - August 13, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Isang guro ang madalas magpaalala sa kanyang mga estudyante ng ganito, "Children always modulate your voice when you speak and do not add to the din of this world." Masyado ng maraming ingay sa mundo. Kaya naman mahalagang-mahalaga na mayroon tayong panahon para manahimik at may kakayahan tayong tumahimik lalo na kung wala naman tayong magandang sasabihin. Silence is gold.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May tamang panahon para magsalita at may panahon din para manahimik. Ang sabi nga sa Ecclesiastes 3:7, There is "a time to tear and a time to mend, a time to be silent and a time to speak," Ilang beses ka bang nanghinayang at napaisip na mas mabuti na lang sana kung nanahimik ka sa isang sitwasyon?

Kailan nga ba mas mabuting manahimik na lamang?

1) Better to be silent than display your anger. Ang paalala sa James 1:19 ay ganito, "Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry". Kakambal ng galit ang mapanakit na pananalita. Kaya dapat ay marunong tayong magcontrol ng ating dila. Being able to control your tongue when you are angry is a sign of maturity and strength.

2) Better to be silent than display your ignorance. May mga taong napaghahalata na kapos o kulang ang kaalaman dahil sa kanilang mga sinasabi. Ang sabi sa Proverbs 17:27-28 "The one who has knowledge uses words with restraint, and whoever has understanding is even-tempered. Even fools are thought wise if they keep silent, and discerning if they hold their tongues."

3) Better to be silent than be sorry. Mas mabuting manahimik na lamang kaysa magsisi ka sa mga bibitiwan mong salita na hindi napigilan o pinag-isipan. Madalas sa kasagsagan ng ating mga emosyon, may mga nasasabi tayong masasakit na salita. Mahirap na itong bawiin kapag nasabi na. Kahit pa humingi ka ng tawad, ang mas mabuting option sana ay ang nanahimik ka na lamang sa simula't-simula pa. If you have to vent out strong emotions, cry out to God and don't lash out on people.

Kung magsasalita tayo, tiyakin natin na ang ating sasabihin ay maghahatid ng inspirasyon at pagpapala sa iba. Kung hindi ay piliin na lamang natin na manahimik kaysa makadagdag pa sa ingay ng mundo.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Tuesday, August 6, 2019

Sow Love

PROTIPS-August 6, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Marami tayong naririnig at napapanood na mga balita tungkol sa karahasan. Hatred that manifested itself in violence. Marami ng mga pag-uusap ang ginagawa kung paano ito masusugpo. Ang sabi ni Martin Luther King Jr., "Darkness cannot drive out darkness; only light can do that. Hate cannot drive out hate; only love can do that." Ano nga ba ang pwede nating gawin para higit na lumaganap ang pag-ibig kaysa galit sa tahanan natin, sa opisina o sa ating lipunan? Magtanim tayo ng pag-ibig.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Let's sow love, one loving deed at a time. At mayroon akong simpleng mungkahi sa iyo na pwede mong simulang itanim ngayon, upang sa kinalaunan'y magbunga ito ng mas loving environment diyan sa trabaho mo.

1) Listen to understand. Maraming mapanakit na salita ang naririnig at minsa'y nabibitiwan natin dahil sa kakulangan ng pakikinig upang umunawa. If you practice listening first, to understand where others are coming from, mas mababawasan ang pagiging mapanghusga ng marami. Makinig ng may pang-unawa. Makinig hindi upang hanapin ang mali ng iba. Makinig ng may pag-ibig.

2) Act with kindness without expecting anything in return. Sa trabaho mo ngayon, gumawa ka ng mabuti, di dahil sa may bonus kapag nahigitan mo pa ang nire-require sa iyo ng kumpanya. Love always goes the extra mile. Magiliw mong ibibigay ang best mo para sa mga taong mahal mo. If you love your work at thankful ka sa trabahong ibinigay sa iyo ng Diyos, work and act with kindness to the people around you.

