PROTIPS - February 6, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Maaaring mayroon kang pinagdaraanan na matinding pagsubok sa trabaho mo ngayon. Tandaan mo, you can turn your tears into priceless treasures.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
May nabasa akong poster na ganito ang nakalagay, "God can turn a mess into a message, a test into a testimony, a victim to a victor and a tragedy into triumph." Paano nga ba magiging treasure ang mga iniiiyak mo sa iyong buhay at trabaho ngayon?
1) Don't take the easy way out. Iwasan mong takasan ang iyong problema. Facing your problems courageously is the first important step towards overcoming it. Ang problemang iyong tinatakbuhan, tiyak na hahabulin ka lamang. Kaya harapin mo ito at pag-aralan mo kung paanong ang problema ay pwedeng maging isang magandang oportunidad na iyong mapakikinabangan. Karamihan sa mga produkto na mayroon tayo ngayon ay katugunan sa isang problema.
2) Instead of being fearful, be faithful. Kapag takot ang naging tugon mo sa gahiganteng pagsubok na mayroon ka ngayon, hindi ka makakakilos at hindi mo makikitang higit na malaki ang Diyos kaysa sa iyong problema. Instead of being fearful, put your faith in God. Ang sabi ng Diyos sa Isaiah 41:10, "Fear not, for I am with you."
3) Share your journey with others. Ang pinagdaanan mo ay maaaring pinagdaraanan din ng iba ngayon. Your tears before, may become precious treasures to others today. Ang difficulties na iyong napagtagumpayan ay hindi lamang para sa iyo. Ibahagi mo ang iyong kwento at karanasan para mapaghugutan din ng lakas ng loob ng ibang nangangailangan ng encouragement at inspirasyon.
Problems are priceless blessings in the most unlikely packages. Huwag mo itong takasan. Humingi ka ng tulong at gabay sa Diyos upang ito ay iyong mapagtagumpayan. At ibahagi mo sa iba ang mga bagay na iyong natutunan buhat sa mga problemang natapos na. Turn your tears to treasures.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: ProTips FB Page
No comments:
Post a Comment