PROTIPS - January 25, 2017
By Maloi Malibiran-Salumbides
Isa sa mahahalagang susi ng pagkakaroon ng masayang trabaho ay ang relationships na mayroon tayo sa opisina. Fostering camaraderie and harmony in the workplace is not just the responsibility of the HR department. Ito ay responsibilidad ng bawat isa at mahalagang gawin natin ang ating bahagi para ang ugnayan sa opisina ay maayos at masaya.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Tatlong grupo ng tao ang kailangang pangalagaan mo ang iyong ugnayan. Anu-ano ang mga ito?
1) Relationship with your superiors. Mahalagang magpakita ng suporta at paggalang sa iyong boss at mga taong nakatataas ang posisyon kaysa sa iyo. Hindi ka man palaging sang-ayon sa kanilang mga desisyon o style of leadership, ang respeto sa kanila ay di dapat mawala. Ugaliin mong ipanalangin ang iyong boss dahil hindi naman madali ang trabaho ng isang leader.
2) Relationship with your colleagues or peers. Alagaan mo rin ang iyong relationship sa iyong mga katrabaho at kasama sa team. Kayo ang magkakatuwang sa pag-abot ng inyong team goals at targets. Practice openness and honesty with one another. Huwag magsiraan, kundi magtulungan at magpalakasan. Make friends and not enemies among your peers.
3) Relationship with your clients and suppliers. Kung ikaw ay nasa sales, hindi lang ang makabenta ng iyong produkto o serbisyo ang trabaho mo. Selling is really about establishing good relationships with your customers. Karamihan ng mga suki natin sa negosyo ay mga taong naging kaibigan na rin natin. You know them by name and you understand their needs.
Build healthy relationships with your boss, your peers, your clients and suppliers. Ang mga ugnayang maingat na inalagaan, sa tamang panahon ay mamumunga ng higit pa sa iyong inaasahan.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: Protips FB Page
Sunday, June 30, 2019
Thursday, June 27, 2019
Love is Truthful
PROTIPS - June 26, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Lumaki tayo sa kasabihang, “Honesty is the best policy”. Do you practice honesty and truthfulness in the way you conduct business? Isa sa mga katangian ng pag-ibig na mababasa natin sa 1 Corinthians 13:6 ay ito, “Love does not rejoice in unrighteousness, but rejoices with the truth;”
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa trabaho at negosyong puno ng inspirasyon at pag-ibig.
Mayroon akong ilang mungkahi kung paano tayo magkakaroon ng mas loving workplace sa pamamagitan ng pagiging tapat at totoo.
1) Speak the truth at all times. Gawing lifestyle ang pagsasabi ng katotohanan. Magiging mas simple ang buhay mo kung palagi kang tapat at walang itinatago. Sakaling nagkamali ka at humantong ito sa pagkawala ng isang deal o pagka-antala ng isang proyekto, aminin mo ang totoo at pangatawanan ito. Huwag mong ibaling ang sisi sa iba. Huwag mong sisihin ang traffic, dahil matagal na naman nating nararanasan iyan. Tell the truth instead of inventing excuses to get you off the hook.
2) Stop spreading gossip and unwholesome talk. Isa yata sa paboritong past-time ng maraming nagtatrabaho ay ang pag-usapan ang buhay ng may buhay. Mabuti kung ang pinagkukuwentuhan natin ay ang tagumpay at magandang buhay ng ibang tao. Pero kung ang laman ng usapan ninyo ay ang problema o misfortunes ng inyong ka-opisina, may kailangang magbago. Spreading gossip is not a loving act. It is a form of betrayal. At hindi ito nakabubuti sa ating samahan sa trabaho. Spread love not gossip.
3) Be truthful about your products and services. Iwasang mangako ng mangako kung alam mo namang hindi mo ito magagawa. Mas mabuting ipaalam mo sa iyong kliyente ang iyong mga limitasyon kaysa paasahin sa isang bagay na hindi naman mangyayari. Ang tiwala ng iyong kliyente ay priceless. Mahirap itong tubusin kapag nawala.