3) Receive God's love and pass it on. Ang sabi sa 1 John 4:19 ay ganito, "We love because He first loved us." Hindi mo maibibigay ang wala sa iyo. If you want to grow into becoming a more loving person, tanggapin mo muna ang pag-ibig na Diyos para sa iyo. God's "love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth." (1 Corinthians 13:4-6)

Magtanim ng pag-ibig araw-araw. Listen with understanding, act with kindness and pass on to others the love that you receive from God.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Thursday, August 1, 2019

Recovering from a Major Blunder

PROTIPS-August 2, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Mabilis ka bang maka-move-on kapag mayroon kang maling nagawa? Probably a poor decision that resulted in a substantial financial loss? O kaya ay maling diskarte na nauwi sa pag-alis ng isang empleyado o kliyente? How do you recover and move on from major professional blunders?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

Paano nga ba tayo babawi kapag mayroon tayong pagkakamali na nakaapekto sa ating trabaho at negosyo?

1) Admit your fault. For many people, admitting their mistake is a difficult challenge. Pero diyan nagsisimula ang pag-usad at paglago buhat sa ating mga pagkakamali. Accepting responsibility for your mistake is the first big step towards recovering from a major blunder. Huwag na huwag mong ipapasa ang sisi sa iba dahil wala itong magandang ibubunga. Mas lalo lamang lalaki ang iyong problema. Tanggapin at harapin ang iyong pagkakamali.

2) Find ways to make-up for your blunder even if it costs you. Ang totoong pagtanggap sa iyong pagkakamali ay pagiging handa rin na harapin ang consequence nito. An apology is empty if there is no restitution. May food delivery na naantala ng ilang oras at ilang customer ang nagkanda gutom-gutom ng dahil dito. Your sorry is good but what your customers need is food. Humanap ng paraan para bumawi.

3) Forgive yourself and move-on. Minsan ay napatawad na tayo ng ibang tao at nakalimutan na nila ang palpak na nagawa natin, pero di pa rin tayo maka-move-on dahil di natin mapatawad ang ating sarili. Forgive yourself and learn from your mistake. Di nga ba't isa sa mahuhusay na guro ng buhay natin ay ang ating mga pagkakamali. Ang professional blunders natin ay parang MBA program na rin, as in Makaka Bawi Ako.

Do you feel bad because of a blunder you made at work? Admit your fault. Find ways to make-up for it. Forgive yourself and move-on.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page

Live Without Regrets



PROTIPS - August 1, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides

Kung di man natin nagawa o naabot ang ating goals noon, ang bawat araw ay may hatid na bagong simula at bagong pagkakataon. Kaya huwag kang mabuhay sa panghihinayang. Let go of your "what ifs" and "if only" dahil ang araw na ito ay di dapat gugulin sa panghihinayang kundi sa mabungang buhay at paggawa. Live without regrets.

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.

May pinanghihinayangan ka bang business opportunity, relationship o kaya ay desisyon sa iyong buhay ngayon? Manghinayang ng sandali tapos move on na kaagad dahil ang bawat minuto na ilalaan mo para sa iyong panghihinayang ay panahong maaari mong gugulin sa mas kapakipakinabang na gawain. Let me share with you better options to regrets.

1) Instead of living in regret, learn from the mistakes of the past. Sa halip na magmukmok sa panghihinayang, matuto ka sa mga maling desisyon o diskarte na iyong nagawa. Expected na naman na paminsan-minsan ay nagkakamali tayo. Bahagi iyan ng pagiging human.

2) Instead of having regret with relationships which went sour, build new ones. Ang mga relationships na hindi nag-work out sa trabaho man ito o personal mong buhay, sa halip na masaktan at manghinayang, ayusin ang maaaring ayusin and start on building new friendships. Huwag kang kumapit sa mga relationship na di naman nakabubuti para sa iyo. Sometimes the Lord removes certain individuals in our lives for our own good and theirs as well.

3) Instead of living in regret for missed opportunities, be open to new ones. Huwag mo ng panghinayangan ang mga oportunidad na di mo tinanggap at napunta sa iba. May darating na bagong pagkakataon para sa iyo at dapat ay maging handa ka para dito. When a new season has ended, accept it and embrace the new season that will begin.

Live without regrets. Learn from past mistakes. Build new friendships and be open to new opportunities that will come your way.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: Protips FB Page