PROTIPS - June 24,2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Noon bang bata ka pa ay nasabihan ka ng iyong mga magulang ng ganito, “You cannot always get what you want, anak”? Maraming pwedeng dahilan kaya may mga bagay sa mundo na gusto nating gawin pero hindi naman natin magawa. Gusto mong ma-promote sa trabaho, pero kulang ka pa sa mga credentials at requirements. Gusto mong magtrabaho sa isang partikular na kumpanya pero after ng iyong application at interviews, kalahating taon na, hindi ka pa rin tinatawagan ng management. Gusto mong maging singer, pero sa tuwing kumakanta ka, nahahati ang mga nota ng DO at RE sa gitna. Feeling sad and frustrated ka ba dahil hindi mo makuha ang trabahong iyong pinapangarap?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.
Sinabi ni John Ruskin, isang sikat na English art critic sa Britain noong Victorian era ang ganito: “When love and skill work together, expect a masterpiece.” Kapag pinagsama ang passion at talento ng isang tao sa isang gawain, isang obra-maestra ang kanyang malilikha. Isang malaking pagpapala ang mabigyan ng pagkakataong gawin ang isang trabaho o gampanan ang isang tungkulin na gustung-gusto mo at akma para sa iyong mga kakayahan.
What to do when you cannot do what you want to do? Narito ang ilang tips.
1. Draw near to God. Sabihin mo sa Diyos ang laman ng iyong puso – ang iyong mga dreams at frustrations. At alalahanin mo, kailanman ay hindi gagawa ang Diyos ng isang bagay ng walang dahilan o walang pakinabang. May plano Siya para sa lahat ng kanyang mga nilikha. Malalaman mo lang ang purpose ng iyong buhay kung lalapit ka sa Diyos, ang nagplano ng bawat detalye ng iyong buhay at nagbigay sa iyo ng bawat katangian at kakayahan na meron ka ngayon.
2. Improve your skills and enjoy the beauty of waiting. Habang naghihintay ka sa katuparan ng iyong pangarap, mag-join ka sa mga available na training and workshop kung saan mas made-develop pa ang iyong mga kakayahan. To be excellent, you need to learn endlessly. Mag-aral at magpractice.
3. Trust God and accept your limitations. Minsan, ang pagtanggap sa iyong mga limitasyon ang pinakamagandang bagay na pwede mong gawin para maging masaya at maka-move on. Huwag mong ipilit ang pagkanta kung mahusay ka naman ay sa pagku-kwenta. Huwag mong ipilit ang isang relationship na hindi tama at hindi nakalulugod sa Diyos. Maaaring may mga tao at opportunities na na inilalagay ang Diyos sa iyong harapan pero hindi mo pa rin makita dahil masyadong malayo ang iyong tingin. Higit pa sa iyong desire na maging maligaya at makamit ang iyong mga pangarap ang pagnanais ng Diyos na i-provide ang lahat ng bagay na makabubuti para sa iyo. Sabi sa isang awitin, “God is too wise to be mistaken. God is too good to be unkind. So when you don’t understand, when you don’t see His plan, when you can’t trace His hand, trust His heart.”
When you cannot do what you want to do, huwag kang maglupasay at magmaktol. Draw near to God, Improve your skills and enjoy the beauty of waiting, Trust God and accept your limitations.
Be a blessing in the workplace today!
Source:
Protips FB Page
No comments:
Post a Comment