Speak the truth at all times, stop spreading gossip and unwholesome talk, be truthful about your products and services. Ano pa ang mga paraan para ipamuhay ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagiging tapat at totoo diyan sa iyong trabaho? Iyong pag-isipan at aksyunan.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: Protips FB Page
Tuesday, June 25, 2019
Talk Less, Listen More
PROTIPS - June 25, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Talk less and listen more. Totoo nga naman, nakadaragdag sa araw-araw nating stress ang ingay na ating naririnig.Sa pagkakalikha pa lamang sa atin ng Diyos, alam mo na kung ano ang mas dapat nating ginagawa, hindi ba? Isa ang ating bibig at dalawa ang ating tainga. Doon pa lang ay may pahiwatig na sa atin na dapat ay mas maraming pakikinig ang ating gawin kaysa pagsasalita.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Minsan nga ay lumabas ako sa isang tindahan dahil napaka-ingay ng tugtog at sinabayan pa ng malakas na boses ng mga nagde-demo ng iba't-ibang produkto. Isa yata ito sa pinaka-stressful na pamimili na narasanan ko. Isang paraan para maging pagpapala tayo sa ating mga katrabaho at mga tao sa paligid natin, bawasan ang ingay. Ang sabi nga sa Ecclesiastes 5:2, "Be not be rash with your mouth, nor let your heart be hasty to utter a word...let your words be few."
Let's talk less and listen more. Bakit?
1) You gain more from listening than from talking. Mas kapakipakinabang ang pakikinig kaysa pagsasalita. Marami kang napupulot at natututunan kapag ikaw ay nakikinig. You are able to gain understanding from listening. Di lamang iyon, nahahasa din ang iyong patience at self-control kapag mas nakinig ka sa halip na magsalita. Ang sabi nga sa James 1:19, "Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry."
2) People will value your words even more if you think before you speak. Ang mga salitang pinag-isipan ay mas pahahalagahan at pakikinggan kaysa mga salitang basta winika na lamang. Naranasan mo na bang pagsisihan ang iyong mga sinabi dahil di mo ito masyadong napag-isipan? Naranasan mo na rin bang magtanong, samantalang kasasabi pa lamang ng sagot pero di mo ito napakinggan? Oftentimes, we find ourselves in an embarrassing spot when we do not listen attentively. Kaya paganahin natin ang ating mga tainga at makinig tayong mabuti.
3) Be comfortable in silence and in stillness. Mahalaga ang panahon ng pananahimik. It pacifies your heart and your mind. Di kailangang palagi kang may kausap o kakuwentuhan. During times when you are by yourself, enjoy the peace and quiet and be still. Sa Psalm 46:10 ay ganito ang sinasabi, "Be still and know that I am God." Higit nating maririnig ang Diyos sa panahon ng katahimikan.
Subukan nating dagdagan ang ating pakikinig kaysa pagsasalita.
Monday, June 24, 2019
Can't Do What You Want to Do?
PROTIPS - June 24,2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Noon bang bata ka pa ay nasabihan ka ng iyong mga magulang ng ganito, “You cannot always get what you want, anak”? Maraming pwedeng dahilan kaya may mga bagay sa mundo na gusto nating gawin pero hindi naman natin magawa. Gusto mong ma-promote sa trabaho, pero kulang ka pa sa mga credentials at requirements. Gusto mong magtrabaho sa isang partikular na kumpanya pero after ng iyong application at interviews, kalahating taon na, hindi ka pa rin tinatawagan ng management. Gusto mong maging singer, pero sa tuwing kumakanta ka, nahahati ang mga nota ng DO at RE sa gitna. Feeling sad and frustrated ka ba dahil hindi mo makuha ang trabahong iyong pinapangarap?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.
