PROTIPS - February 14, 2020
By Maloi Malibiran-Salumbides
By Maloi Malibiran-Salumbides
Araw na ng mga Puso! Nagmahal na naman ng halos anim na beses ang mga bulaklak, kaya sakaling hindi ka makatanggap ng flowers, ok lang yun, cauliflower na lang o chicharong bulaklak makakain pa! We see a lot of symbolisms and expressions of love lately. Pero isang bata ang nagbigay ng magandang paalala kung ano ang mahalagang pagpapakita ng pag-ibig. Nang tanungin ang isang bata kung ano ang spelling ng love ang sagot niya ay "T-I-M-E". At tama nga naman siya, love is investing time in relationships.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Ang oras mo ay isa sa iyong pinaka-precious resource. Mas mahalaga pa nga ito sa pera. Dahil ang pera ay maaari mong kitain muli, pero ang oras mo ay hindi na maibabalik. Kaya kung mahalaga sa iyo ang isang tao, maglalaan ka ng panahon para sa kanya.
What happens when you invest time in relationships?
1) You discover more things about people. Minsan nasabi ko sa isang kakilala, "Alam mo matagal na tayong magkakilala, pero hindi pala kita ganoong kakilala." It was only when we spent time with each other na nadiskubre ko ang maraming bagay tungkol sa kanya - ano ang kanyang interes, passion, struggles. Gaya nga ng madalas kong sabihin, there is so much more to a person than just your first impression of her. Show love by investing time in people.
2) You are able to connect when you purposefully spend time with others. Para patatagin ang iyong ugnayan opisina, dapat ay maging purposeful ang oras na inyong ginigugol sa inyong pagsasama-sama. You maybe in the same office for 8 hours every single day pero kung hindi ka naman nakikipag-usap, wala kayong interaction sa isa't-isa, hindi rin lalalim ang inyong ugnayan. Follow the example of Jesus, he had 3 years to mentor his disciples. He spent his time with them intentionally and purposefully.
3) You are able to create meaningful memories together. Maraming magagandang alaala ang pwede ninyong likhain ng sama-sama diyan sa inyong trabaho kung bibigyan ninyo ng panahon ang isa't-isa. Make it a goal to create happy memories with the people you love - pamilya mo, co-worker o client by spending quality time with them.
Love is not love when it is not expressed. And to express love, you need to invest a precious resource called time. Magbigay ka ng panahon sa mga taong mahal mo at mahalaga sa iyo.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Source: Protips FB Page
No comments:
Post a Comment