Saturday, June 15, 2019

Afraid to Fly

PROTIPS - June 14, 2019

By Maloi Malibiran-Salumbides

Nag-aalmusal kami ng bunso kong anak ng bigla na lang niyang sinabi, "Mama, Dodo birds can't fly because they're too big and fat." Napa-isip tuloy ako, "Aray! Pinatatamaan ba ako ng batang ito?" Her statement led me to make a Google search about this extinct bird. At totoo nga, dahil sa laki at bigat nito ay hindi nakalipad ang Dodo bird. Kahit na wala ng Dodo bird ngayon na pinaniniwalaang naging extinct noong 1662, naging kilala ang ibon na ito dahil sa istoryang Alice in Wonderland kung saan mayroong character na Dodo bird. Sa pop culture, ang Dodo bird ay ginagamit na simbulo ng extinction at obsolescence. Ang tanong, ikaw ba'y hindi makalipad-lipad sa career mo at malapit ka na rin bang maging obsolete at extinct?

Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.

What's keeping you from flying? Ilang katangian ng mga professionals na nagiging hadlang sa kanilang career advancement ay ang mga sumusunod:

1) Feeling know-it-all. Kung akala at pakiramdam mo ay alam mo ang lahat ng bagay at na-o-offend ka kapag nagbibigay sa iyo ng suhestiyon ang iba, careful lang, kaibigan. Baka masyado ka ng bilib sa iyong sarili para matuto mula sa iba. Maraming kaalaman na relevant noong 1970's ay hindi na akma sa ating panahon ngayon. Mabilis at marami ang pagbabago sa ating mundo, kaya kailangang bukas tayo para matuto.

2) Fearing the unknown. Kung paiiralin mo lagi ang takot, ang mga potential mo ay mananatili na lamang na potential. Hindi mo malalaman kung ano talaga ang kaya mong gawin. Mayroon akong kakilalang takot na takot sumakay ng barko dahil noong bata pa siya ay muntik siyang malunod ng mahulog sa bangka na kanyang sinakyan. May nagregalo sa kanya ng ticket para sumakay ng cruise ship ngunit dahil sa kanyang trauma, sa una ay tinanggihan niya ito. Kinalaunan ay nakumbinse rin siyang sumama na sa cruise. Lubos siyang nasiyahan sa karanasang iyon at natuwa na napagtagumpayan niya ang kanyang takot. Do you have fears that keep you from flying high in your career? Panghawakan mo ang sinasabi sa Isaiah 41:10, "So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand."

3) Following trends and conventions. Kung sunod ka lamang ng sunod sa uso, you are simply following and not leading. People who fly high in life don't just embrace the trend, they set the trend. Ganito ang paalala sa atin sa Romans 12:2, "Do not conform to the pattern of this world..." Bago naimbento ng magkapatid na sina Orville at Wilbur Wright ang kauna-unahang matagumpay na eroplano, ang tanggap na pananaw ay hindi pwedeng lumipad ang tao. But the Wright brothers were bold enough to challenge the existing convention. If you want to fly, don't be afraid to ask, "Why not?" Diyan ba sa kumpanya ninyo ay mayroong mga nakagawiang patakaran na hindi na napapanahon at hindi na rin nakatutulong para kayo ay lumago at lumipad?

Tanggalin ang mga hadlang para ikaw ay lumipad sa iyong trabaho at negosyo. Don't be a know it all. Overcome your fear of the unknown. At iwasan din ang sumunod lamang ng sumunod sa uso. Have you become too proud to learn? Have you become too safe to try something new? Have you become too conventional to be relevant? Huwag mong ilagay sa hawla ang iyong sarili dahil nilikha ka ng Diyos upang makalipad ng malaya. Ang sabi sa Isaiah 40:31, "Those who trust in the LORD will find new strength. They will soar high on wings like eagles."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Source: ProTips FB Page

No comments:

Post a Comment