Sinabi ni John Ruskin, isang sikat na English art critic sa Britain noong Victorian era ang ganito: “When love and skill work together, expect a masterpiece.” Kapag pinagsama ang passion at talento ng isang tao sa isang gawain, isang obra-maestra ang kanyang malilikha. Isang malaking pagpapala ang mabigyan ng pagkakataong gawin ang isang trabaho o gampanan ang isang tungkulin na gustung-gusto mo at akma para sa iyong mga kakayahan.
What to do when you cannot do what you want to do? Narito ang ilang tips.
1. Draw near to God. Sabihin mo sa Diyos ang laman ng iyong puso – ang iyong mga dreams at frustrations. At alalahanin mo, kailanman ay hindi gagawa ang Diyos ng isang bagay ng walang dahilan o walang pakinabang. May plano Siya para sa lahat ng kanyang mga nilikha. Malalaman mo lang ang purpose ng iyong buhay kung lalapit ka sa Diyos, ang nagplano ng bawat detalye ng iyong buhay at nagbigay sa iyo ng bawat katangian at kakayahan na meron ka ngayon.
2. Improve your skills and enjoy the beauty of waiting. Habang naghihintay ka sa katuparan ng iyong pangarap, mag-join ka sa mga available na training and workshop kung saan mas made-develop pa ang iyong mga kakayahan. To be excellent, you need to learn endlessly. Mag-aral at magpractice.
3. Trust God and accept your limitations. Minsan, ang pagtanggap sa iyong mga limitasyon ang pinakamagandang bagay na pwede mong gawin para maging masaya at maka-move on. Huwag mong ipilit ang pagkanta kung mahusay ka naman ay sa pagku-kwenta. Huwag mong ipilit ang isang relationship na hindi tama at hindi nakalulugod sa Diyos. Maaaring may mga tao at opportunities na na inilalagay ang Diyos sa iyong harapan pero hindi mo pa rin makita dahil masyadong malayo ang iyong tingin. Higit pa sa iyong desire na maging maligaya at makamit ang iyong mga pangarap ang pagnanais ng Diyos na i-provide ang lahat ng bagay na makabubuti para sa iyo. Sabi sa isang awitin, “God is too wise to be mistaken. God is too good to be unkind. So when you don’t understand, when you don’t see His plan, when you can’t trace His hand, trust His heart.”
When you cannot do what you want to do, huwag kang maglupasay at magmaktol. Draw near to God, Improve your skills and enjoy the beauty of waiting, Trust God and accept your limitations.
Be a blessing in the workplace today!
Source:
Protips FB PageSaturday, June 15, 2019
Afraid to Fly
PROTIPS - June 14, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Nag-aalmusal kami ng bunso kong anak ng bigla na lang niyang sinabi, "Mama, Dodo birds can't fly because they're too big and fat." Napa-isip tuloy ako, "Aray! Pinatatamaan ba ako ng batang ito?" Her statement led me to make a Google search about this extinct bird. At totoo nga, dahil sa laki at bigat nito ay hindi nakalipad ang Dodo bird. Kahit na wala ng Dodo bird ngayon na pinaniniwalaang naging extinct noong 1662, naging kilala ang ibon na ito dahil sa istoryang Alice in Wonderland kung saan mayroong character na Dodo bird. Sa pop culture, ang Dodo bird ay ginagamit na simbulo ng extinction at obsolescence. Ang tanong, ikaw ba'y hindi makalipad-lipad sa career mo at malapit ka na rin bang maging obsolete at extinct?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.
What's keeping you from flying? Ilang katangian ng mga professionals na nagiging hadlang sa kanilang career advancement ay ang mga sumusunod:
1) Feeling know-it-all. Kung akala at pakiramdam mo ay alam mo ang lahat ng bagay at na-o-offend ka kapag nagbibigay sa iyo ng suhestiyon ang iba, careful lang, kaibigan. Baka masyado ka ng bilib sa iyong sarili para matuto mula sa iba. Maraming kaalaman na relevant noong 1970's ay hindi na akma sa ating panahon ngayon. Mabilis at marami ang pagbabago sa ating mundo, kaya kailangang bukas tayo para matuto.
2) Fearing the unknown. Kung paiiralin mo lagi ang takot, ang mga potential mo ay mananatili na lamang na potential. Hindi mo malalaman kung ano talaga ang kaya mong gawin. Mayroon akong kakilalang takot na takot sumakay ng barko dahil noong bata pa siya ay muntik siyang malunod ng mahulog sa bangka na kanyang sinakyan. May nagregalo sa kanya ng ticket para sumakay ng cruise ship ngunit dahil sa kanyang trauma, sa una ay tinanggihan niya ito. Kinalaunan ay nakumbinse rin siyang sumama na sa cruise. Lubos siyang nasiyahan sa karanasang iyon at natuwa na napagtagumpayan niya ang kanyang takot. Do you have fears that keep you from flying high in your career? Panghawakan mo ang sinasabi sa Isaiah 41:10, "So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand."
3) Following trends and conventions. Kung sunod ka lamang ng sunod sa uso, you are simply following and not leading. People who fly high in life don't just embrace the trend, they set the trend. Ganito ang paalala sa atin sa Romans 12:2, "Do not conform to the pattern of this world..." Bago naimbento ng magkapatid na sina Orville at Wilbur Wright ang kauna-unahang matagumpay na eroplano, ang tanggap na pananaw ay hindi pwedeng lumipad ang tao. But the Wright brothers were bold enough to challenge the existing convention. If you want to fly, don't be afraid to ask, "Why not?" Diyan ba sa kumpanya ninyo ay mayroong mga nakagawiang patakaran na hindi na napapanahon at hindi na rin nakatutulong para kayo ay lumago at lumipad?
Tanggalin ang mga hadlang para ikaw ay lumipad sa iyong trabaho at negosyo. Don't be a know it all. Overcome your fear of the unknown. At iwasan din ang sumunod lamang ng sumunod sa uso. Have you become too proud to learn? Have you become too safe to try something new? Have you become too conventional to be relevant? Huwag mong ilagay sa hawla ang iyong sarili dahil nilikha ka ng Diyos upang makalipad ng malaya. Ang sabi sa Isaiah 40:31, "Those who trust in the LORD will find new strength. They will soar high on wings like eagles."
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: ProTips FB Page
Thursday, June 6, 2019
Trust Begets Trust
PROTIPS - June 5, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
Sino ang mga pinagkakatiwalaan mo diyan sa inyong opisina? Do you find your co-workers trust-worthy? O medyo nag-iingat ka na ngayon sa mga ibinabahagi mo sa kanila dahil minsan ka ng napaso, namiss-quote o nagawan ng kwento? Trust begets trust. Kung nais mong pagkatiwalaan ka, dapat ay patunayan at ipakita mong karapat-dapat ka nga na tumaggap ng tiwala ng iba. How do you develop a culture of trust in the workplace? Pag-usapan natin ito ngayon sa Protips.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspirado at productive na pagtatrabaho.
Ang tiwala ay pundasyon ng matatag na pagsasama, sa business man ito o sa personal nating buhay. Mahirap maibalik ang tiwalang nasira pero hindi naman imposible. Paano nga ba natin ibabalik o pagyayamanin ang tiwala sa ating organisasyon?
Tip#1: Credibility builds confidence and trust. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng iyong mga katrabaho at kliyente, alagaan at palakasin mo ang iyong kredibilidad. Credibility is built when your talk is matched by your walk. Ang brands ng mga produkto na pinagkakatiwalaan ng merkado ay consistent sa kalidad at serbisyo na kanilang ina-advertise. Kung ano ang kanilang sinasabi, yun nga ang nakukuha o nararanasan ng mga tumatangkilik sa kanila. Ang resulta, tumataas ang tiwala ng mga mamimili at inirerekomenda pa sila sa iba. Establish a credible brand that will be easy for people to trust.
Tip#2: Own up, don’t cover-up. Isa sa nakasisira ng tiwala ay kapag pinagtakpan o itinanggi natin ang isang pagkakamali. Ang mga kilalang brand ng sasakyan o pagkain, hindi nagdadalawang isip na i-recall o ipatanggal sa merkado ang mga produktong may depekto sa oras na makatanggap sila ng report na may problema ang kanilang product. Sa simula ay talagang apektado ang benta ng kanilang produkto. But in the long-run, the trust of their market is regained because they chose to own-up instead of cover-up. Kahit sa ating mga personal na ugnayan, mas makabubuting aminin ang ating pagkakamali at humingi agad ng tawad kaysa hintayin mo pang ikaw ay mabuko. You want people to trust you? Kilalanin ang iyong pagkakamali, humingi ng tawad at magsumikap na pagkatiwalaan kang muli. Hindi pwedeng utusan mo ang iba na mag-move-on na lamang ng basta-basta at kalimutan ang nangyari ng wala namang apology, retribution at restitution na nangyayari. Own-up and pay-up, face the consequences of your mistakes, for trust to be regained.
Tip#3: Take risks, trust again. Para manumbalik ang tiwala at muling mabuo ang maayos na samahan, subukan mong magtiwala muli. You will never know if someone has truly changed if you won’t give that person another chance. Minsan sinira ni Pedro ang tiwala sa kanya ng Panginoong Hesus pero binigyan muli siya ng Diyos ng panibagong pagkakataon. Kung nahihirapan kang magpatawad at magtiwalang muli, isipin mo na lang kung ilang beses kang pinatawad at muling binigyan ng pagkakataon ng Diyos. May this encourage you to trust and give others a chance again.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: Protips FB Page
Sunday, June 2, 2019
Three Envelopes for Managing Your Finances
PROTIPS - May 31, 2019
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
How is your energy level today? Eh kumusta naman ang level ng savings mo sa bangko? Mayroon pa bang natitira o medyo naghihingalo rin ba?
I'd like to share with you today a very simple strategy in managing personal finances. This is what I call the 3 Envelop Strategy.
Good morning, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, kaagapay mo sa inspirado at produktibong pagtatrabaho.
Ano ba ang 3 Envelope strategy to personal financial management? Simple lang, tatlong envelopes ang kailangan mo at isang marker.
Envelope #1 is for your payment to yourself. Buhat sa iyong natanggap na sweldo, swelduhan mo ng 10% ang iyong sarili. This is your savings. Iyan ang ihuhulog mo sa bangko. Maganda sana kung mayroon kang separate account na hindi accessible through ATM para hindi mo ito madaling ma-withdraw. Envelope #1 is your savings envelope.
Envelope #2 is for your expenses. Ito naman ay 80% ng iyong income. Kung kaya mong mas mababa pa dito ang iyong expenses, mas mabuti. Discipline yourself to spend not just within your means but below your means.
Envelope #3 is what I call the thanksgiving envelope. Maglalagay ka rin ng 10% sa envelope na iyan. This 10% is for us to give to God as tithe and offering. Ito ang pasasalamat natin sa Diyos at paalala din sa atin na lahat ng biyaya ay buhat sa Kanya.
Simple lamang ito but many are not able to do it because we think that we do not have enough. Diyan tayo nagkakaproblema, kung sa kakarampot na sweldo ay hindi tayo disiplinado, tiyak na kahit malaki na ang kinikita natin, hindi rin tayo magiging tapat at disiplinado. May mga kakilala nga ako, kung kailan mas lumaki ang kita ay mas lalong dumami rin ang utang. Whether with a small or bigger salary, dapat nakikita na ang ating disiplina.
Ito ang Three-Envelope strategy na sana ay makatulong sa pag-manage mo ng iyong finances. Sana sa simpleng tips na ito ay matulungan tayo na higit na pagyamanin ang mga pinansiyal na biyayang natatanggap natin.
Be a blessing in the workplace today!
Source: Protips FB Page
Subscribe to:
Posts (Atom)